IYON na yata ang pinakamagandang umaga na nagisnan niya sa buong buhay ni Nancy Jane. Hindi niya alam kung saan pa niya ilalagay ang kasiyahang nararamdaman. Kahapon lang ay naging maayos na sila ni Justin. Hindi na kailangan pa ng mga salita. Ang pinaka-importante sa kanya ay naiparamdam din nito ang pagmamahal nito sa kanya. And that's all it matters. Nakangiting niyakap niya ang katabi niyang malaking unan. She imagined it as Justin.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makalimutan ang pakiramdam habang nasa loob siya ng mga bisig ng binata. Daig pa niya si Darna na lumilipad sa alapaap. And then she remembers, the way he kissed her. She felt like a bird soaring high. Kulang pa lahat ng mga salitang iyon para ipaliwanag ang sayang naghahari sa kanyang puso.
Naputol ang pagde-daydreaming niya nang biglang tumunog ang doorbell. Napakamot siya ng ulo.
Istorbo sa pangangarap ko. Sino kaya 'yon?
Nang muling tumunog ang doorbell ay saka pa lamang siya bumangon mula sa pagkakahiga sa kama niya. Sinuot niya ang robe dahil wala pa siyang suot na bra. Tumunog ulit iyon ng ikatlong beses.
"Nandiyan na!" sigaw pa niya, saka nagmamadaling lumabas ng kuwarto at tinungo ang pinto. Pagbukas niya niyon ay bumungad sa kanya ang mga nakangiting kaibigan niya. Kumpleto ang mga ito. Kulang na lang ay ang ka-partner ni Leo, na mukhang impossible pang mangyari sa ngayon. Dahil nabalitaan niyang galit daw ito sa babae.
"Anong meron? Ang aga aga pa para mang-istorbo kayo!" singhal niya dito.
"Magandang Umaga!" sabay-sabay na bati ng mga ito sa kanya. Napansin din niyang may bitbit ang mga ito na mga pinggan na may lamang pagkain.
"Wala lang! Let's celebrate!" kumekendeng pang sagot ni Panyang.
"Uy, dahan-dahan sa pagkendeng. May bata diyan sa tiyan mo baka nakakalimutan mo." Paalala dito ni Chacha.
"Ay, oo nga pala."
Binuksan niya ang gate. "Pasok," anyaya niya sa mga ito. "Dumiretso na kayo sa kusina."
Pagdating sa kusina ay nilapag ng mga ito ang dalang pagkain sa ibabaw ng mesa.
"Ano ba ang dapat natin i-celebrate?" tanong niya. Kumurot siya sa fried chicken na kanina ay dala ni Madi.
"Ikaw. Kayo ni Justin. I-celebrate natin ang araw na nagkabati kayo. Dahil sa wakas ay matatahimik na ang Tanangco." Sagot naman nito.
"Hmp! Para n'yo na rin sinabi na kami lang ang nagpapagulo dito sa lugar natin." Kunwari'y nagtatampo niyang sabi.
"Weh! Echoserang 'to! Nagtatampo ka pa! hindi bagay!" ani Abby na lalo pang nang-aasar.
Ngumiti lang siya.
"Talaga nga naman, ang saya n'ya!" si Myca.
"Walang reason para malungkot ako." Sagot naman niya.
"We know. And we're all happy for you." Si Lady.
"Okay! Tama na ang drama! Lafang na tayo mga bakla!!!" malakas na anunsiyo ni Panyang.
"Well, bukod sa maingay at mahaderang buntis na ito na nasa tabi ko." Wika ni Adelle saka tinuro pa si Panyang na nakaupo at abala din sa pagkain ng fried chicken. "Simula kasi ng mag-krus ang landas n'yong dalawa ni Justin. Left and right ang giyera n'yo. Mabuti nga at nahimasmasan na kayo."
Nagkibit-balikat siya. "Ganoon naman talaga, 'di ba? Sa una away, tapos saka aamin sa bandang huli." Tila nangangarap pang komento niya.
"So, tell us. Kayo na ba? Officially?" usisa pa ni Allie sa kanya.
Napipilan siya. Sila na nga ba? Bigla ay sumulpot ang malaking question mark sa utak niya. Hindi nga ba't kanina lang ay sinabi niyang hindi na kailangan pa ang salita para lamang malaman niya na mahal din siya ni Justin. Ngayon lang niya naramdaman na para pala siyang nakabitin sa ere.
"O? Bakit hindi ka na nakasagot diyan?" tanong pa ni Madi sa kanya.
"H-Ha? A-ano... wala... I mean, hindi pa namin napapag-usapan eh." Sagot niya.
Kunot ang noo na tiningnan siya ng mga ito. Habang ang iba naman ay napapailing.
"Ang labo," ani Myca.
"Right." Sang-ayon naman ni Abby.
"May harness ka ba?" tanong ni Panyang.
"Harness? Anong gagawin ko sa harness?" naguguluhan niyang ganting-tanong niya dito.
"Para safe ka, kahit nakabitin ka sa ere. Para kapag bumagsak ka hindi naman masyadong masakit." Makahulugang sagot ni Panyang.
"Ay naku, Nancy Jane. Dapat tinanong mo siya." Payo pa ni Madi sa kanya.
"Actually, dapat si Justin na mismo ang kusang nagsabi kung kayo na ba o hindi." Dagdag pa ni Lady.
"Sinabi na ba n'ya sa'yo na mahal ka n'ya?" tanong ni Adelle.
Umiling siya. "Hindi," halos pabulong na sagot niya.
Halos sabay-sabay na napailing ang mga ito.
"Hay naku, palpak talaga si Justin. Akala ko pa naman as in kayo na." dismayadong komento naman ni Allie.
Kung kanina ay naging maganda ang gising niya. Ngayon ay biglang bumaba ang excitement niya. Lahat ng sinabi ng mga kaibigan niya ay isa-isang nagsiksikan sa isip niya. May katwiran ang mga ito. Dapat ay may sinabi sa kanya si Justin tungkol sa kanila, kung ano ang tunay nitong nararamdaman para sa kanya. Kung ano ang tunay na estado nila. Pero matapos siyang ihatid nito kahapon sa bahay niya ay hindi na sila nagkausap pa. Ni hindi siya nito nagawang tawagan hanggang sa matapos ang araw.
"Nasaan ba siya ngayon?" tanong ni Panyang.
"Ewan. Hindi naman siya tumatawag eh." Sagot niya.
Magre-react pa lang sana siya ng bigla ulit tumunog ang doorbell. Pare-pareho silang napalingon sa may pintuan.
"Ako na titingin kung sino. Sige lang, mag-usap lang kayo diyan." Ani Chacha. "Malay mo si Justin na 'to." Ngumiti pa ito sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?" narinig niyang tanong ni Chacha sa kung sino man ang nasa gate. "Pumasok ka muna. Dito tayo sa loob mag-usap." Sabi pa nito.
"Guys, Cassy is here." Sabi ni Chacha pagpasok nito. Kasunod nito ang isang babaeng kamukha ng huli.
"Cassy?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Noong bago siya umalis papuntang America, maliit pa itong si Cassy at maganda. Ngayon ay mas maganda pa ito at dalagang-dalaga na.
"Hi Ate Nancy Jane," bati nito sa kanya.
Agad niyakap ni Abby ang bagong dating. Binati rin ito nila Madi at Panyang. Ang iba naman ay ipinakilala ni Chacha sa kapatid.
"I thought you were in Seoul. Kailan ka pa umuwi?" tanong ng huli.
"I arrived this morning. Tinapos ko na ang contract ko at hindi na ako babalik doon." Sagot nito.
"Bakit naman? You love to sing above anything else." Tanong ulit ni Chacha sa huli. "May problema ka ba Cassandra? Kilala kita, hindi mo ipagpapalit ang kahit na ano sa pagkanta. Maliban na lang kung may problema ka."
Bumuntong-hininga ito. Base sa bakas ng kalungkutan sa mukha nito.
Tila may dinadala itong mabigat na problema. Ngumiti lang ito. Isang ngiti na
hindi man lang umabot sa mga mata nito. Ewan lang niya kung napansin din iyon ng mga kaibigan niya, lalo na si Chacha.
"Ano ka ba, Ate? Wala ah! Wala akong problema. Na-homesick lang ako kaya umuwi ako. Saka ayoko na doon sa Seoul, sobrang lamig. Alam mo naman na mahina ako sa lamig eh." Pagtanggi pa nito.
Umiling si Chacha. Alam niyang hindi ito kumbinsido sa sagot ng kapatid. "Bahala ka nga. Eh, anong plano mo?"
"Babalik ako sa bar."
Nagkibit-balikat ang una. "O siya sige, kumain ka na dito."
"Kailan ka pa bumalik dito, Ate Nancy Jane?" tanong ni Cassy sa kanya.
"Mga isang buwan na rin halos." Sagot niya.
Ang alam niya, mas matanda si Chacha dito ng dalawang taon. Hindi pa man din sila nakakabawi sa pagdating ni Cassy. Tumunog naman ang message alert tone ng cellphone niya.
Halos tumalon ang puso niya sa tuwa ng makita kung kanino galing ang mensahe.
"O bakit ang ganda ng ngiti mo? Sino ang nag-text?" usisa ni Panyang sa kanya.
Kinikilig pang pinakita niya sa mga ito ang cellphone niya. Inagaw naman ni Madi iyon. "MMS kaya ito." Sabi pa nito.
"Ang arte ng tsekwang 'to! Baka diyan magpo-propose." Komento ni Abby. "Tignan na natin. Bilis!" dugtong pa nito.
Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ng mga ito nang tila nabuksan nito ang MMS. Sari-sari ang mga naging reaksiyon nila Panyang. May napasinghap. May napatutop ang bibig. May tinakpan ang mga mata.
"Oh my God," usal pa ni Lady.
Nagsimulang umahon ang matinding kaba sa kanyang dibdib. Sigurado siya na hindi maganda ang nakita ng mga ito. Base na rin sa nakita niyang reaksiyon sa mga mukha nila.
"B-Bakit? Ano ba 'yan?" kabadong tanong niya.
"W-wala." tanggi pa ni Madi. Tila shock pa rin ito sa nakita.
"Patingin nga," sabi niya saka pinilit na inabot ang cellphone niya. "Huwag na, bakla. Baka maloka ka lang!" pigil ni Panyang sa kanya.
"Patingin sabi eh!"
"Huwag na, Nancy Jane. Masasaktan ka lang." sabi pa ni Madi sa kanya.
"Ang sabi ko. Patingin." Seryoso sabi niya, diniinan pa niya ang pagkakasabi ng huling kataga.
Walang nagawa si Madi kung hindi iabot ang cellphone niya. Nang mapasakamay na niya iyon. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya. Pakiramdam ni Nancy Jane ay tatalon palabas ang puso niya. Pumikit muna siya upang kahit paano'y makakuha ng konting lakas ng loob para tingnan ang mensahe.
Daig pa niya ang hinipan ng malakas na hangin nang tila bigla ay mawalan siya ng lakas. Muntikan na siyang mapaupo sa sahig, mabuti na lang at naalalayan siya ni Abby na nasa likuran niya.
"Nancy Jane," pag-alalay nito sa kanya.
Nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha. Kasunod niyon ay ang paghagulgol niya. Niyakap siya ni Chacha. Dahil ang mensahe na natanggap niya ay galing kay Justin. MMS ang pinadala nito. Isang larawan na kuha sa loob ng isang tila silid. At sa picture na iyon, naroon si Justin kasama si George. Nakahiga sa kama habang kumot lang takip sa hubad na katawan ng dalawa. Tila sinadya pang halikan ng babae si Justin.
Pakiramdam ni Nancy Jane ay pinagsakluban siya ng langit at lupa. Ang kanina'y masaya niyang puso ay muling nabalot ng lungkot, sakit at pighati.
Dinurog muli ni Justin Karl Chua ang puso niya. Nagkaroon ng kalituhan sa isip niya. Kung ganoon, anong ibig sabihin ng lahat ng pagseselos na pinapakita nito? Lalo na kapag kasama niya si Jester.
"Kailangan ko siyang makausap." Sabi niya.
Agad siyang tumakbo palabas, patungo sa bahay ni Justin. Hindi siya maniniwala hangga't hindi ito mismo ang nagsasabi ng tungkol sa natanggap niyang picture. Pagdating doon ay agad siyang kumatok sa pinto.
"Justin!" sigaw niya.
"Wait lang, Girl. Kalma ka lang!" awat sa kanya ni Adelle. Sumunod pala ang mga ito sa kanya.
"Hindi Adelle. Kailangan ko siyang makausap." Sabi niya sa gitna ng matinding pagluha.
"Justin! Lumabas ka diyan! Mag-usap tayo!" sigaw ulit niya.
Napaatras siya ng pagbukas ng pinto ay si George ang niluwa niyon. Mukhang kagigising lang nito. Ang suot nito ay ang longsleeve polo ni Justin, kaya nag-mukha itong daster sa babae. Bahagya pang lagpas ang lipstick nito. May bahid din ng lipstick ang suot na polo nito.
"What? Istorbo ka! Natutulog pa kami ni Justin eh!" pagtataray nito sa kanya.
Natutop niya ang bibig.
"Anong ibig sabihin nito?" tanong niya sa babae.
"Bulag ka ba o sadyang tanga lang?" pang-iinsulto pa nito. "Can't you see? We made love last night." Nilandian pa nito lalo ang boses nito.
"Ilusyonada! Hindi ba nakipag-break na sa'yo si Justin kahapon?" sabad ni Panyang sa usapan.
Sa gulat nila ay humalakhak pa ito ng malakas. Nagkatinginan sila.
"And you really believe that small drama?" Sabi pa nito.
"What? D-drama?" ulit niya.
"Yes. Drama. Everything was just a plan. Sinabi niya sa akin kung sino ka noong araw na magkita tayo sa opisina niya. Kinuwento niya sa akin kung ano ka sa buhay niya. And then, he planned everything. Pinlano niyang maging sadyang mabait sa'yo para makuha ang loob mo. Para main-love ka sa kanya. And what happened yesterday, it's all part of the plan. Para makaganti siya sa'yo, dahil sa pang-iiwan mo noon sa kanya. And it makes me wonder. Bakit ka ba pinag-aksayahan ng panahon ni Justin na gantihan? Anyway, now that you know. Get out of our lives! Hindi ka namin kailangan!" Paglalahad pa nito.
Pakiramdam ni Nancy Jane ay gumuho ang buong mundo niya. Nagsunod-sunod ang pagbagsak ng mga luha niya.
"And you really think na magugustuhan ka ni Justin?" dagdag pa ni George saka siya sinipat mula ulo hanggang paa. "In your dreams, you big fat ambitious b***h! Nga pala, I saw your picture during your highschool days. And seeing you now, ilang gallon taba kaya ang natanggal diyan sa katawan mo?" panglalait pa nito saka tumawa pa ito ng nakaka-insulto.
Sukat sa sinabi nito, agad na nag-panting ang tenga niya. Walang sali-salitang sinugod niya ito saka sinampal ito ng dalawang magkasunod.
"Wala kang karapatang insultuhin ako! Sa'yo na si Justin kung gusto mo! Isaksak mo sa baga mo! Tutal bagay kayong dalawa! Pareho kayong mga walang kuwentang tao!" galit na galit na wika niya.
"Walanghiya ka!" hiyaw nito.
Akma siyang susugurin nito nang salubungin ulit niya ito ng isa pang sampal.
"Ano bang nangyayari dito?" nakasimangot na tanong ni Justin.
Nakasuot lang ito ng bathrobe. May bahid din ng lipstick ang leeg nito.
Bumakas ang kalituhan sa mukha nito ng makita nito si George sa ganoong ayos at siya habang hilam ang mga mata sa luha.
"Isa ka pa!" sabi niya. Binigyan din niya ito ng isang malakas na sampal. "Magsama kayong dalawa!"
Nang tumalikod siya ay nahablot nito ang isang braso niya. "A-ano bang sinasabi mo diyan? Hindi kita maintindihan!" tila naguguluhang tanong nito.
"Huwag ka nang magmaang-maangan pa, Justin. Alam ko ng lahat ng palabas mo! Sana masaya ka na! Nasaktan mo na ako! Nakaganti ka na rin sa wakas. Sana matahimik ka na." sabi pa niya.
"Hindi kita maintindihan ." ani Justin.
"Oo. Kahit kailan ay hindi mo talaga maiintindihan ang lahat. Dahil ayaw mong intindihin ang naging sitwasyon ko noon. Pero what's the use? Nakapaghiganti ka na? Nasaktan mo na ako ng sobra." Sabi pa niya habang hindi pa rin tumitigil ang pagluha niya.
"I will explain everything. Please. Mali ang iniisip mo." Pagmamakaawa pa nito.
"Tama na, Justin. Ayoko nang marinig lahat ng kasinungalingan mo. Just leave me alone. Si George ang nababagay sa'yo."
Hindi na niya hinintay pang may sabihin itong muli. She started to walk away from him. Kailangan na niyang talikuran ang nakasanayan. Ang buhay na kasama ito. Ang mga pangarap at panaginip na tanging si Justin lang ang laman.
Isang napakalaking kasinungalingan lang pala ang lahat. Mga bagay na kay dali niyang pinaniwalaan. She believed they had something. Like love. Naniwala siyang minahal siya ni Justin. Pinahalagahan. Ngunit isang napakalaking pagkakamali lang pala ang lahat. At nakakalungkot isipin na kailangan pa niyang mahalin ito ng labis at masaktan din siya ng labis bago siya tuluyang mamulat sa buong katotohanan. A total sacrifice.