ILANG araw na ang nakakalipas simula ng mangyari ang pang-aaway sa kanya ng girlfriend ni Justin na si George. At sa loob ng ilang araw na iyon. Ganoon din katagal na hindi nagpapakita si Nancy Jane kay Justin. Mas pinili niyang umiwas kaysa lumala pa ang gulo.
Nakakatawang isipin. Noong highschool sila. Ang tapang tapang niya kapag si Justin ang inaaway at inaapi noon. Pero kapag siya naman ang nabu-bully sa school. Wala siyang magawa kung hindi ang umiyak at huwag lumaban. Ewan ba kasi niya, kahit siya ay hindi maintindihan ang sarili. Basta ang tanging alam lang niya ng mga panahong iyon. Hindi bale nang siya ang masaktan at apihin. Basta ayaw niyang makitang nasasaktan si Justin.
Pero sa bandang huli, siya pala ang magiging dahilan ng pagkawala ng dating Justin na nakasama niyang lumaki. Isa rin pala siya sa mga taong nakasakit dito.
Napabuntong-hininga si Nancy Jane. Pinilig niya ang ulo. Kailangan niyang mag-focus sa bagong business niya. Nagdesisyon siyang magtayo ng panibagong negosyo. Tutal ay hindi naman kailangan palagi ang presensiya niya sa Hotel. Kaya naghanap siya ng bagong pagkaka-abalahan. Tinuon niyang muli ang atensiyon sa mga furniture designs na nakalatag ngayon sa harapan niya.
Mayamaya ay nag-ring ang cellphone niya. Sinagot niya iyon ng hindi tinitingnan kung sino ang caller niya. "Hello," walang siglang sabi niya pagkapindot ng answer button.
"De Castro! Lumabas ka diyan sa pinagtataguan mo! Napapaligiran ka na namin!" anang boses sa kabilang linya.
Nailayo niya bahagya ang cellphone sa tenga niya. Hindi na niya kailangan tingnan kung sino ang nasa kabilang linya. Base sa lakas ng boses nito at sa mga ka-praningang sinasabi nito. Walang duda na si Panyang 'yon.
"Bakit ba?" sa halip ay tanong niya.
"Lumabas ka nga kasi ng bahay mo! Nandito kami sa tapat ng gate n'yo!" sagot naman nito.
Agad siyang tumayo mula sa kinauupuan niyang sofa. Saka sumilip muna sa bintana, napangiti siya ng makitang naroon nga ang mga ito sa harap ng bahay niya.
Nakapameywang ang maliit na babae pagbukas niya ng pinto.
"Mabuti naman at buhay ka pa pala?" anito. "Akala namin yumao ka na."
"Malapit na! Isasama nga sana kita sa kabilang buhay eh. Ano ba 'yon kasi?" tanong niya.
"Luh? Ba't ako? Ba't di na lang si Mading Kapre? Magluluksa ang Sambayanang Tanangco kapag nawala ganda ko dito!"
"Oh eh bakit nga kasi kayo nandito?"
"Wala naman. Kinumusta ka lang talaga namin." Sagot naman ni Lady.
"Okay lang ako. May pinagkakaabalahan lang lately." Paliwanag niya.
"Halika na. Lumabas ka muna sandali. Kain tayo sa Rio's. Ikaw lang ang kulang doon." Yaya sa kanya ni Panyang.
Siya lang ang kulang? Kung ganoon, ang ibig sabihin ay nandoon si Justin.
"Ayoko nga!" mariing tanggi niya.
"Ano ka ba, Nancy Jane? Alam ko naman kung bakit ka umiiwas eh. Dahil kay Justin." Ani Panyang.
"You don't have to be scared." Pag-aalo pa ni Lady sa kanya.
"Alam ko. Kaya lang, I just can't help it. Kinakabahan ako kapag nandiyan siya." Sagot niya.
"Hay naku, nandito kami. Hindi ka namin iiwan." Sabi ni Panyang.
"Isa pa, gusto ka lang namin maka-bonding ulit." Dagdag pa ni Lady.
Saglit siyang nag-isip. Tapos ay ngumiti sa dalawa. "Sige na nga," pagpayag niya.
"Hay! Praise the Lord! Maaarawan na rin siya ulit! Sa wakas!" hiyaw pa ni Panyang.
"Heh! Ang ingay mo! Baka pati 'yung anak mo, naiingayan na sa'yo!" saway naman niya dito. "Baka mamaya mamana n'yan ang pagiging mahadera mo!" biro pa niya dito.
"Hindi kaya! Paglabas n'ya dito sa earth. Soft-spoken 'yan!" pagmamalaki pa nito. "Parang ako lang."
"Weh!" kontra naman ni Lady.
"Oo, soft-spoken 'yan. Lalo na 'pag tulog." Dugtong pa niya.
"Ano kaya bukas na bukas itakwil ko na kayong mga Ninang ng Anak ko?" pakikisakay pa sa biro ni Panyang.
Nagtawanan lang sila.
"NANDITO na kami!" malakas na bungad ni Panyang pagpasok nilang Rio's.
"Ayan! Kumpleto na tayo!" masayang wika naman ni Chacha.
"Mabuti naman at nahila mo palabas itong si Nancy Jane sa lungga niya." Sabi naman ni Madi tapos ay tinuro pa siya.
Napangiti si Nancy Jane. Ang akala talaga ng mga ito ay nagmukmok siya dahil sa nangyaring komprontasyon nila ni George noong nakaraang linggo. Aaminin niya, isa iyon sa mga dahilan. Pero bukod doon ay naging abala lang talaga siya sa trabaho.
"Pasensiya na kayo kung nawala ako ng ilang araw. May inayos lang talaga akong business." Paliwanag ni Nancy Jane.
"Business? Anong klaseng business naman 'yan?" tanong agad ni Dingdong. Basta talaga negosyo, ito ang unang nagiging interesado.
"I'm into Furniture Business. Naisip kong gamitin ang natutunan ko. May kaibigan kasi ako sa America na nagturo sa akin about furnitures. Kaya naisipan kong pagkakitaan. Pina-practice ko na nga rin ang furniture designing." Sagot niya.
"Hmmm... Interesting. When is your free time? Maybe we can sit down and tell me everything about it. Parang gusto kong mag-invest diyan." Sabi ni Dingdong na tumatango pa.
"Ang asawa ko talaga, adik sa negosyo." Komento naman ng kabiyak nito.
"Babe, it's for our Chinchin." Anito, saka kinarga ang cute na baby nito at pinupog ng halik ang anak sa pisngi.
"Count me in," sabi ni Roy.
"Me too." Si Leo.
Nagningning ang mga mata ni Nancy Jane. Hindi na pala niya kailangan problemahin ang mga investor. Dahil kusa nang lumapit ang mga ito sa kanya. Sa mga kaibigan pa lang niya ay solve na ang problema niya. Ang dapat na lang niyang gawin ay paghandaan ang meeting nila. Kailangan na lang niyang i-prepare ang business proposal para sa mga ito.
"Talaga?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Naku po, Sige! Magse-set ako ng araw. Prepare ko lang 'yung proposal." Masaya at excited na wika niya.
"Kita mo na? Eh kung hindi ka lumabas sa kuweba mo? Eh 'di hindi ka makakahanap ng instant investor." Sabi pa ni Allie.
"How about your investment sa hotel? Sino mag-aasikaso no'n?" seryosong tanong ni Justin. Habang nakatingin ito ng diretso sa mga mata niya. Wala siyang mabasang kahit na anong emosyon dito. Kaya clueless siya sa kung ano man ang maaaring tumatakbo sa isip nito.
