NATALIA GIA VALDERAS
“Diyos ko po!” usal ko kasabay ng kalampag lalo sa dibdib ko sa nakitang picture.
Kasunod no’n ay napilitan akong tingnan ang ibang naroon at nagulat na lang ako nang nakita ang mga documents na magpapatunay sa sinabi ng lalaki kanina.
Mga bank transfer records, account statements. At sa bawat pahina ay nakalagay ang pangalan ni Samantha Gaspar. May nakalakip pang printed em@il conversation. Doon malinaw na may usapan tungkol sa paglipat ng malaking halaga ng pera mula sa Imperial Group account at ang email ay nakapangalan kay Ate Samantha.
“Hindi… hindi ito pwedeng mangyari…” bulong ko habang nanginginig ang mga kamay at napapailing.
One hundred million pesos!
“Ate Sam… anong ginawa mo…?” mahina kong sabi.
Kilala ko ang penmanship ni Ate Sam. Kilala ko ang signature nito kaya sure akong pirma nito ang nakita ko at ang designation niya ay isa siyang Chief Financial Officer na isa sa pinakamataas na posisyon sa isang kumpanya.
Nakakapagtaka na hindi nito binanggit sa akin na sa Imperial group pala ito nagta-trabaho. Nag-resign ito sa previous company nito dahil daw mas malaki ang sasahurin nito sa bagong trabaho na in-applyan. Pero ibang kumpanya ang binanggit nito sa akin, hindi sa Imperial.
Ibig sabihin ay may kalokohan nga na ginawa si Ate Sam. Pero hindi ko alam kung bakit nito gagawin ang ganitong bagay. Kung may problema ito ay bakit hindi nito sinabi sa akin. Kahit hindi step sister ko sya at tinuring ko itong tunay na kapatid.
Oh baka naman pagod na siyang makisama sa amin ni Nanay? Baka gusto na nitong humiwalay at mamuhay ng mag-isa?
Sa isipin na ‘yon ay sobrang nanikip ang dibdib ko at naramdaman ko na lang ang panunubig ng mata ko. Nakakaiyak lang na dadating kami sa puntong ganito ni Ate Samantha. Ang alam ko ay sobrang solid kami at tatanda na hindi magbabago ang tinginan bilang magkapatid.
Natatandaan ko pa ang unang beses na pinakilala ako ni Nanay kay Ate Samantha sampung taon na ang nakakaraan no’n at unang kita ko pa lang sa kanya ay magaan na ang loob ko dahil mainit na yakap ang natanggap ko. Siguro ay dahil nag-iisang anak lang din ako at sabik sa kapatid kaya natuwa ako nang dumating si Ate Samantha sa buhay ko. Pati si Ate Samantha ay nag-iisang anak lang din ng Tatay nito.
Lumaki akong walang Tatay dahil nasa sinapupunan pa lang ako nang namatay daw ang ama ko sa aksidente sa motor, ‘yon ang kwento sa akin ni Nanay. Mahirap lang ang buhay namin at tinaguyod ako ni Nanay mag-isa sa paghahanap-buhay sa isang factory. Mabuti na lang at meron itong kapatid na napag-iiwanan sa akin kaya nakapagtrabaho siya.
Maaga pa lang ay tinuruan na ako ni Nanay sa gawaing bahay at pagluluto. Kaya nang nawalan ako ng bantay ay marunong akong kumilos. Magkasangga kami ni Nanay sa hirap. Naging masunurin akong bata dahil mahal na mahal ko ang ina ko at ayoko na itong mahirapan pa. Pangarap ko na makapag tapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho para maiahon ko si Nanay sa hirap.
Hanggang sa umedad ako ng 12 at doon ipinakilala sa akin ni Nanay ang boyfriend nito na katrabaho nito at ang anak nga no’n ay si Ate Samantha na noo’y 14 years old naman. Makalipas ang isang taon ay nagsama ang ang Nanay ko at ang Tatay ni Samantha. Si Nanay ay nag-resign sa trabaho at nagkaroon ng small business na karinderya doon sa malapit sa factory na pinag-trabaho-han nila.
Mabilis kong natanggap ang pag-aasawa ni Nanay. Lumaki akong walang ama at naramdaman ko ang pagmamahal ng ama simula ng nag-asawa si Nanay. Si Ate Samantha ay naging parang tunay kong Ate. Sobrang naging close kami.
Pero apat na taon na ang nakakaraan ay binawian ng buhay ang ama ni Ate Samantha. Sobrang nalugmok kami dahil ito na lang ang may permanenteng trabaho sa pamilya. Kumikita pa naman si Nanay sa karinderia nito at nairaos namin ang buhay kahit papaano sa kabuhayan nito.
Nagawa pa ni Ate Samantha na magtapos sa tulong ni Nanay at hindi na ito humiwalay pa sa amin at tinuring na talaga kaming pamilya. Hanggang sa nagka-trabaho ito habang nagre-review para sa board exam. Sobrang sipag at talino ni Ate Samantha kaya malaki ang paghanga ko dito.
Hanggang sa nagka-trabaho nga si Ate Samantha sa isang kumpanya at hindi ito nagkulang sa pagsuporta sa akin hanggang sa nakatapos ako nang nakaraang taon sa kursong Business Administration. Pinalad naman akong makapasok agad sa trabaho.
Nang panahon na ‘yon ay eksaktong nagkasakit si Nanay at inatake sa puso. Sobrang nalugmok kami ni Ate Samantha noon at muntik nang bawian si Nanay ng buhay. Mabuti at unti-unti nang nakaka-recover ngayon. Nang una ay nakaratay lang talaga ito at hindi makapagsalita ng maayos.
Hanggang sa nag-resign nga si Ate Samantha sa trabaho at may nakita raw itong bagong opportunity sa isang kumpanya na may mas malaking sweldo kesa sa unang trabaho.
Nagpatuloy ang suporta ni Ate Samantha sa amin ni Nanay. Sobrang grateful ako dahil kung tutuosin ay pwede na itong umalis at iwan kami ni Nanay dahil hindi naman kami nito kadugo at lalong hindi nito responsibilidad. Pero hindi nito ginawa.
Hanggang sa sinubok naman ako ng problema at tinanggal ako sa trabaho sa kasalanang hindi ko ginawa. Pinagbintangan ako ng CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko na inakit ko ang asawa nito. Bagay na hinding hindi ko kayang gawin.
Sa simula pa lang nang pumasok ako sa kumpanya ay halata na ang pagkagusto sa akin ng matandang asawa ng CEO namin. Nagpupunta ito lagi sa opisina at isang beses ay binastos pa ako at hinawakan ako sa pw3t. Mas pinili ko lang na hindi magsumbong dahil takot akong baligtarin ng bastos na asawa ng amo ko ang storya at ako pa ang sabihan na malandi at nang-aakit.
Pero kahit hindi ako nagsumbong ay natanggal pa rin ako nang isang beses na na-corner ako ng asawa ng CEO sa room ng boss ko at hinawakan ako sa beywang. Huling huli kami ng akto ng CEO at galit na galit ako nitong pinalayas sa trabaho habang kinakaladkad palabas ng building.
Sobrang kahihiyan ang inabot ko sa first job ko na naging dahilan ng matinding depression ko. Halos gabi gabi ay umiiyak ako. Isa si Ate Samantha sa nagpalakas ng loob ko. Pinayuhan ako nitong maging matatag. Tumulong pa ito na lumapit sa kinauukulan sa gobyerno para makuha ko ang final pay na hindi naibigay sa akin.
Kaya labis ang pasasalamat ko na kasangga ko si Ate Samantha sa buhay… At ngayon na nalaman ko ang tungkol sa ginawa nito, sobrang sakit talaga sa akin na may nilihim ito sa akin.
Hindi ko alam kung ilang minuto pa rin akong shock mula sa nalaman ko at sumubsob na lang ako sa kama. Umiyak ako dahil malaking problema na naman ang kakaharapin ko. Mabait at masunurin naman akong anak, pero hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko kung bakit binibigyan ako ng matinding pagsubok.
Pero hindi ako pwedeng sumuko. May Nanay akong may sakit na umaasa sa akin.
Nanatili ako sa loob ng kwarto at hindi na lumabas pa dahil baka mahalata ni Nanay ang naging pag-iyak ko. Pero lumipas ang maraming sandali ay biglang tumunog ang cellphone kong nasa bulsa ko. Natataranta ko ‘yong kinuha at umaasa na si Ate Samantha ‘yon pero kumunot na lang ang noo ko nang makita ang unregistered number na napilitan akong sagutin.
“Miss Valderas, Binibigyan kita ng 20 minuto para lumabas ng bahay mo at magpunta sa kanto. May naghihintay sa’yong SUV na dadalhin ka sa Imperial Tower.”
“Sino to—”
Hindi ko na naituloy ang pagtatanong ko dahil binaba agad ng nasa kabilang linya ang tawag. Wala rin na sesnse na itanong ko kung sino ‘yon dahil natatandaan ko ang boses nito. Ito ang lalaking nagpunta dito sa bahay kanina.
Grabe na pati ang personal kong number ay alam nito. Mukhang wala talaga akong kawala at kailangan na sundin ko ang sinasabi nila. Ayaw kong mapahamak si Nanay kung sakali dahil sa banta sa akin kanina.
