Chapter 4
1 week had passed since that incident. Pagpasok ko sa firm ang biglaang pagresign ni Caesar ang agad na sumalubong saakin. Isang linggo din akong hindi nakapasok. Nagpasa naman ako ng sick leave sa boss namin kaya hindi ako nito hinanap o nagalit at mabait naman ang boss namin kaya lang ngayon na kapapasok ko lang ay natambak ang mga dapat na gawain ko sa loob ng isang linggo sa lamesa ko.
Nang pumasok ako sa firm kaninang umaga ay usap-usapan na ang bigla na lang na pagresign ni Caesar sa trabaho. Walang ding nakakaalam kung ano ang dahilan at kung anong nangyare sa birthday party nito noong isang linggo. Kahit si Ling ay tinatanong ako kung paano daw siya nakauwe sa bahay ng gabing iyon. Hindi ko naman alam ang isasagot kaya nanatili akong tahimik. Hindi ko alam kung ano ang inihalo ni Caesar sa mga inumin kaya wala silang matandaan, lahat ng imbitado sa birthday party niya. I suddenly thanked Devon that he came that night. Walang kaide-ideya si Ling na muntik na akong marape ni Caesar!
At tungkol naman sa biglaang pagkawala ni Caesar hindi ko alam kung bakit at wala na akong balak alamin kung bakit. Pagkatapos ng mga ginawa niya saakin masuwerte pa siya at hindi ko siya ipinakulong.
Sa issue na kinakaharap ng pamilya ko dahil kay Enra ayoko ng dumagdag pa sa problema ni papa.
"Wala ka din bang natatandaan, Yas?"muling tanong saakin ni Ling.
Saglit ko siyang nilingon bago ibinalik ulit ang atensyon sa harap ng computer ko."Wala."pagsisinungaling ko.
"Okay. Sa tingin mo bakit kaya biglang nagresign si Caesar?"puno ng kuryosidad na tanong ulit niya saakin.
"Hindi ko alam."I shrugged my shoulders.
I have no time to think about that bastard! Kaya mas ifinocus ko ang atensyon sa computer ko. Nakita siguro ni Ling na abala na ako sa trabaho kaya sa huli ay hindi na ito nangulit pa.
"Hay! Mga lalaki nga naman ang gugulo."komento niya at napabuntong hininga pagkatapos bumalik na sa pinagkakaabalahan sa sariling lamesa.
Pasado alas siete na ng sabay kaming nagout ni Ling sa trabaho. Kami na lang sa department namin ang natira. Nagover time kasi ako dahil tinapos ko ang halos kalahati sa napending na trabaho ko dahil sa pagabsent ko ng isang linggo.
"Salamat ah."ani Ling ng ihatid ko siya sakanila. May sasakyan ako at dala ko iyon lagi pag pumapasok sa trabaho. Nahahassle kasi ako sa isipin na magcocommute ako at isa pa madaming sasakyan sa bahay sayang kung hindi magagamit.
"No prob."tinanguan ko siya at nginitian. Madalas kong ihatid sakanila si Ling lalo na at madadaanan ko naman ang kanila, pauwi saamin.
"Salamat talaga! Dahil sayo kaya nakakatipid ako ng pamasahe laking tulong din."mahina siyang tumawa at tumango saakin."Ingat ka pauwi."pagkatapos ay tuluyan na niyang sinara ang pinto ng passenger seat at ako naman ay pinaharurot na ang sasakyan paalis.
Pagdating ko sa bahay ay si papa agad ang sumalubong saakin. I was gone for three days, sinabi kong may business meeting akong pupuntahan. Nagsinungaling ako sa trabaho ko at kay papa. Napabuntong hininga ako dahil doon. I just don't want him to be worried about me. Lalo na at focus ito sa kaso laban kay Devon at ako?
Focus ako na mapatunayang hindi guilty si Devon. Just great!
Siguradong magagalit si papa pag nalaman niyang nagkita kami ni Devon at hindi lang iyon doon ako tumuloy sa bahay ng lalaki and we...we kissed!
"Nakahanda na ang hapunan. Mabuti at nakauwi kana, Yas."papa said, softly.
Tinanguan ko siya at nginitian.
"Kamusta ang trabaho?"
"Ayos lang po, papa. Madami akong kinailangan gawin kaya nagover time ako ngayong gabi. Sorry po at hindi ko na kayo nasabihan na mahuhuli ako ng uwi. Kumain na po ba kayo?"
"Kumain na ako kanina pa. Huwag mo kong intindihin. At ayos lang. I know you. You work so hard. Don't you think you need to unwind sometimes? Bakit hindi ka humingi ng leave sa boss mo? Tutal sa dami ng pinapagawa niya sayo ay deserve mo naman siguro iyon?"he suggested.
Napalunok ako sa sinabi ni papa. I can't do that. Nagfile na ako ng sick leave noong isang linggo. I don't think papayag ang boss ko ngayon at isa pa mas lalo lang akong matatambakan ng trabaho.
"I'll think about it, papa. Sa ngayon ay gusto ko po muna matapos lahat ng kailangan kong trabahuin para po pag nagunwind ako ay talagang wala na akong iisipin na naiwang trabaho."pagdadahilan ko na mukhang naniwala naman si papa.
"You really look like her."dad look at me amused in whatever reason.
Her? Sinong tinutukoy niya?
"Her?"kumunot ang noo kong ulit sa sinabi niya.
"Yeah. Your mom."paglilinaw niya.
Bigla ay natigilan ako. Ito ang unang beses sa tagal ng panahon na nabanggit at pinag-usapan namin si mama sa bahay.
"She have a dream. Kahit na kaya ko naman na siyang buhayin ay hindi siya nagpapigil sa gusto niya. I've known her for her independent. She's a strong woman. At namana mo ang lahat ng iyon sa mama mo."he smile lightly at me.
Hindi ako makapaniwalang nasabi niya lahat iyon. Did I heard it right? Did she just complimented mama? Sinabi din ba niyang namana ko ang mga katangian ni mama?
"I...I don't get it."umiling-iling ako."I thought you hated her? I thought you're mad at her?"nalilito ko siyang tinignan.
"I am."he nodded, a flicker of pain flashed in a speed in his eyes. Before it vanished."But it didn't mean I don't love your mom anymore."
"Do you still love, mama?"napapalunok na tanong ko.
"I do. I still love her. Mahirap atang kalimutan ang mama mo."he chuckled.
"But your replaced her! You found someone else."hindi ko mapigilan ang tumaas ang tono ng pananalita."S-Sorry, papa."
He nodded and smile."I understand your reaction. I do love her. At sinubukan kong palitan siya."
"And...did you succeed?"I asked him.
"Well...nakailang girlfriend na ba ang papa mo?"he asked me back.
Napaisip naman ako at napabilang bago napailing."I really can't remember pero madami na!"
Tumawa siya."See. Madami na akong ipinalit sakanya pero walang makapalit sa puwesto ng mama mo."
Parang nabuhayan ako ng pag-asa na mabubuo pa ang pamilya namin dahil sa sinabi ni papa.
"What does suppose to mean, papa?"
He sighed."Your mother is coming home. She wants to see you."
My eyes widened in shocked.
"She's coming home? Home? As in dito sa bahay mismo, papa?"nakaramdam ako ng excitement. Kahit na matagal na at halos hindi ko na matandaan kung kelan ang huling pagkikita at pag-uusap namin ni mama ay kahit kelan hindi ako nagtanim ng galit sakanya. She still my mother. At miss na miss ko na siya! Madami akong gustong itanong sakanya pag nagkita kami and I can't wait for that! Finally!
"What did you said? Pumayag po ba kayo?"excited na tanong ko kay papa dahilan para matawa siya.
"Oo. Sinabi niya na bukas daw ay lalapag na ang eroplanong lulan sila. She's excited to see you."he smile at me.
"Kayo po, papa? Excited din po ba kayong makita si mama? I mean you haven't seen her for years now."makahulugan ko siyang tinignan.
"Of course I am excited to see your mother again."
Tumango ako sakanya at malapad na ngumiti."Wag mo po kalimutang magpagwapo para mainlove ulit si mama sayo!"I giggled.
"Ikaw na bata ka talaga!"napapailing na tumawa saakin si papa.
"Subukan mo lang papa. Sige po magshoshower lang po ako tapos ay baba ako para kumain."nakangiting paalam ko sakanya at nagtungo na sa itaas, sa kwarto ko.
I was so excited and happy that night kaya parang ang lahat ng pagod at iniintindi ko ay saglit kong nakalimutan dahil sa isiping uuwi si mama bukas at magkikita na kami! It feels like a dream to me! Ang tagal kong hinintay ito noong bata pa ko. And now it's finally happening!
I sleep with a smile in my lips. Kinabukasan ay good mood na good mood akong naligo at naghanda para sa pagdating ni mama.
Pinakiusapan ko din ang boss ko kung puwedeng umabsent ako ngayong araw at may emergency lang. He just chuckled at me and said yes. Minsan weird ang boss namin pero mabait naman!
"Is she here? Malapit na daw po ba?"hindi mapakaling tanong ko kay papa nang may tumawag sakanya sa telepono.
"It's not your mother, Yas. Sa kompanya."he answered.
Napanguso ako at napatango.
"You're so excited. Ganoon mo ba kamiss ang mama mo?"
Mas lalo akong napanguso."I always dream about this when I was a kid. Naiinggit ako sa mga bata na kumpleto ang pamilya tuwing may family activities sa school. You are so busy with your works and I always ended up with my nanny. Tapos si mama ay wala naman at hindi ko alam kung nasaan."
Papa smiled sadly."I'm sorry you have to go through that, Yas. Kung sana..."he sighed."Susubukan kong makabawi sayo, Yas. Sana lang ay hindi pa huli."