Chapter Ten

3263 Words
"HERE'S the design for our latest furniture collection." Sabi ni Jester, saka nilapag nito ang ilang piraso ng papel na may naka-drawing na mga iba't-ibang disenyo ng mga upuan. "Thanks," usal ni Nancy Jane. Kinuha niya ang mga iyon, saka isa-isang tiningnan. May ilan siyang dinis-aprubahan. Ang ilan naman ay pumasa sa panlasa niya. "Coffee?" alok nito sa kanya, hindi na siya hinayaan nitong sumagot. Basta na lang nito nilapag ang tasa ng kape sa mesa niya. "Relax a bit, Nancy Jane. Huwag mong patayin ang sarili mo sa trabaho." Payo pa nito sa kanya. "Alam kong hindi ka pa nanananghalian." "I'm okay." Tanging sambit niya. Naupo si Jester sa isang bakanteng silya sa unahan ng mesa niya. "Look, hindi ka mamamatay sa ganyan." Sabi pa nito. Kunot-noong nag-angat siya ng ulo. "Ano bang sinasabi mo diyan?" maang niyang tanong. "Daig mo pa ang nagpapakamatay. Masyado mong nilulunod ang sarili mo sa trabaho. Palagi na lang wala sa oras ang kain mo. Ano bang ginagawa mo sa sarili?" "Jester, it's not suicide. It's called working." Sagot niya. "Alam ko naman ang ginagawa mo eh. Sinusubsob mo ang sarili mo sa trabaho para hindi mo maisip si Justin, right?" Isang pamilyar na kirot ang muli niyang naramdaman sa kanyang puso pagkarinig sa pangalan ng lalaking pinakaiiwas-iwasan niya. "Jester, please." Pakiusap pa niya. "Okay. I'm sorry." Hinging-paumanhin nito. Matapos nilang magkaayos ni Justin at muling masira ng dahil sa isang katotohanan na nalaman niya. Kasabay niyon ay ang pag-basted niya kay Jester. Ipinaliwanag niya dito na hindi pa siya handing magmahal muli matapos ang mapait niyang nakaraan. Isang bagay na maluwag na tinanggap nito. Ngayon nga ay magkaibigan na sila. Bukod doon ay magkasama sila sa negosyo. Nagkipagsosyo ito sa kanya. Ngayon nga ay halos isang buwan na ang furniture business nila. Tinuloy nila Roy, Dingdong at Leo ang pag-invest sa kumpanya nila. At ngayon nga, habang dumadaan ang mga araw. Paganda na ng paganda ang takbo ng negosyo nila. Masaya naman siya. Maliban sa puso niyang tila binalot ng dilim. Tatlong linggo na ang nakakalipas matapos ang matinding komprontasyon nila ni Justin. Matapos niyang malaman ang lahat ng pinlano nito laban sa kanya. Hindi na niya muli pa itong kinausap. Ilang beses itong sumubok na kausapin siya. Ngunit nagmatigas siya. Ayaw na niyang hayaan ang sariling maniwala sa lahat ng sasabihin nito. Dahil alam niyang pawang kasinungalingan lamang ang lalabas sa bibig nito. Ngunit, hindi niya maaaring itanggi na hanggang sa mga sandaling iyon, si Justin pa rin ang nagma-may ari ng puso niya. Nagulat pa siya ng ilapag ni Jester ang box ng tissue sa harap niya. "Ano 'yan?" nagtatakang tanong niya. Tinuro nito ang pisngi niya. Wala sa loob na nahawakan niya ang pisngi niya. Saka lang niya namalayan na basa pala ang pisngi niya. Hindi niya namalayan na naluha siya. "Are you okay?" may pag-aalalang tanong ni Jester. "H-Ha? Oo naman. Nagluluha lang talaga ang mata ko." Pagdadahilan pa niya. "It's okay, Nancy Jane. Sabihin mo sa akin kung hanggang ngayon ay apektado ka pa rin kay Justin. I'm your friend." Sabi pa nito. "Hindi ko siya iniisip, okay? Masakit lang talaga ang mata ko." "Fine." Sabi nito. Bahagya