Tahimik kong pinagmamasdan si Gino habang kumakain. Namalayan ko na lang na nakangiti ako habang nakatitig sa kanya habang siya naman ay halos walang humpay ang pagsubo sa pagkaing nasa harap. Sadyang nagustuhan niya ang putaheng ihinanda ko para sa kanya matapos niyang maligo. Nang bahagya niyang iangat ang ulo niya ay kaagad niya akong napansin. Saglit siyang natigilan sa kinakain at tumingin sa akin ng may pagtataka. Subalit nahawaan din siya ng ngiti ko matapos akong tingnan. "Bakit ganyan ka makatitig? Nagaguwapuhan ka na naman sa akin, 'no?" taas-noo niyang sabi. Agad ko namang iniiwas ang tingin ko sa kanya. Oo, ang guwapo nga niya. Pero hindi iyon ang dahila kung bakit ako nakatitig sa kanya nang nakangiti. Ang totoo, may mas malalim

