Chapter 3
Hindi ako sa bahay namin iniuwe ni Devon pagkatapos niya akong patignan sa hospital.
Maingat niya kong ibinaba sa king size bed ng makapasok kami sa isang kwarto. This is his place? Hindi naman malala ang nangyare sa paa ko, namamaga lang iyon at makirot dahil sa pagkakabagsak ko noong itulak ako ni Caesar sa sahig. At masakit at namamaga din ang pisngi ko gawa ng pagsampal at p*******t sakin kanina ni Caesar.
"What the hell, Evo! You bring a woman here!?"bulalas ng kadarating lang na lalaki at sunod-sunod na may pumasok pang tatlong lalaki sa kwarto. Mukhang natataranta pa ang mga ito ng dumating at makapasok sa loob ng kwarto.
"That's impossible! Why would Evo bring dead woman he--"natigil sa pagsasalita ang isa pang kadarating lang na lalaki ng makita ako. His eyes widened in shocked."Oh! She's not dead?"tanong nito at bumaling kay Devon.
Devon shook his head."She's not, Ao."bahagyang nanlaki ang mata ko ng banggitin niya ang pangalan ng lalaki, that man he's also part of the five majestic, he is Ao Chen. Hindi lang si Ao Chen ang andito. Kundi silang lima. I've done my research pagkatapos lumabas ng issue niya at ng pinsan ko. At madalas ko silang makita pag nagbabasa ako ng mga bachelors's magazine. Sila madalas ang laman nun at ang iba pang Bachelors sa buong mundo. Ngayon nga lang nabawasan sila ng isa dahil kasal na si Gray Salazar. Kaya natanggal na sa listahan. Ilang milyong babae din ang umiyak dahil doon.
"It's nice seeing you again, Yasha Rodriguez."Fox Yu grinned widely. Nakahalukipkip ito habang diretso ang tingin saakin.
"Yasha Rodriguez? You're that woman?"ani Nikov Gustaf tila may napagtanto sa sinabi ni Fox at nagtatanong akong nilingon, may kunot ang noo.
Alanganin akong tumango sakanya. Hindi ko alam kung may ibig sabihin ba iyon o kung anong tinutukoy niya. But, hey! I am Yasha Rodriguez.
"I need to go. My wife is waiting for me. I have no reason to stay any longer here."umiiling na sabini Gray Salazar."Looks like Devon is whipped."he smirked at Devon. Kakakasal lang nito. Wala pang isang taon.
Devon just smiled at him knowingly. Pinanunuod ko lang silang mag-usap na magkakaibigan sa mga bagay na hindi ko naman masundan kaya sa huli ay hindi ko na lang sila pinakinggan.
"So, what happened? Bakit dinala ka ni Evo dito sa bahay niya? You know he don't bring women in his house. This place is restricted."Fox asked, when the rest of them leave the room at naiwan na lang kaming dalawa ni Fox na magkasama dito.
"I...almost got raped."napalunok ako. Hindi ko na pinagpatuloy ikuwento ang kabuuan at siya naman ay hindi na nag-usisa pa at tinanguan na lang niya ako.
Pagkatapos maya-maya lang ay bumalik na si Devon nang nakakunot ang noo saaming dalawa ni Fox."Umalis kana dito, Fox."pagtataboy niya sa kaibigan.
Tumawa naman si Fox."Chill. Uuwi na din naman ako. Seriously, bud."umiiling-iling na sabi nito pagkatapos ay lumabas na ng kwarto.
Then Devon turn to face me."Take a rest. We'll talk tomorrow."he ordered. Pagkatapos ay tinalikuran na niya ako.
I am not comfortable laying here. Kaya hindi agad ako dinalaw ng antok. I don't know how many hours passed by before I can finally fall asleep.
Pero nang magising ako ay tanghali na. s**t!
Bumaling ako sa pinto ng bumukas iyon.
Lumantad saakin si Devon kaya nahigit ko ang hininga ko nang makita ang mukha niya. Pinagpala. Iyon na lang ang nasabi ko habang pinagmamasdan ang lalaki."Let's go downstairs."pasuplado niyang sinabi. Ni hindi man lang niya ako binati ng 'Goodmorning' well I'm not expecting that he will greet me but atleast he could do more better than this.
Napabuntong hininga na lang ako at sa huli ay tumango sakanya at sumunod.
"Did you slept well last night?"tanong niya habang pababa kami sa hagdan.
Nauuna siyang maglakad saakin kaya hindi ko makita ang mukha niya.
"Hindi masiyado. Hindi ako komportable e. Sigurado dahil hindi ko kwarto."sagot ko.
Hindi na siy nagsalita pa hanggang sa makababa kami at magtungo sa kitchen. Doon nakahanda ang madaming pagkain.
"May iba pa ba tayong kasamang mag-aagahan?"I asked him. Sobrang dami ata nun kung kaming dalawa lang ang kakain.
Sinulyapan niya ako bago naupo."Wala. Kaya kumain kana diyan."
Napalabi ako."Ang dami nito. Hindi ko mauubos ito lahat."naiiling na sinabi ko.
"Hindi ko naman sinabing ubusin mo lahat. I just told you to eat."he sighed.
"Okay."
"Bilisan mo at kumain kana. You're gonna late for your work. Though I would suggest if you'll take your absent today."sumimsim siya sa hawak na tasa.