pa nitong tinaas ang dalawang kamay nito tanda ng pagsuko. "Hindi na ako mangungulit." Napangiti siya. "That's more like it." Tugon naman niya. Ilang sandali pa ay nag-ring ang cellphone niya. Napakunot-noo siya nang makita niya kung sino ang tumatawag sa kanya. Ang makulit na si Panyang. "Hello Hardinera," bungad niya dito pagpindot niya ng answer call button. "Hoy karpintera! Kumusta ka na?" tanong nito. "Okay naman." "Pumunta ka dito ngayon." Walang prenong utos nito. "Next time, busy ako." Sagot niya. Matapos ang lahat ng gulo. Mas pinili niyang umalis ng Tanangco pansamantala. Sa tingin niya ay mas makakabuti iyon sa kanya para makalimot. And it helps, pero konti lang. Dahil sa tuwina ay naaalala pa rin niya ang lalaking hanggang ngayon ay may pitak pa rin sa puso niya. "Hoy bruha, tatlong linggo ka ng hindi nagpapakita sa amin. Kapag hindi ka pumunta dito. Ipapasundo kita diyan kay tsekwa!" banta pa nito. "Yeah right, Panyang. Huwag kang mang-blackmail." "Hindi kita bina-blackmail. Kilala mo naman ako. Gagawin ko talaga 'yon!" Napabuntong-hininga siya. Sabagay, kilala nga niya ang isang ito. Kapag pinasok ng hangin ang tuktok nito. Alam niyang gagawin talaga nito ang banta nito. "Ano? Pupunta ka ba dito o ipapasundo kita kay Chua?" "Oo na! Sige na! Pupunta na po." Napilitan niyang sagot dito. "Ayan! Dapat nandito ka na within thirty minutes." ka "What?! Isang oras naman!" protesta niya. "Hindi. Thirty minutes. Sa c5 ka na dumaan. Tutal diyan lang naman sa Ortigas ang opisina mo." Katwiran pa nito. Napabuntong-hininga siya. "Saksakan ka talaga ng kulit Panyang! Pasalamat ka at buntis ka kung hindi talagang bahala ka diyan." "Eh ano! 'Yon na nga, buntis ako! Maaatim mo bang tanggihan ang magandang nagdadalantaong ito?" anito habang nagkunwaring umiiyak. "Tse! Tigilan mo nga ako ng ka-dramahan mo diyan. Oo na nga eh! Pupunta na ako diyan. Eto na, paalis na." sabi pa niya. "Hay...salamat! O sige, hinatayin na lang kita dito sa flower shop ko." Anito. "Bye!" iyon lang at bigla na lang naputol ang linya. "Bye!" sagot niya kahit na wala na ang kausap niya sa cellphone. "Tignan mo ang babaeng 'yon. Umandar na naman ang pagka-praning." Natatawang wika niya. "So, aalis ka na?" tanong ni Jester. Nabaling ang paningin niya dito. Awtomatikong napangiti siya. "Oo eh. Okay lang ba sa'yo na hindi muna ako mag-overtime ngayon, partner?" "Oo naman! Iyon nga ang lagi kong sinasabi sa'yo eh. Si Panyang lang pala ang makakapagpatayo sa'yo diyan." Sabi pa nito. "Kilala ko ang babaeng 'yon. Kapag hindi ko sinunod 'yon. Si Justin ang papupuntahin no'n dito." Walang prenong tugon niya. Natutop niya ang bibig matapos maalala ang pangalan na hindi niya sadyang mabanggit. Natawa si Jester. "Okay. Sige na, umalis ka na." natatawang pa ring pagtataboy nito sa kanya. Tumikhim siya. Saglit lang niyang inayos ang sarili pagkatapos ay nagpaalam na siya. Habang lulan ng kotse. Hindi maiwasan ni Nancy Jane na makaramdam ng kaba. Simula kasi ng umalis siya ng Tanangco. Hindi na siya muli pang bumabalik doon. Nangako kasi siya sa sarili na hangga't hindi pa naghihilom ang sugat sa puso niya. Hinding-hindi siya babalik doon. Isa lang ang tanging hinihiling niya sa mga sandaling iyon. Sana'y wala doon si Justin. Sana'y hindi mag-krus ang landas nila. Dahil baka kapag nakita niya ito at humingi ito ng tawad sa kanya. Hindi niya mapigil ang puso niya kapag tumibok na naman ito ng tuluyan sa kanya, baka hindi na niya pakawalan pa ito. At patuloy na umasa na mamahalin din siya ng lalaking nagbigay ng matinding kabiguan sa kanya. Lalong tumindi ang kabang kanina pa bumubulig sa kanya ng hindi nagtagal ay narating niya ang lugar na pinakaiwas-iwasan niya sa loob ng tatlong linggo. Dahil walang traffic, wala pang trenta minutos ay naroon na siya sa Tanangco. Huminga siya ng malalim bago tuluyang ipinasok ang kotse sa nasabing kalye. Agad niyang natanaw sila Panyang, Madi, Adelle at iba pang mga kaibigan nila. Kasama na roon ang mga Tanangco Boys. Labis siyang nakahinga ng maluwag ng makitang wala doon si Justin. Pinarada niya sa isang tabi ang kotse saka bumaba doon. "Hey guys!" may ngiti sa labing bati niya sa mga ito. Sinalubong siya ng yakap ng mga kababaihan. "Kumusta na?" tanong sa kanya ni Humphrey. "I'm good." "I heard our business is getting better. How's our investment?" tanong pa ni Dingdong. "Yes sa una mong sinabi. At huwag ninyong isipin masyado ang investment mo. Masarap ang tulog nila sa kumpanya ko." Paliwanag niya. "That's nice." Walang emosyong wika ni Leo. Bahagya niyang hinimas ang medyo naka-umbok nang tiyan ni Panyang. "Kumusta naman 'to?" tanong niya dito. "Ayan, nagbe-break dancing na nga siya." Biro pa nito. Natawa siya. "I missed you all guys." Sabi pa niya sa mga ito. "Na-miss ka rin namin. Ikaw kasi eh, may palayas layas effect ka pa diyan. Bumalik ka na kasi dito." Pangungumbinsi pa ni Madi sa kanya. Ngumiti siya ng malungkot. Kung ganoon lang sana kadaling kalimutan ang lahat. Baka matagal na siyang bumalik doon. "I will. But not now." Sagot pa niya. "Eh kailan ka pa babalik dito? Hihintayin mo pang makalimutan mo si Justin? Ako na nagsasabi sa'yo, hindi ka na makakabalik dito kapag iyon ang hinintay mo." Sabad naman ni Adelle. "Korak!" sang-ayon naman ni Allie. "Ewan ko. Magulo pa rin hanggang ngayon ang isip ko. Hindi ko na alam kung kaya ko pang maniwala sa kanya." Paliwanag niya. Unti-unti ay namuo ang mga luha sa mata niya. Kinurap-kurap pa niya ang mata niya para hindi tuluyang bumagsak iyon. "Kayo talaga oh, sinasabi na nga ba't ito lang ang itatanong n'yo sa akin. Kaya ayoko munang pumunta dito eh." Dinaan na lang niya sa tawa, para makabawi kahit paano. Ngunit nakamasid lang sa kanya ang mga ito. "Nancy Jane, kailangan mong harapin ang problema. Hindi ka makakausad sa buhay mo kung patuloy kang tatakbo palayo." Payo pa ni Vanni sa kanya. "It's been three weeks. I think that's enough time for you to sort out everything that happened." Dagdag pa ni Ken. "Kung wala na kayong sasabihin. Aalis na ako." Pag-iwas niya. "Nancy Jane, hindi ka aalis dito hangga't hindi mo inaayos ang lahat. Kaibigan mo kami kaya may pakialam kami sa'yo." Pigil sa kanya ni Jared. "Jared, ayoko na siyang makita pa." "Mag-usap kayo. Ngayon kapag nakaharap mo na siya saka mo sabihin sa amin na ayaw mo na siyang makita pang muli." Dugtong pa ni Darrel. "Please guys, don't do this to me." Naiiyak nang sabi niya. "Lalo n'yo lang akong pinapahirapan eh." Ayaw niyang harapin si Justin, dahil ang totoo. Takot siya sa sarili niyang damdamin. Dahil alam niya, kapag nakaharap na niya ang binata. Alam niyang tatraydurin siya ng puso niya. Sa kabila ng pagpipigil niyang mahalin ito. Pipintig at pipintig pa rin ang puso niya para dito. "I have to go." Mabilis siyang tumalikod at naglakad palayo. Upang muling mapahinto at matulala dahil nasa harapan niya ngayon ang lalaking patuloy na nagpapagulo ng puso at isip niya. Halos tumalon ang puso niya sa sobrang kaba. Ngunit sa kabila noon ay agad na namayani ang kagalakan dahil muli niyang nasilayan ang mukha nito. At kapansin-pansin ang bahagyang paghumpak ng pisngi nito. Nanlalalim ang mga mata nito, para bang palagi itong kulang sa tulog. Pero hindi nakabawas iyon sa kaguwapuhan nito. Maamo pa rin ang mukha nito, kahit na bakas ang lungkot sa mga mata nito. "Justin." "I just want you to listen to me, first. Hayaan mong magpaliwanag ako. Please." Pagmamakaawa pa nito. "Tigilan na natin 'to," tanggi niya. Nagpatuloy siya sa paglalakad nang bahagya na siyang nakalagpas dito. Nahagip nito ang isang kamay niya. "Kapag napakinggan mo na ang lahat ng paliwanag ko. Ang buong katotohanan. Saka ka mag-desisyon. Kung talagang hindi mo na kayang maniwala pa sa akin. Sige, maaari ka nang umalis. Ako naman ay hindi na muli pang magpapakita pa sa'yo. Pero kapag pinili ng puso mong maniwala sa akin. Ipinapangako ko naman na hindi ko na hahayaan pang mawala ang tanging babaeng minahal ko sa buong buhay ko." Daig pa niya ang nakarinig ng nag-aawitang mga anghel sa mga sinabi nito. "Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong niya. "Dinamdam kong masyado ang pag-alis mo noon. Dahil pakiramdam ko, nawalan ako ng lakas. Para mo na rin akong pinatay, dahil ikaw ang buhay ko. Sa'yo lang umiikot ang mundo ko. Kaya ganoon na lang ang galit ko ng bigla kang umalis. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na sa pagbalik mo. Ibang Justin na ang madadatnan mo dito. Palagi na lang akong iniiwan ng mga mahal ko kaya ako naman ang nang-iiwan. Pero nagbago ang lahat ng iyon ng makaharap na kita. Pilit kong isiniksik sa utak ko na galit ako sa'yo. Pero sa tuwing makikita kita at makakaharap. Nakakalimutan kong lahat ng galit ko." Paglalahad pa nito. Mas lalong dumagundong ang dibdib niya sa lakas ng pagtibok ng puso niya. Totoo bang lahat ng nangyayaring iyon? O isa na naman sa palabas nito? Pero iba ang sinisigaw ng puso niya. Gusto nitong maniwala siya. Pero naroon pa rin ang takot. "Justin..." "Huwag ka munang magsalita. Please, hayaan mo na muna akong tapusin lahat ng dapat ay noon ko pa sinabi sa'yo." Pigil nito sa kanya. Nagpatuloy ito. "Patawarin mo ako sa lahat ng masasakit na salitang nabitiwan ko noon sa'yo. Kung puwede ko lang batukan ang sarili ko, ginawa ko na. Kasi naiinis ako sa'yo kapag kasama mo si Jester. I was damn jealous to see you together with another man. Hindi ko kayang isipin na iba ang magmamahal sa'yo at mamahalin mo. Gayong kaya naman kitang mahalin ng higit pa sa buhay ko." "And about George?" lakas-loob niyang tanong. "It's such a big lie. Pagkatapos n'yong magpang-abot sa Rio's noon. I talked to her. Sinabi ko sa kanyang ikaw ang mahal ko. Ang