Mabilis ang kilos ko na nagbihis matapos na maghilamos ng mukha. Fresh pa naman ako dahil nakaligo na ako. Humarap ako sa salamin at maayos ang itsura ko. Hindi ko naman kailangan ng make-up at hindi rin talaga ako mahilig mag-make kapag lumalabas. Natural ang pula ng labi ko. Makinis ang maputing mukha ko na hugis puso. Natural rin ang pagka-silky ng straight kong buhok na hanggang siko ang haba.
Humugot ako ng malalim na hininga bago lumabas ng kwarto. Nadatnan ko si Nanay na nakaupo pa rin sa lumang sofa habang nakatingin sa TV. Binaling nito ang tingin sa akin na seryoso ang expression ng mukha na tiningnan ako mula ulo hanggang paa at matapos ay kumunot ang noo.
“Anak, may lakad ka ba?” tanong ni Nanay.
Ngumiti ako ng pilit.
“May tumawag po kasi tungkol sa inaplayan kong trabaho. Kailangan ko raw pong magpunta agad para sa interview.”
Mas lalong kumunot ang noo ni Nanay.
“Interview? Pero araw ng linggo ngayon. May nag-i-interview ba sa mga opisina?”
“Ay, opo, Nay. Kasi sa backoffice ng department store ang interview ko. Bukas sila kahit linggo.”
Tumango naman si Nanay at mukhang naniwala sa palusot ko at ilang sandali ay lumiwanag na ang mukha nito.
“Talaga? Aba’y salamat naman sa Diyos! Sabi ko sa’yo, may darating ding magandang balita.”
Parang may humaplos sa dibdib ko sa halo ng guilt at lungkot.
“Opo,” mahinang sagot ko. “Baka gabihin po ako. Huwag niyo na po akong hintayin. Ibibilin ko na po ang makakain niyo mamaya sa karinderya sa labas.” Sambit ko at nilapitan si Nanay na hinawakan ako sa kamay.
May karinderya kasi sa labas na binibilhan namin ng ulam at kaibigan ni Nanay. Kapag wala ako ay magsasabi lang ako na dalhan dito ng pagkain si Nanay at tsaka ko na lang ‘yon babayaran.
Kaya namang kumilos ni Nanay mag-isa. Nakakatayo na naman ito kahit wala sa wheelchair at gagamit ng tungkod. Madalas nga ay ang gusto ni Nanay ay hayaan ko na lang siya. Pero mas gusto ko kasing inaalagaan si Nanay.
“Galingan mo, anak. Alam kong para sa’yo ‘yan.” Masuyong sambit ni Nanay.
Napalunok ako. “O-opo, Nay.”
Dahan-dahan kong binitawan ang kamay niya at kinuha ang luma kong bag. Paglabas ko ng bahay ay para akong may batong nakapatong sa dibdib.
Matapos kong magbilin sa karinderya ay mabilis akong naglakad papunta sa kanto at agad kong nakita ang sinasabing sasakyan.
Isang itim na mamahaling SUV ang nakaparada sa gilid. Makinis ang pintura, tinted ang mga bintana, at tila hindi bagay sa maruming kalsadang kinalalagyan nito.
Napatigil ako. Para akong nasa maling eksena ng buhay ko.
Bumukas ang pinto sa likod at lumabas ang isa pang lalaking naka-itim na suit.
“Miss Valderas?”
“O-opo.”
“Sumakay ka na.”
Wala man lang pakiusap. Utos agad.
Napayakap ako sa bag ko bago marahang sumakay. Pagkapasok ko, sumunod agad ang lalaki at isinara ang pinto.
Mabango ang loob ng sasakyan. Malamig. Tahimik.
Napatingin ako sa bintana hanggang sa unti-unting naiwan ang eskinita namin. Nanatili akong tahimik sa loob ng sasakyan. Kulang na lang ay magpigilako ng paghinga. May katabi akong lalaki at nakaramdam ako ng takot na baka may kung ano itong gawin sa akin.
At habang palapit kami sa sentro ng lungsod ay pakiramdam ko ay mahihimatay na ako sa kaba. Halos isang oras rin ang biyahe bago kami huminto sa harap ng isang napakataas na gusali.
Nanlaki ang mga mata ko.
Sa mismong tuktok nito ay nakailaw ang pangalan ng kumpanyang ilang beses ko lang nakikita sa TV at billboards.
Imperial Group. Imperial Tower.
Nahigit ko ang paghinga ko. Ito ang mundong kinabibilangan ni Ate Samantha na hindi nito sinabi sa akin. Ito rin ang mundong sisira yata sa amin.
“Baba.”
Napakislot ako sa malamig na boses ng lalaking kasama ko. Mabilis akong sumunod dito at nanginginig na bumaba. Iginiya ako ng lalaki papasok sa building.
Pagpasok pa lang sa lobby ay nanliit na agad ako. Marmol ang sahig. Crystal chandeliers ang kisame. May mga taong naka-corporate attire ang naglalakad habang abala sa kani-kanilang gawain.
Ako lang yata ang mukhang naligaw.
Maraming matang napalingon sa akin. Sa simpleng blouse ko. Sa mumurahing sandals. Sa bag kong kupas na. Parang gusto kong maglaho.
“Sumunod ka.”
Muli akong naglakad kasunod ng lalaking naka-suit. Dinala ako nito sa private elevator. Tahimik kaming umakyat.
Bawat tunog ng pagpalit ng numero sa screen ay parang martilyong tumatama sa dibdib ko. Nasu-suffocate ako sa loob. Hanggang sa parang nabibingi ako sa taas na ng inaakyat namin. 20… 25… 30th floor at doon huminto ang elevator.
Nang bumukas ang elevator, sinalubong kami ng isang malawak at tahimik na hallway. Makapal ang carpet. Malamig ang hangin. Sa dulo ay isang napakalaking pinto na kahoy at salamin.
Dalawang guwardiya ang nakabantay roon. Binuksan nila iyon para sa amin.
“Pumasok ka.” Muling sambit sa akin ng lalaking naghatid sa akin.
Napalunok ako. Pagpasok ko ay bumungad agad ang isang opisina na mas malaki pa sa bahay namin. Sa likod ng malaking mesa ay may nakaupo na pero hindi ko nakikita dahil nakatalikod ito sa akin at nakaharap sa glass window na kita ang tanawin nang naglalakihan na building sa labas.
For sure ay ito ang sinasabi ng lalaki kanina na si Mr. Fernan Imperial. Humakbang kami ng lalaki papalapit sa mesa.
“Don Fernan, narito na po ang babaeng pinatawag nito.” Wika ng lalaki na nasa likod ko na ngayon.”
“Leave us alone.” Narinig kong sambit ng lalaki na ilang sandali ay humarap na sa akin.
Napa-awang na lang ang labi ko nang masilayan nang tuluyan ang itsura ni Mr. Fernan Imperial. Ang gwapo kahit may edad na. What more kung noong kabataan pa nito.
Mas tumindi ang kapit ko sa bag ko para doon kumuha ng lakas. Ang lakas ng kabog ng dibdib at nakayuko na lang. Hindi ko kayang maki-pag eye conteact kay Mr. Imperial. Hanggang sa narinig ko ang pagsara ng pinto at nakalabas na ang lalaking nagdala sa akin dito.
“Ikaw si Natalia Gia Valderas.” Hindi iyon tanong kundi pahayag.
Ang powerful ng boses ng matanda at parang kahit sino ay kaya nitong pasunurin… kahit ang presidente pa ng isang bansa.
“O-opo…” mahinang sagot ko.
“Ang kapatid ng magnanakaw.”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig na napa-angat ng tingin at nagtama ang mata namin ng matanda na hindi man lang ako nagawang alukin na umupo.
“S-sir… Hindi ko po alam ang tungkol doon. Kung may kasalanan man si Ate Samantha, wala po akong kinalaman—”
“Tumahimik ka!”
Dalawang salita lang iyon pero agad akong napatahimik.
“Your sister stole from us. And you… will pay for it!”
Parang akong kriminal na sinintensyahan sa kasalanang hindi ko ginawa. Gumalaw ang ulo ko at napailing ng marahan. Bumuka ang bibig ko pero wala akong lakas na magsalita.
“You’re going to pay for your sister’s mess by giving up your freedom.” Mariing banggit ni Mr. Imperial na mas kinagulat ko. “You will marry my son. It’s a legal arrangement. You’ll be his wife on paper until we track down Samantha and every single cent she stole. Think of it as a collateral. Kapag tumanggi ka, I will make sure your mother is tagged as an accomplice, and you’ll both end up with nothing!”
Bago pa ako makahuma ay narinig ko ang marahas na pagbukas ng pinto. Napalingon ako at nakita kong pumasok ang isang lalaking tila isang artista o modelo. Ang gwapo. Wala akong panahon para i-describe siya dahil sa presence ni Mr. Imperial at hindi pa ako nakaka-move on sa sinabi nito tungkol sa kasal.
Pero nawala na ako sa focus nang nagtama ang mata namin ng lalaki. Ang talim ng tingin nito. Hanggang sa bumaba ang tingin nito mula sa ulo ko hanggang paa at muling bumalik sa mukha ko. Hindi ko na namalayan na pigil na pala ang paghinga ko.
Binaling ng lalaki ang tingin sa matanda. Pero ako ay hindi ko magawang alisin ang tingin dito.
“Dad,” sambit ng lalaki “I don’t want to put a ring on a girl who probably doesn’t even know the difference between salad fork and steak knife. Hindi ako magpapakasal sa isang basura para lang linisin ang dumi ng isang magnanakaw! This is joke, right!?”