CHAPTER 54

1272 Words

Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung kumusta na si Gino. Matapos ko kasing dalawin siya sa ospital kagabi ay hindi na ako bumalik pa roon. Hindi ko na rin kasi alam kung mahaharap ko pa siya. Ang mahalaga sa akin ngayon ay safe siya at hindi gaanong kalala ang mga natamo niya. Minsan, iniisip ko, paano kaya kung hindi ko natuklasan ang lahat? Ano kayang mangyayari kung hindi bumalik ang alaala ko? Mangyayari kaya ang lahat ng ito? Ang hirap isipin, e. Pero kung sakaling hindi ko nga natuklasan ang totoo, siguro maayos pa kami ni Gino. Kaso, hindi ko mapipigilan ang utak ko. Alam ko kasing babalik at babalik ang lahat ng alaala sa isip ko. It was only a partial memory lost. Kaya posibleng maalala ko pa rin ang lahat. Subalit hindi ko akalaing magiging ganito ang impact ng lahat sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD