Takot at pag-aalala ang naramdaman ko nang sandaling iyon. Hindi ko halos maigalaw ang katawan ko dahil sa pangamba. Napabangon ako mula sa kama at pinuntahan si Mami Lydia. Hindi ko alam kung anong gagawin ko noong mga oras na iyon. Naghahalo ang mga nararamdaman ko subalit nangibabaw sa akin ang pag-aalala kay Gino. "Mami Lydia, tulungan ninyo ako."Aligaga akong pumasok sa kanyang kuwarto upang humingi ng saklolo. Nagulat naman siya sa bigla kong pagpasok. Kasalukuyan siyang nagrororsaryo noong mga oras na iyon kaya nabitawan niya ang hawak na bibliya nang bigla akong pumasok. "Ano ga't ika'y humahangos? Anong problema mo?" tanong niya na natakot na rin sa nakita niyang reaksyon ko. Napaluhod ako sa sobrang pagod dahil sa mabilis kong pagtungo sa kanyang silid. Pinakalma ko muna ang