akala ko'y naintindihan niya dahil hindi siya nagsalita. Ang tanging sinabi lang nito ay, she's letting me go. Hindi ko alam na may iba pala siyang plano. Until that day you saw her in my house. It was all her plan." Pagpapaliwanag nito. "Paano ko malalaman na nagsasabi ka ng totoo at hindi nagsisinungaling?" paniniguro pa niya. Lumapit ito sa kanya. Kinuha ang isang kamay niya at nilapat ang palad niya sa dibdib nito sa tapat ng puso nito. "Pakiramdaman mo ang bilis ng t***k ng puso ko, Nancy Jane. Mabilis ang pintig n'ya. Dahil ikaw lang ang tanging nakikilala n'ya. Ang pangalan mo ang paulit-ulit na sinisigaw n'yan. At wala ng iba pang hahanapin 'yan kung hindi ikaw lamang." Ang luhang kanina pa niya pilit na pinipigil na tumulo ay tuluyan ng kumawala sa kanyang mga mata. Ngunit sa pagkakataon na ito, iyon ay luha ng kaligayahan. Isang patunay na roon ang bilis ng t***k ng puso niya. "I love you so much, Nancy Jane. At wala akong ibang babaeng minahal ng ganito kung hindi ikaw lang." Lumuluhang tinawid niya ang pagitan nila ni Justin at yumakap dito. Naramdaman niya ang ganting pagyakap nito sa kanya. She felt him squeezed her body. Tila ba sinasabi ng mga yakap nito na kahit kailan ay hindi na sila magkakalayo pa. "I love you very much too, Justin. Noon pa man ay mahal na kita. Highschool pa lang tayo ay ikaw na ang minamahal ko. At hanggang sa mga oras na ito, ikaw lang mahal ko. Kaytagal kong hinintay ang oras na ito, na sabihin mo rin sa akin na mahal mo rin ako." sagot niya sa pagitan ng pagluha. Bahagya siyang nilayo nito. And then, stared at her with full of love and compassion. "Ikaw lang ang tanging babaeng mamahalin ko. At kung sakaling mataba ka pa rin. Wala akong pakialam. Basta mahal kita. Iyon ang mahalaga sa akin." Natawa siya sa pagitan ng pagluha. Ito na talaga ang matagal ng sagot sa dalangin niya. Ang marinig at maramdaman niya ang pagmamahal ng lalaking pinangarap. At saka niya naisip ang lahat ng pinagdaanan niyang hirap. Sa isang iglap ay pinawing lahat iyon ng pag-ibig nila sa isa't isa. At kung ano man ang isinakripisyo niya makapiling lang ulit si Justin. Sulit lahat ng iyon at alam niyang hindi niya pagsisisihan ang desisyon na tanggapin ito at harapin ang buhay kasama ito. Marahan nitong hinaplos ang pisngi niya. Tinuyo ng mga daliri nito ang mga luha doon. "Hindi ka na iiyak pa, simula ngayon. Pangako. Dahil papalitan natin ng mga ngiti ang lahat ng mga luhang iyan." Halos pabulong ng wika nito. "Basta ikaw ang magpapangiti sa akin. Walang problema." Sagot naman niya. Sa isang iglap ay muli siyang nakulong sa mga bisig nito. At sa isang iglap, naglapat ang kanilang mga labi. And that's where she felt like heaven. Ang muling matikman ang mga halik nito ay parang langit sa pakiramdam. Wala na siyang dalangin sa mga oras na iyon kung hindi ang pasasalamat. Dahil ibinalik ng Diyos ang lalaking minamahal niya. Nang maghiwalay sila ay pinagdikit nito ang noo nila. "Mahal na mahal kita," bulong ni Justin sa kanya, ng may ngiti sa labi. "Mahal na mahal din kita," sagot naman niya. Kinintalan pa siya nito ng isang mabilis na halik sa labi. Bago nila sabay na hinarap ang noon ay nakikiusyosong mga kaibigan nila. Natawa si Nancy Jane sa ayos ng mga ito. nakahilera ang mga ito at nakaupo sa gilid ng daan habang nakatanghod sa kanila at pinapanood sila. Para itong nanonood ng sine. "Ang sweet naman nila," kinikilig na wika ni Abby habang naka-akbay Victor si dito. "Hay salamat naman! Ang akala ko hindi na kayo magkakaayos eh! Huuu!" malakas na sabi ni Panyang. "O Phrey!" ani Leo sabay abot kay Humphrey ang videocam. Hinintay niyang may mag-react sa kanila. Nakarating na sa kanya ang ginawang tradisyon ng mga Tanangco Boys tungkol sa paghawak ng videocam kapag may isang nagtatapat ng pag-ibig sa babaeng mahal nila. At dahil ito ang may hawak niyon. Mukhang ito na yata ang susunod na maiin-love. Hinintay niyang may magsalita sa mga ito o manukso. Ngunit walang nangahas. "Pare," tawag ni Jared kay Leo. "Paano ba 'yan? Ikaw na ang susunod." Lakas-loob nitong tukso sa huli. Hindi ito nagsalita. Bagkus ay tiningnan lang sila isa-isa saka umiling. "Huwag n'yo akong isama sa kalokohan n'yo." Masungit na sagot nito. Nagkatinginan sila ni Justin. Nabaling ang atensiyon nila ng dumating bigla si Cassy. At labis nilang ipinagtaka ng magtitigan ito at si Leo na animo'y matagal nang magkakilala ang dalawa. "Leo, at last I found you. Ang tagal kitang hinanap." Makahulugang wika ni Cassy. "Hindi ba sinabi ko na sa'yo na huwag mo na akong hahanapin pa." pormal na sagot nito. "Pero hindi ko kayang hindi ka makita." Nagsimula nang pumatak ang mga luha ni Cassy. "Leo, Cassandra. Anong nangyayari dito? Mayroon ba akong dapat malaman?" punong-puno ng pagtatakang tanong ni Chacha sa dalawa. Hindi sumagot si Leo. Bagkus ay basta na lang itong umalis. Naiwan si Cassy na luhaan. Hinila ito ni Chacha pauwi. "Mag-uusap tayo. Marami kang dapat ipaliwanag." Pormal na sabi ni Chacha. Naiwan silang lahat doon na tulala at lito sa bilis ng pangyayari. "Ayun oh! Si Leo, pume-pengkum na!" sabi pa ni Panyang. "Oh kayong dalawa, magpainom kayo!" kantiyaw pa ni Victor sa kanila. Hindi pinansin ni Justin ang pangangantiyaw nito. Sa halip ay siya ang muli nitong hinarap. "Saka na natin sila pansinin. Sa ngayon, let me kiss you once more." May mapanuksong ngiting wika ni Justin sa kanya. She smiled and held his face. "Okay lang. Mahal naman kita eh!" masayang tugon niya. Saka na ako manggugulo. Sa ngayon, dito na muna ako sa mahal ko.. Lihim siyang nanalangin. Thanks Lord! Nasa akin na ulit ang mahal ko.. Sa puntong ito ng buhay niya. Wala nang mahihiling pa si Nancy Jane. Kuntento na siya sa kung anong mayroon siya. May pamilyang nagmamahal sa kanya. May maganda siyang trabaho. At ngayon naman ay nandito na ang lalaking matagal na niyang pinapangarap at minamahal. At alam niyang kahit na ilan pang George ang dumating sa kanila at manggulo. Hinding-hindi na siya magpapa-apekto. Alam niyang kakayanin nila ang lahat basta ang mahalaga ay magkasama silang dalawa. "Hoy! Bandila na naghahalikan pa kayo diyan!" sigaw ni Panyang sa kanilang dalawa. "Awat na!" Napilitan silang maghiwalay ni Justin. "I love you, Chua." "I love you de Castro." Bongga naman! **THE END/WAKAS** MARAMING SALAMAT PO SA TUMANGKILIK SA KUWENTO NI JUSTIN KARL & NANCY JANE! MAHAL KO KAYO MGA PENGKUM KAYO! HAHAHAHAHAHA!! ~JA
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD