Chapter 2

1361 Words
Chapter 2 "Yas, sama ka? May bagong bukas bar malapit dito. Birthday ni Caesar kaya manlilibre siya doon."aya saakin ni Ling na katatapos lang magligpit ng gamit at katatapos lang magretouch sa mirror na nasa lamesa niya, palagi iyong nandoon at hindi nawawala. Kaya pala nag-ayos siya kanina. Ang nasa isip ko ay uuwi na lang kami at talagang nagretouch pa siya. Iyon pala may pupuntahan pang iba. I forgot about that party. Inimbitahan nga pala kami ni Caesar noong nakaraang linggo sa birthday niya na gaganapin sa isang bar. Nakalimutan ko na iyon dahil abala ako sa ibang bagay. "Ah..."bumaba ang tingin ko sa mga trabaho ko. Wala ako sa mood para magparty ngayon. I'd rather stay here and finish all my works. Ling rolled her eyes at me nang mapansin ang pag-aalangan kong sumama."Masiyado ka namang subsob sa trabaho, Yas. Kaya hindi ka nagkakaboyfriend e."pabirong sabi niya Hindi na ako naging interesado sa mga lalaki pagkatapos mangyari ng insidente na iyon. "O, Ling himala paano mo napapayag na sumama si Yas sayo?"tila gulat na ani Caesar ng dumating kami sa bar. Mukhang kanina pa sila nagsimula at halos lahat ng kaofficemate namin ay nandoon na kami na lang ni Ling ang wala. Kahit nga ang boss namin sa firm ay nandoon din at nakisali. Ling laughed at him."Sinabi ko kasi na hindi na siya magkakaboyfriend kung magpapakasubsob siya sa trabaho."biro ni Ling na tinawanan naman ng lahat. "Totoo ba iyon, Yas?"sabay baling naman saakin ni Caesar. I smiled awkwardly at him. Hindi naman kami close ni Caesar sa opisina. Malayo ang table niya kaya hindi kami madalas magkausap. Kaya alanganin din ako na sumama dito dahil hindi ko naman mismong close ang birthday celebrant. And also I don't think I can party at the moment lalo na at may kinakaharap na problema ang pamilya ko. "Tama na 'yan, Caesar, baka hindi na sumama ulit si Yas." Humalakhak lang si Caesar sa babaeng katrabaho namin at umiling. "Eto, Yas. Nagiinom ka ba?"tanong ni Caesar sabay abot sa akin ng bote ng alak. Akmang sasagot ako ng agawin ni Ling ang bote at tinungga niya iyon."Hindi nag-iinom itong si Yas, Caesar. At dahil ako ang nagsama sakanya dito, sagot ko siya."sagot ni Ling sabay kindat saakin. Actually, umiinom ako pero hindi nga lang madalas. Caesar nodded his head. Pagkatapos ibinaling na nito sa iba pang naroroon ang atensyon. Habang nagkukuwentuhan sila ay tahimik lang akong nakikinig sakanila. Paminsam-minsan nakikitawa kapag napapansin nila ang pagiging tahimik ko at inuusisa. Pagkatapos magpaalam ng boss namin at iilan naming ka-officemate na uuwi na ay hindi sinasadya na napatingin ako sa gawi ni Caesar napansin ko ang kakaibang tingin niya saakin simula pa kanina iyon simula ng dumating kami ni Ling. Dahil doon kaya naiilang din ako at hindi nakikihalubilo. "Hindi ka talaga iinom, Yas? Kahit isa lang?"pamimilit ni Caesar saakin. Mabuti na lang to the rescue si Ling saakin."Ano ba, Caesar, tigilan mo na si Yas sa kakapilit na uminom. Hindi nga sanay uminom iyan."iling niya. Pagalit na ang tono nito siguro dahil ay nakainom na din. Caesar looked annoyed. But he mask it up with a playful look."Minsan lang. Birthday ko naman e." Kakaunti na lang kami sa loob ng VIP room. Puro sa ibang department ang kasama namin at halos karamihan doon kaibigan ni Caesar. "Alam mo kung di mo titigilan si Yas uuwi na lang kami."tila galit na sabi ni Ling. Tumayo si Ling at kasama din ako nitong hinila patayo. "T-Teka! W-wag muna, Ling."biglang nataranta si Caesar sa biglaang pagtayo ni Ling at ako at ang akmang pag-alis namin. "B-bat p-parang nahihilo ako?"biglang sambit ni Ling at napahawak sa ulo niya. "LING!"nag-aalalang sigaw ko ng natumba ito sa couch. At nang tumingin ako sa mga kasama namin ay lahat sila bagsak na. Anong nangyayare? Bigla ay nakaramdam ako ng pagkataranta. Iginala ko ulit ang paningin ko sa kabuuan ng silid at lahat sila doon ay wala ng mga malay. Napalunok ako. Buhay pa naman sila hindi ba? Pero hindi pala lahat wala ng malay, may isang lalaki pa ang nakatayo. Nang lingunin ko iyon nakita