CHAPTER 43

2063 Words

               "Mami Lydia, tulungan ko na po kayo riyan," alok ko kay Mami Lydia nang matagpuan siyang naghuhugas ng pinggan sa may kusina. Hindi ako nagdalawang-isip na lapitan siya para tulungan. Maraming pang mga bisita ang nasa labas at karamihan sa kanila ay mga kamag-anak at kaibigan ni Mami Lydia. Wala naman siyang katulong kaya hindi na ako nag-atubiling tulungan siya. Wala din naman kasi akong gagawin kung uuwi kami agad ni Gino.                Kaagad kong kinuha ang basahan na nasa tabi at pinunasan ang mga hinugasan niyang pinggan upang tuluyan itong matuyo. Alam kong ganoon ang gawain ni Mami Lydia dahil ayaw niyang may natitirang basang pinggan sa banggerahan o lagayan ng pinggan at kubyertos.                "O, nasaan si Gino?" tanong niya sa akin.                "Hi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD