Cassie "Look mommy, ang laki ng house ni daddy!" napanguso na lang ako. Kita ko kasi ang sobrang tuwa ni Jazsmine ng makita ang lungga nitong tatay niya. "Did you like it baby doll?" masuyong tanong ni Jed dito na ikinatango niya agad. "Gusto mo bang dito tumira?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Jed pero bago pa ako makasagot tumango na agad si Jazsmine. "Ahm…J-jed, kailangan na naming umuwi." tumagal pa kasi kami sa ospital. Ang isang araw na observation kay Jazsmine ay naging dalawa hanggang sa naging apat na araw. Hindi ko rin alam kung bakit pero dahilan lang ni Dr. Grayson may gusto lang daw siyang i-check. "Puwede naman kayo ditong magpalipas ng gabi, kung tutuusin dito naman kayo dapat nakatira in the first place." nakatitig si Jed ng malali