"Aabsent nga ako ngayon."tumango ako sa sinabi niya. Hindi ako puwedeng pumasok ng ganito ang itsura ko at kalagayan ko."At hindi pa din ako makakauwi..."sumulyap ako sakanya.
"You can stay here."tila balewalang sinabi niya. "I have a meeting today kaya wala ako dito but if you need anything andiyan naman ang mga maids sila ang utusan mo."
Bumagsak ang tingin ko sa kubyertos."Sigurado ka bang ayos lang na dumito muna ako? I mean puwede naman ako magstay sa isang hotel hanggang umimpis na itong pamamaga ng pisngi ko at ng paa ko."
"You already slept here last night. Kung ayaw ko na andito ka puwede kitang dalhin sa kahit na saang hotel."nahimigan ko ng pagka-inis ang tono niya.
Mabagal akong tumango sakanya at bumalik na sa pagkain.
Sungit! Siguro hindi maganda ang pagkakagising.
"Yas,"he called me in his monotone. Napatuwid ako ng pagkakaupo at lumingon sakanya.
"B-Bakit?"I shallowed hard.
"What are you doing in that bar last night?"he looks bothered about it.
"Inimbitahan lang ako. Birthday ni Caesar kaya napilitan akong pumunta hindi ko naman..."napalunok ako."alam na may plano pala siyang ganoon."napapailing na paliwanag ko.
For a moment he just stared at me then he finally nod his head. Bakit parang ang dating saakin ay nagdududa siya?
"Sa susunod ayoko ng makita ka sa bar kung hindi mo naman pala kayang alagaan ang sarili mo doon."he said, coldly.
I bit my bottom lips."Hindi naman talaga ako mahilig mag-bar. Napilit lang ako doon ni Ling dahil nga birthday ni Caesar."I explained. I don't know what for.
Sa blankong mukha nilingon niya ako pero wala siyang sinabi. His silence is killing me!
"Ano ba! Magsalita ka nga!"hindi ko napigilan ang sarili.
He's making me nervous when he's like this!
Maya-maya pa ay ngumiti siya in a creepy way. That's him! He always smile like an idiot!
"What do you want me to say huh, Yas?"he teased.
Napalunok ako bago nag-iwas ng tingin sakanya.
"You'd never change, Yas. You're still that Yas I know before."naiiling niyang sinabi habang may sinusupil na ngiti.
"Excuse me!?"
"Yes, my yas you're going somewhere?"
Marahas akong napasinghap sa tinawag niya saakin. That endearment! I haven't heard that for a long years.
"Why so shocked, hmm?"mula sa pagkakaupo ay tumayo siya at nilapitan ako. Napahigpit ako sa pagkakahawak sa kubyertos ng sobrang lapit na niya saakin.
"Nakikipaglapit ka nanaman saakin. Bakit, Yas? Is my Yas forced to do this?"nang-uuyam na bulong niya malapit sa tenga ko.
"I don't know what you're saying, Devon."umiling ako.
He chuckled lowly.
"Akala ko ba ang sabi mo dati ayaw mo ng naglalapit ako sayo at mas lalong ayaw mo ng makita o makausap ako?"sumulyap ako sakanya, he is smiling creepily. Parang galit na nasisiyahan. Hindi ko alam!
"Devon...m-matagal na 'yon."
"Yeah right!"he snorted.
"Devon."
He raised his pointed finger as if ordering me to shut up so I did.
"Isa pang tawag mo saaking Devon hahalikan kita, Yas."I don't know if it's a threat...but my heart suddenly leap.
"Or maybe you really want me to kiss you?"he grinned. Inilapit niya ang mukha saakin, bumaba ang tingin ko sa labi niya at napalunok.
"Devon,"
Pagkatapos ang sunod ko na lang namalayan ay naghahalikan na kami ni Devon. We kiss as if we're hungry with each other. Devon caresses my back.
"I teach you pretty well, huh."he smirked at me, na ang tinutukoy ay ang halikan namin. He was my first kiss. And my first in everything.
Nahiya naman ako sa sinabi niya at natauhan kaya bahagya akong lumayo sakanya na ikinahalakhak niya at muli akong hinila palapit sakanya.
"You're still into me, Yas. I wonder what happened? You confessed and the next day you were telling me you don't want me and you don't want to see me, throwing me out like I'm a garbage."he gritted his teeth. There's so much emotions in his eyes.
"Hindi sa ganoon, Devon."nahihirapan akong umiling sakanya.
"Then what? Tell me what happened to you, Yas?"he close his eyes, he touch my lips using his own.
"I...I'm not ready to tell you what happened, Devon."
"Then tell me when you're ready."he gave me a nod at bahagyang binigyan ng distansya ang katawan namin.
"Devon..."
"Do you regret it?"he asked.
Wala sa sarili akong tumango.
"Do you really regret doing that to me, Yas? Am I the only one who had touch you?"
Tumango ako."Oo. I-ikaw lang."
At tuluyan na siyang tumango saakin there he goes again with his creepy smile.
"That's all I need to hear. Kapag okay na ang pakiramdam mo puwede ka ng umuwi sainyo. And tell your father that you can't fool me again and I will never be again under your spell, Miss Yasha Rodriguez. Have a good day."then he left.