Nakatingin lang si Paxton sa Emperor ng East bound, hindi nya akalain na isa itong doktor hindi lang sa loob ng Underground pero may careet din ito sa labas. Hindi lang maintindihan ni Paxton kung bakit ibang pangalan ang gamit nito at hindi ang totoo nitong pangalan. Humarap si Orlin kay Leviticus at itinuro si Uncle Henry na nagulat sa ginawa nito. "His the father of the patient." pahayag ni Orlin na ikinatango ni Leviticus "Follow me sir!" agad na tumalikod si Leviticus at bago sumunod si Uncle Henry ay humarap muna ito kay Orlin at nagpasalamat. Nagpaalam si Uncle Lucian kina Paxton na sasalubungin ang pagdating ng puso na gagamitin kay Irish. Masaya si Paxton dahil madudugtungan na ang buhay ng mahal nya pero nangangamba sya sa banta ni Uncle Henry lalo na sa sinabi ni Uncle Luc

