“Basura?”
Ramdam na ramdam ko ang bigat ng salitang basura na galing sa pamilya ng isang Imperial. Usually ay naririnig ko ‘yon sa mga napapanood kong heavy drama na inaalipusta ng mayaman ang mahirap na gaya ko. Pero ngayong naririnig ko na ito nang harap-harapan, mas masakit pala. Mas nakapanliliit ng dangal.
Mabilis kong inalis ang tingin ko sa lalaki. At obvious na ito ang anak ni Mr. Imperial na ipapakasal sa akin. Si Ronan Imperial. Ang lalaking tila kinuha ang lahat ng kapangitan ng ugali sa mundo para lang punan ang kanyang napakagwapong mukha.
Grabe. Sandaling titig lang ang ginawa ko dito ay parang tumatak na sa akin ang itsura nito. Pero kahit gaano yata ito ka-gwapo ay ito ang uri ng lalaki na never ako ma-fall in love. Porque ba mayaman ito ay magiging mapang-mata na ito?
“Yes, Ronan. Basura,” malamig na sagot ni Don Fernan. “At dahil hinayaan mong manakawan ang kumpanya sa ilalim ng pamamahala mo, wala kang karapatang mamili ng papakasalan. This is your punishment.”
Hindi ko maiwasan na muling mapatingin sa lalaki na Ronan ang pangalan. Bagay dito ang pangalan nito na ang masculine sa pandinig. Well, sa tindig nito ay masasabi kong siguro nga ay ang katawan nito ay maganda. Kahit nakasuot ito ng suit ay sure akong maganda ang pangangatawan nito. Matangkad din ito na sa tingin ko ay 6 footer ito.
Mas nagkaroon pa tuloy ako ng time na titigan si Ronan. Naninigas ito sa kinatatayuan kasabay ng paggalaw ng panga nito sa tindi ng pagkakadiin. Pero ang perfect ng facial features nito. Mula sa matangos nitong ilong at labi na mamula mula pa. Maitim ang buhok nito at makapal na naka-style ng maayos, pero may ilang hibla na nahuhulog sa noo nito na nagbibigay ng dangerous boy vibe.
Pero nang napatingin ako sa mata ni Ronan ay nakaramdam na naman ako ng takot dahil sa talim no’n na nakatingin sa ama nito. Ayoko nang tapunan pa ako nito ng tingin kaya binalik ko na lang ang baling ng mata ko kay Mr. Fernan Imperial na nakita kong masama rin ang tignin sa anak nito.
“Punishment? Dad, I’ve worked my as$ off para lang makuha ang respeto mo! Tapos ngayon, itatali mo ako sa kapatid ng babaeng kriminal? Is it because you still see me as a mistake that you need to punish?” mataas ang baritonong boses ni Ronan.
“Enough!” Marahas na hinampas ni Don Fernan ang mesa nito na umalingawngaw sa buong silid na nagpatahimik maging sa paghinga ko. “Huwag mong gamitin ang pagiging illegitimate son mo para magpaawa. You failed the Imperial name when you let that hundred million slip away. Now, you will marry her to fix the image of this company, or you can walk out of this door with nothing but the clothes on your back. Choose.”
Ang katahimikan sa loob ng opisina ay mas naging mabigat pa. Mula sa peripheral vision ko ay alam kong tumingin si Ronan sa akin. Napalunok na lang ako. Pero hindi ako nag-abala na lingonin ang lalaki.
“Fine,” bulong ni Ronan, ang boses ay puno ng lason. “I’ll marry the trash. Pero huwag kang magrereklamo kung paano ko siya itatrato sa loob ng pamamahay ko.”
“Get out, Ronan,” pagtataboy ni Don Fernan na hindi man lang tiningnan ang anak at doon na nakatingin sa laptop nito. “Now.”
“D*mn it!” Narinig ko na lang na mariing mura ni Ronan.
Hindi man ako nakatingin dito ay dinig na dinig ko ang yabag nito na sobrang bigat at halatang galit.
Isang marahas na pagbalandra ng pinto ang sumunod. Naiwan akong nanginginig ang mga balikat, halos hindi makapaniwala na naging saksi ako sa ganon katinding pag-aaway ng mag-ama.
“Don’t mind him,” wika ni Don Fernan na matiim nang nakatingin sa akinat mukhang binabasa ang bawat takot sa isip ko. “Ronan is... difficult. Pero wala siyang magagawa. My word is law.”
Tumigil siya sa mismong tapat ko. “Natalia, let’s be clear. You have one week. Isang linggo para ayusin ang mga gamit mo at ihanda ang sarili mo. After seven days, a car will pick you up. You will marry Ronan in a private civil ceremony.”
“S-sir... paano po ang Nanay ko? May sakit po siya… kailangan niya ng gamot, ng maintenance. Sino po ang mag-aalaga sa kanya kung kukunin niyo ako?” mahina kong tanong.
Hindi ko alam kung bakit ‘yon ang lumabas sa bibig ko. Parang ngayon pa lang ay ini-ensure ko na ang pagpayag ko. Wala eh, naunahan na ako ng takot.
Isang mapait at tuyot na tawa ang pinakawalan ni Mr. Fernan at matapos ay sumandal sa swivel chair nito.
“Frankly, Miss Valderas, wala akong pakialam sa nanay mo. I’m not running a charity here,” sambit nito na umiiling iling pa. “Kung gusto mo ng pera para sa nanay mo, magtrabaho ka. You will live in Ronan’s mansion as his wife in the eyes of the public, but inside that house? Magtrabaho kang katulong ng asawa mo. Serve him. Clean for him. Do whatever it takes. Doon ka kumuha ng sweldo na ipapadala mo sa nanay mo.”
Napanganga ako. Magiging asawa ako sa papel pero katulong sa loob ng bahay?
“You have one week,” patuloy ni Don Fernan. “Isang linggo para ayusin ang mga gamit mo. After seven days, a car will pick you up. Kapag tumanggi ka o nagtangka kang tumakas, isasama ko ang nanay mo sa ikukulong ko bilang accomplice ni Samantha. Clear?”
“O-Opo...” mahina kong sagot na lunod na sa kawalan ng pag-asa.
Ilang sandali lang ay natagpuan ko na lang ang sarili kong lumalabas ng Imperial Tower na parang lumulutang ang isip. Gustong gusto ko nang umuwi ng bahay at magkulong sa kwarto ko. Gusto kong matulog at baka sakali na panaginip lang ang lahat ng ito. Parang ilang araw pa ang aabutin bago tuluyan na mag sink in sa utak ko ang lahat ng ito.
Wala akong choice kung hindi ang magpakasal at never pa pumasok sa isip ko na ikakasal ako sa murang edad. I’m just 23-year old. Ang dami ko pang pwedeng gawin sa buhay bago itali ang sarili ko sa kasal. Ni ang mag-boyfriend ay hindi ko pa nga naiisip. Nagkakaroon ako ng crushes, pero hanggang doon lang.
Hindi ko alam kung paano ko nagawang harapin si Nanay pagkauwi ko ng bahay, pero pinilit kong itago ang lahat ng sakit.
“Natalia, anak? Mukhang matamlay ka yata?” bungad ni Nanay habang nag-aayos ng mga gamot.
“Ah, Nay... pagod lang po sa biyahe. S-sabi po ng in-applyan ko, kailangan ko raw mag-training sa probinsya starting next week,” pagsisinungaling ko. “Malaki po ang sweldo, Nay. Kasya na po sa lahat ng maintenance niyo.”
Niyakap ako ni Nanay na hindi nito alam ang totoong presyo ng perang ipapadala ko sa kanya. Ang presyo ay ang sarili kong kalayaan. Gumanti ako ng yakap dito at nagpipigil ako sa napipinto kong pag-iyak.
Parang hindi ko kayang tanggapin na kailangan kong iwan muna si Nanay. Tsaka ko na iisipin ang magiging set-up. Baka mamaya ay maghimala ang Diyos at biglang magpakita si Ate Samantha at ayusin ang gulong ginawa nito.
Kahit anong tawag at text ko kay Ate Sam ay hindi na talaga ako nito sinasagot.
Matapos ang konting usapan namin ni Nanay tungkol sa magiging trabaho ko ay nagpaalam na akong papasok ng kwarto ko.
Lumipas ang araw hanggang kinagabihan na. Pinilit ko ang pag-alis sa isip ko ng tungkol kay Ate Samantha at mga Imperial. Nag-asikaso ako kay Nanay hanggang pareho na kaming pumasok sa kanya kanya naming kwarto.
Hirap akong dalawin ng antok at ilang biling na ako sa kama ay hindi ako makatulog. Nang tiningnan ko ang oras ay pasado alas onse na. Bumangon ako sa pagkakahiga ko at nagpasya akong magpunta ng kwarto ni Nanay.
Mapait na lang akong napangiti nang nakita kong mahimbing na ang tulog nito.
“Ang pobre kong nanay…” usal ko.
Kulang na lang ay manggilid ang luha ko dahil bigla ko na naman na naisip kung paano ito kung wala ako sa tabi nito. Huminga ako ng malalim at umiling.
“No! Baka may paraan pa!” Giit ng isip ko.
Nagpasya akong lumabas na ng kwarto ni Nanay. Pagkasara ko ng pinto ay bigla akong nakarinig ng malalakas na katok. Nanlaki ang mata ko at nagmamadaling nagpunta ng pinto dahil baka magising pa si Nanay.
Nagtataka naman ako kung sino ang pupunta ng ganitong oras. Pero biglang umasa ang puso ko na si Ate Samantha ‘yon. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko nang hinawakan ko ang door knob.
Pero napasinghap na lang ako nang makita ko ang lalaking nakatayo sa labas ng pinto namin.
“Sh*t!”
Walang iba kung hindi ang lalaking kanina lang ay nilait lait ako.
Ronan Imperial. Na matalim pa sa ku+sily* ang tingin sa akin.
“A-anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman ang—”
Hindi na ako pinatapos ni Ronan. Marahas nitong itinulak ang pinto para tuluyang makapasok at napaurong ako sa gulat. Gusto ko sanang humakbang paatras pero hindi ko na ‘yon nagawa dahil hinawakan ako nito sa panga at tinaas ang mukha ko para mapilitan akong tumingin dito.
“Back out, woman, or I will make your life miserable!” sambit nito na lalo pang hinigpitan ang hawak sa panga ko.