"Kapag hindi ako available on the day of the meeting. I'll ask my lawyer to attend on my behalf. But as much as possible, susubukan kong personal na umattend ng meeting." Seryoso ding sagot niya.
"Hindi puwedeng magpadala ka na lang basta ng magsa-sub sa'yo!" mariing wika nito. Bahagya pa nitong nahampas ang mesa. "Business is not a basketball game, Miss de Castro."
Napapitlag pa siya dahil sa bahagyang tumaas ang boses nito. Ngunit ang higit na nakatawag pansin sa kanya ay ang paraan ng pagtawag nito sa kanya. Miss de Castro na lang ngayon? Ano na naman kayang topak nito? Siguro nagkabati na sila ni George tubero?
"Bakit ka ba nagagalit?" naiinis nang tanong niya.
"Dahil pinapabayaan mo ang obligasyon mo sa hotel!"
"Anong pinapabayaan? Justin? Naririnig mo ba ang sarili mo? Huwag kang gumawa ng ikaiinis mo. Alam natin dalawa na simula nang ako ang mag-handle ng investment ni Lolo sa hotel mo. Kahit kailan ay hindi ako nagpabaya!" katwiran niya.
"Hep! Awat na!" pigil sa kanila ni Victor.
"Kayo talagang dalawa! Wala na kayong ginawa kung hindi ang mag-away! Mahal na mahal n'yo talaga ang isa't isa." Dugtong pa ni Humphrey.
"Hindi kaya!" sabay pa nilang sagot.
"Weh! Ayun oh!" panunudyo pa ni Ken.
"Hay naku, mag-ice coffee muna kayong dalawa at ng lumamig ang ulo n'yo. Mas bilang ko sa mga daliri ko ang mga araw na bati kayo. Mas madalas pa kayong nagbabangayan." Sabad naman ni Abby. Saka inabot sa kanila ang tall glass na may laman ice coffee.
Tubuan sana ng nerbiyos ang kalbong 'to! Tinotopak na naman! Nanggigigil na sabi niya sa kanyang isip.
"Ewan ko ba sa inyong dalawa. Noong nakaraan lang, ang saya n'yo pa habang nagba-bike kayo. Dumating lang ang George Tuberong 'yon. Nasira na naman ang imahe n'yo sa isa't isa." Sabi ni Panyang habang abala sa pagkain ng manggang hilaw.
"Hi Nancy Jane."
Halos sabay-sabay silang lahat na napalingon. Isang nakangiting Jester ang nakita nilang nakatayo sa may entrance door ng Rio's. May hawak pa itong isang bouquet ng assorted flowers.
"Hi," ganting bati naman niya dito.
Inabot nito sa kanya ang hawak nitong bulaklak. "For you," anito.
Kinuha niya iyon saka inamoy muna ang mga iyon. "Thanks Jester!" aniya.
"Kumusta ka na?" Tanong ni Jester sa kanya.
"Ayos lang, ikaw? Mukhang matagal kang nawala ah." Sagot naman niya.
"Oo nga eh. May kinailangan akong ayusin sa business ko." Paliwanag nito.
"Ano bang business mo?" curious niyang tanong.
"It's actually a family business. Furnitures." Sagot nito.
Tila may bombilyang sumulpot sa tuktok niya. Tumaas ang isang kilay niya at pilyang napangiti. Sabay sulyap kay Justin na noon ay masama na ang tingin kay Jester.
"Oh really?" eksaheradong wika niya, na sadyang nilandian pa ang sariling tinig.
Nang tumingin siya kila Panyang at Madi. Pawang nakataas ang mga kilay ng mga ito. Base sa tingin ng dalawa, tila ba tinatanong ng mga ito kung anong 'pakulo' ang nais niyang palabasin. Ngumiti siya ng makahulugan sa mga ito, pagkatapos ay muling binalingan si Jester.
"What a coincidence? We were just talking about my new business. Kakasimula ko pa lang sa Furniture Business. About a week ago." Aniya.
Mukhang nakuha ng iba pang nandoon ang gusto niyang palabasin dahil nakisakay ang mga ito sa kalokohan niya.
"Ayos 'yan! baka puwede mong tulungan si Nancy Jane, Pare." Sabi pa ni Vanni.
"Oo nga, she's new in the business. Baka puwede mo siyang alalayan." Dagdag naman ni Dingdong.
"Yeah. Why not a merger in the near future? The three of us are willing to invest." Sabi naman ni Roy.
"Isn't it romantic? Paano mo maipapaliwanag ang lahat ng ito. Parang destiny." Kinikilig pang komento ni Madi.
"I agree." Sang-ayon naman ni Chacha. "With the beautiful flowers and all that. What more could you ask for?" panggagatong pa nito.
"Natural lang na maganda 'yan. Ako ang nag-arrange kaya n'yan!" pagmamalaki pa ni Panyang.
"Ano?! Akala ko ba kaibigan kita?! Bakit pati 'yan ine-entertain mo?" protesta ni Justin dito.
"Eh pasensiya na po. Pero negosyante din ako ano? Doon ako kung saan kikita ang kumikitang kabuhayan ko." Depensa naman ni Panyang. "Teka nga! Kung bakit naman kasi hindi mo binibigyan ng bulaklak si Nancy Jane! Tapos ngayon naman may ibang nagbigay ng bulaklak sa kanya, kung maka-protesta ka diyan. Ay! Siya! Ang gulo ng utak mo Pengkum!"
Hindi ito nakaimik. Hinampas na naman nito ang mesa at tila nagpipigil ng galit. Hindi na rin nila ito pinansin pa, kahit na ang totoo ay lihim itong tinatawanan ng mga kaibigan nito. Alam ni Nancy Jane na nagseselos si Justin kay Jester. Nararamdaman niya. May pagtingin din sa kanya ito.
"Hindi kaya, you two are meant to be together." Dagdag pa ni Humphrey, na ang tinutukoy ay silang dalawa ni Jester.
"How sweet naman!" sabay pang wika ni Abby at Myca.
Nagulat silang lahat ng padabog na tumayo si Justin pagkatapos ay pabagsak din nilapag nito ang hawak nitong baso. Mukhang hindi na ito nakapagtimpi pa.
"This is getting nonsense," may himig ng galit na sabi nito.
"Ano?" naguguluhan niyang tanong.
"You're talking about nonsense. Ang dami naman puwedeng gawin negosyo diyan. Bakit furniture pa? Hindi maganda pumasok sa ganoong business!"
"How'd you know? Ha? Bakit pati ang pagpasok ko sa negosyo pinapakialamanan mo?" naiinis nang wika niya.
"Excuse me, Pare. Pero wala kang alam sa furnitures. Kaya huwag magsalita ng ganyan. And please, pabayaan mo na lang si Nancy Jane kung palaging ganyan na inaaway mo siya." Pagtatanggol pa sa kanya ni Jester.
"Huwag kang makialam dito, Jester." Galit na sagot ni Justin sa huli. Dinuro pa niya ito.
Hinawi naman ni Jester ang daliri nito. Nagsukatan ng tingin ang mga ito. Tila ba ano mang oras ay mukhang magpapang-abot na ang dalawang binata. Kaya bago pa tuluyang magkagulo, pumagitna na agad si Nancy Jane sa dalawa.
"Ano ba kayong dalawa? Mahiya nga kayo kay Vanni! At puwede ba Justin! Kung wala ka rin lang masasabing maganda. Umuwi ka na lang!" sabi pa niya.
"Bakit ako ang pinapalayas mo dito?!" hindi makapaniwalang tanong nito. "Sinasabi mo bang ako ang mali?!" asik nito sa kanya.
"Because you are out of line! You are always out of line! Hindi kita maintindihan kung anong ikinagagalit mo! Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan! Kahit na wala akong ginagawa sa'yong masama! Nagagalit ka sa akin!" sigaw niya dito.
Tuluyan nang sumabog ang lahat ng kinikimkim niyang sama ng loob dito. Kasabay niyon ay ang pagbagsak ng mga luha niya.
"Hindi ko na alam kung saan ko pa ilulugar ang sarili ko sa'yo! Isang araw mabait ka sa akin and the next thing I knew, galit ka na naman! Hindi na kita maintindihan! Hindi ganyan ang Justin na nakasama kong lumaki noon. Hindi na nga ikaw ang kaibigan ko. Dahil si Justin na kaibigan ko ay marunong umintindi!" bulalas pa niya.
"Pati ang taong nagmamalasakit lang sa akin ay gusto mo pang ilayo sa akin!"
"Dahil nagseselos ako!" sigaw nito.
Parang isang bombang sumabog iyon sa kanyang pandinig. Panaginip ba ito? O sadyang nangangarap lang siya ng gising? Kasabay ng rebelasyong iyon ay ang pag-ahon ng matinding kaba sa kanyang dibdib. Mas lalong dumoble ang t***k ng puso niya nang hilahin siya nito palapit dito at hapitin siya nito sa beywang niya. Narinig niyang may suminghap mula sa mga nakiki-usyosong mga kaibigan niya.
"I was damn jealous with Jester! Ayokong nakikita kitang may kasamang iba. Dahil ang gusto ko, ako lang ang kasama mo. Ako lang ang kinakausap mo!" Pag-amin nito.
"Justin."
"At kinain kong lahat ang sinabi ko sa'yo noong una na mas okay ako noong umalis ka. While the truth remains that life without you is hell. Simula ng dumating ka, wala na akong ibang inisip kung hindi ikaw. At naiinis ako sa'yo dahil hindi mo na ako pinatahimik pa." Dagdag pa nito.
"A-ano bang sinasabi mo diyan?"
Sinubukan niyang kumawala mula sa pagkakakapit nito sa beywang niya. Ngunit lalo lang siya nitong hinapit palapit dito.
"Habang pinipilit kang kalimutan ng isip ko. Tanging ang pangalan mo ang pilit na sinisigaw naman ng puso ko."
Kung kanina'y umiiyak siya ng dahil sa sama ng loob dito. Sa isang iglap ay tila hinipan ng hangin ang lahat ng bigat na kanyang dinadala. Daig pa niya ang nabunutan ng malaking tinik. At sa isang iglap din, muling naghari ang pagmamahal na tinago niya dito sa loob ng mahabang panahon.
Tinakpan niya ng dalawang palad ang mukha niya. At saka doon humagulgol. Ito na ba ang kapalit ng lahat ng paghihirap niya?
"Nagseselos ako dahil..."
Tinanggal nito ang nakatakip na mga palad sa mukha niya. And then, wipe her tears away. He smiled at her with full of love.
"Nagseselos ako kasi..."
Hindi na niya hinintay pang ituloy nito ang sasabihin. Kusa na niyang hinawakan ito sa kuwelyo ng suot nitong longsleeve polo at saka hinila ito palapit sa kanya sabay halik dito.
"OMG!!!" narinig niyang tili mula sa 'di kalayuan.
"Go girl!"
Hindi nila alam kung gaano katagal nang magkalapat ang mga labi nila. Hanggang sa narinig nilang tumunog ang wind chime na nakasabit sa entrance door ng restaurant.
"What the hell?! You b***h!!!"
Bago pa niya malaman ang susunod na nangyari. Nagulat na lang siya ng may biglang sumabunot sa kanya at hilahin siya palayo kay Justin. Isang galit na galit na George ang nakita niyang may hawak sa buhok niya. Pagkatapos ay isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi.
"Walanghiya kang babae ka! Sinasabi ko na nga ba't nilalandi mo ang boyfriend ko eh!" tungayaw nito. "Mang-aagaw! b***h!"
"Hoy, awatin n'yo si Tubero! Ako kakalbo diyan!" hiyaw ni Panyang.
Mayamaya pa ay naramdaman niyang may naglayo dito sa kanya,
Nabitawan na pala nito ang mahigpit na pagkapit nito sa buhok niya. Ngunit patuloy pa rin ito sa pagsigaw at pagmura habang nagpupumiglas. Sina Jared at Darrel ang humatak dito palayo sa kanya.
"George! Shut up!!! Huwag kang mag-eskandalo dito!" sigaw naman ni Justin dito.
"No! You shut up! Cheater!!!" ganti naman ng babae.
"Get out of my restaurant!" singhal naman ni Vanni sa huli. "Abby, tumawag ka sa barangay! Sabihin mo may nanggugulo dito!" utos nito.
"Right away, Sir!"
Agad na tumalima si Abby, nang-aasar na binelatan pa nito si George.
"Justin! Ipagpapalit mo ako sa babaeng 'yan!" patuloy na pag-protesta nito. "Hindi ko matatanggap 'yon!"
"George, get out! I want you to get of this place!" utos ni Justin.
"I'm not going anywhere!" pagmamatigas pa nito.
"It's not working for the both of us." Sabi pa ni Justin.
"What? What do you mean?" naguguluhang tanong ni George. Lalong tumalim ang tingin nito sa kanya.
"We're done, George."
"No!" hiyaw nito. Siya ang muling binalingan nito. "You! We're not done yet!"
Iyon lang at tumakbo na ito palabas ng Rio's. Agad siyang dinaluhan ni Justin. Niyakap siya nito at hinaplos ang buhok niya pati na ang pisngi niyang nasampal nito. Medyo mahapdi pa rin iyon.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong nito sa kanya.
"Yeah. I'm fine."
Hinarap ni Vanni ang iba pang customers na kumakain na nabulabog.
"I'm so sorry for that, everybody. Please continue eating." Anito.
"I'm really sorry for that mess, Pare." Hinging-paumanhin naman ni Justin dito.
"It's alright. I'll just ban her sa lahat ng restaurants ko." Sagot naman nito.
"Ikaw ang bahala."
"Girl, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Allie sa kanya.
"Loko 'yong si tubero ah! Ang bilis ng arrive, hindi ko namalayan dumating!" sabi pa ni Panyang.
"Okay lang ako." Sagot naman niya.
"Maupo ka nga muna dito." Ani Justin na pinaghila pa siya ng upuan nito. "I'm really sorry for that." Sabi pa nito sa kanya saka siya kinintalan ng halik sa noo niya. Hinaplos muli nito ang namumula niyang pisngi. Inayos pa nito ang nagulo niyang buhok sa pamamagitan ng daliri nito.
"I'm alright. Hindi mo kailangan mag-alala sa akin."
"Mas mabuti siguro kung iuuwi na lang muna kita. Magpahinga ka."
"O sige na nga," pilit niyang sagot sabay buntong-hininga.
"Ihahatid na kita."
Hindi na siya tumanggi pa. Sa kabila ng ginawang eksena ni George, mas lamang pa rin sa kanya ang nangyaring biglaang pag-amin ni Justin ng totoong damdamin nito. Iyon na lang ang titignan niya. Hindi man nito tuwirang sinabi na mahal siya nito. Alam niya dahil binulong ng puso niya na mahal din siya ni Justin at iyon ang tanging mahalaga sa kanya. Dalangin niya na sana'y hindi na matapos pa ang sandaling iyon.
Lihim siyang napangiti. Ito na ba ang kapalit ng lahat ng paghihirap niya? Ang sagot sa matagal na niyang dalangin? Kung ito'y isang panaginip lamang. Sana'y hindi na siya magising pa. Kung iyon lang ang paraan para makasama niya ang lalaking laman ng mga pangarap niya. Then, she's willing to take the risk.