"Always be aware for the enemies whose ready to attack and do they wicked plan, don't let them have their way for danger is waiting." MS.R.A Chapter 41 "WAAAHHHHH! I'M GLAD OKAY KA NA! TINAKOT MO KO TANYA, AKALA KO IIWAN MO NA AKO!!" Napuno ng malakas na iyak ni Mel ang bawat sulok ng kwartong kinalalagyan ni Irish na ikinangiwi ni Demon, lihim na ikinatakip ni Devil sa magkabila nyang tenga habang hindi malaman ni Orlin kung paano patitigilin si Mel. Magkatabi lang na nakatayo si Uncle Henry at Uncle Lucian habang kina Irish nakatuon ang atensyon. Nasa gilid lang ng kama ni Irish si Paxton na nakaupo habang hinahagod ni Irish ang likuran ng kaibigang umiiyak na nakasubsob sa kanya at mahigpit na nakayakap sa kanya. Alam nyang masyado nyang pinag alala ang mga taong mahalaga sa kanya

