"Ingat kayo pagluwas," bilin sa amin ni Mami Lydia nang dumaan kami sa bahay nila bago pumuntang Manila. Halos isang linggo rin kaming namalagi rito sa Batangas. Hindi ko na nga namalayan ang araw na dumaan. Saglit lang naman na bakasyon ang hiningi ko para makasama si Gino kaya hindi ko sinayang ang mga panahong magkasama kami. Ang dami rin palang nangyari kahit papaano. Kaya nagpapasalamat pa rin ako na bumalik ako rito. "Salamat po." Iniaangat ko ang kanyang kamay at saka nagmano. Mabigat man sa aking dibdib ang iwana ang lugar na ito ay wala akong magagawa, kailangan kong balikan ang mga trabahong naiwan ko sa Manila. Malaking bahagi ng aking buhay ang naririto sa lugar na ito kaya hindi ko p'wedeng kalimutan ang lu