ko ang nakangising mukha ni Caesar. "A-anong ginawa mo?"sinamaan ko siya ng tingin. Siguradong siya ang may pakana nito walang duda doon. Siguro may kung ano siyang hinalo sa mga inumin dahil ako lang ang natitirang gising ngayon dahil hindi ako uminom ng alak na kanina niya pa pinipilit ipainom saakin. "Kasama ka din sana sakanila kung uminom ka lang sana."he made a sad face, I gritted my teeth because of that. Ang walanghiyang ito! May plano pala siya! " In fact ikaw naman talaga ang pakay ko."he grinned devilishly. Kinilabutan ako sa malademonyong pag-ngisi niya saakin kaya napakayakap ako sa sarili ko. Think, Yas. This is not the right time to be scared. You have to save Ling and the rest of people here. Kailangan makaalis ako dito at makahingi ng tulong sa labas. Akmang tatakbo ako palabas ng mahablot niya ko. s**t! I was so close to holding the door. "At saan ka pupunta!?"galit na singhal niya saakin. "A-Aray! Bitawan moko!"pagpupumiglas ko ng sambunutan niya ko. "No! Tonight is my birthday and you are my present, Yas."mas lumapad ang pagkakangis niya saakin. Inihagis niya ko sa sahig. Napadaing ako sa sakit ng pagkakabagsak ko. "Sa wakas!"gigil nitong sambit."Ang tagal kong hinintay ito, Yas." "C-Caesar...p-please."I shook my head. Wiping away the tears. It's happening again! No! "Please what, Yas?"umibabaw siya saakin. I tried to push him away pero buong puwersa ang idinagan niya saakin at pagkatapos ilang beses niya akong pinagsasampal-sampal at sa huli ay wala na akong nagawa ng mabuksan niya ang mga butones ng suot kong blouse."Huwag kang mag-alala sisiguraduhin kong magugustuhan mo din ito, Yas."he is about to reach for my lips when someone kicked the door. Sobrang pasasalamat ko sa kung sino man ang sumipa ng pinto. Help! Please! My mind shouted. Nanghihina na ako at ang sakit ng pisngi ko at buong mukha ko dahil sa ilang beses na pagsampal saakin ni Caesar. "Sino ka? Sino kayo!?"tumayo si Caesar at hinarap ang kung sino mang pumasok sa silid. "I see..."in his baritone voice he spoke. Pamilyar ang boses ng lalaki pero wala na akong lakas para lingunin pa kung sino man ang estrangherong dumating pero dahil sakanya ay hindi natuloy ang masamang balak saakin ni Caesar "...you've got nerves to ask me who I am."the man chuckled. Parang may mga anghel na nagbabaan dahil sa pagtawa niya. I was laying, almost naked. Hindi ko kilala ang taong nagligtas saakin at kung anong motibo nito sa pagtulong saakin. Pero baka mamaya ay mas malala pa pala ang sasapitin ko sa kamay nito. "Ayos lang ba kung bubuhatin kita?"nagulat ako sa lalaking bumungad saakin pagkatapos ng mahabang katahimikan sa silid. Where is Caesar? At anong ginagawa niya dito? Dahil sa pagkagulat ay hindi agad ako nakasagot. "I'm sorry nahuli ako ng dating. Katatapos lang ng meeting ko."ngayon ko na lang ulit siya nakita ng ganito kalapit at sa ganitong sitwasyon pa. Inalalayan niya akong makaupo pagkatapos hinubad ang suot na suite at ipinasuot saakin. Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang baba ko."I just leave your for years then we will see each other again in this situation? Do you really want me to go crazy, Yasha?" "P-paano mo..." He chuckled a bit."Do you think I'm kidding when I told you I own you that moment you said those words?"hinaplos niya ang labi ko."Of course I make sure the things I own is safe and unharmed." Nahigit ko ang hininga ko ng buhatin niya ko ng walang kahirap-hirap. "T-Teka..."pigil ko sakanya ng akmang aalis na kami. Napalingon ako kay Ling na walang malay na nakahiga sa kabilang sofa. Hindi ko puwedeng iwan si Ling dito. "Don't worry my men will bring your friend home..."he told."safe."pahabol niya pa na tila nabasa ang iniisip ko na takot at pag-aalala para sa kaibigan ko. "Ako..."I gulped twice."Saan mo ko dadalhin?"kinakabahang tanong ko sakanya. "To the hospital. Saan pa ba?"mula sa pagkakatitig sa mukha ko bumaba ang tingin niya sa paa ko, ngayon ko lang naramdaman ang kirot galing doon."You need to be check."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD