Hanggang ngayon ay hinihimay-himay ko pa rin sa aking isipan ang mga nakalipas. Unti-unti ko nang naaalala ang lahat ng nakaraan. Matapos ang panaginip na iyon kagabi ay doon na naging malinaw ang lahat kung sino nga ba talaga siya sa buhay ko. Nakilala ko siya noong nagpunta ako sa isang bookstore sa Manila. Doon, una kaming nagkita nang hindi ko sinasadyang maihulog ang isang libro at sabay naming dinampot. Saka ko lang nadiskubre na siya pala ang nagsulat ng librong iyon nang idetalye niya ang mangyayari sa kuwento. Noong una ay nainis ako dahil hindi ko talaga gusto na ini-spoil ako sa mga kuwentong babasahin ko pa lamang. It was an epic encounter between the two of us. Pero bumawi siya and said sorry to me. Hanggang sa iyon nga, kinuh

