“Please, follow me.” Kaagad na tumayo ang front desk officer. Halos kumabog ang dibdib ko sa kaba. This is not the first time that I’m going to apply for a job pero abot langit ang kaba ko dahil ito ang unang beses na mag-a-apply ako dito sa ibang bansa. Sabay ang paghakbang naming ni Chad patungo kung saan naroroon ang sinasabi ng front desk officer na opisina daw ng CEO ng company na ito. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na inaadya yata talaga ng tadhanang pagtagpuin kami ni Chad. I don’t know how can I interact with this guy knowing that he will be my co-worker here. Ang akward kasi, or ako lang ‘yong nakakaramdam ng awkwardness sa aming dalawa. Kapag tinitingnan ko siya, pakiramdam ko hindi ko dapat kausapin ang lalaking ito. Pero kapag nakatingin naman siya sa akin, feeling ko wala l

