Chapter 7: AUTO SERVICE

2247 Words
"K-karo..." "Yes kara? tapos ka na ba gumamit ng restroom?" Ang taimtim na sagot ni karo, matapos ang ilang minuto nitong pag hintay sa dalaga. "A-ano kasi..." "Hm?" Dugtong pa ng binata, habang ang kanyang atensyon ay patuloy pa rin nakatingin sa monitor screen at ginagalaw ang controller upang mailapit nito ang cctv sa mga nakaparadang kotse. Samantala ang kasama naman nitong babae na si kara, ay patuloy pa rin nakatuos sa kanyang pwesto habang pina-pakiram-daman nya ang matulis na bagay na nakatutok na sa kanyang leeg. Ni tila'y hindi ito makapag isip nang paraan kung paano sya maka-kalayo sa kanyang sitwasyon, sapagkat pabulong na pinag ba-bantaan din ito nang taong may hawak ng cutter... "I see, even on this kind of situation may sarili ka pa rin mundo, aren't you, nerd?" Subalit hindi rin naman ito nag tagal nang makuha nang isang estrangherang babae ang kanilang atensyon, dahilan rin upang biglang mahinto si karo sa kanyang ginagawa at marahan napalingon sa kanyang likudan. "Hahahahaha!" Sabay ang naka-kalokong tawa nang lalaki na syang may hawak kay kara. "Akalain mo yun hindi ka pa naging katulad nila!" Dugtong pa nito hanggang sa mapahigpit din ang kanyang pag corner sa dalaga gamit ang kanyang balikat, hudyat upang mapadaing ito. "Kara—" "Hep, hep, before you act like a hero, pansinin mo muna kung asan ang kinala-lagyan mo ngayon nerd, or else matutusok ito sayo." Agad na singit nang isa pa nilang kasama, na tila'y ngayon lang napansin ni karo ang tinutukoy nito, yun ay ang hawak rin nitong cutter, na nakatutok na pala sa tagiliran ni karo. Mariin tuloy napatingin ang binata sa kanyang katabi bago ito umatras nang ilang pulgada. "What do you want...Rianne." Pagkaraan na tanong nito dahilan upang mapangisi ang babae sa kanyang narinig at walang pasubaling pinaglaruan ang cutter sa kanyang kamay. "Bakit mo pa ba tinatanong yan, I'm sure you know what I want, nerd..." "And I don't want to give that to you.. that's my answer..." "ha! I know you will say that, kaya nakahanda rin kami, right spike?" Mapang-asar na litanya nito sabay baling sa lalaki na syang may hawak kay kara at sa pagdaan nang ilang segundo ay agad nitong dinaplisan sa pisngi si kara gamit ang hawak nitong matalim na bagay. "hmng!!" impit na hapdi ng dalaga, pinipilit na makagawa ng ingay, pero bago pa ito lumala ay agad inilapag ni karo sa kanilang harapan ang bag nilang dala. "that's enough already ayan na ang pakay nyo." Mabilis na litanya nd binata habang mariin na nakatingin kay spike na ngayon ay mas lumaki pa ang ngisi sa labi habang ipinakita nito ang cutter na may bahid ng dugo ni Kara. "Hmm, nice decision there nerd, ang akala ko may kailangan pang mamatay para makuha lang ito." Saad ni rianne habang kinuha ang unang bag sa lapag na pag ma-may-ari ni kara, at agad inilagay sa lamesa upang simulan halungkatin. Ngunit nang makaraan ang ilang segundo, tuluyan nawala ang ngisi sa labi ng dalaga matapos nito makita ang mga laman sa bag ni kara. "is that it!? Ito lang talaga ang naisipan mong dalhin!? ni wala man lang weapon para mapatay ang mga disgusting creature sa labas?" Angal pa nito habang taimtim lang naman pinag mamasdan ni karo ang dalawa at nag iisip kung paano nya maililigtas ang kanyang kasama. Hindi kasi nito akalain na ang tinutukoy pala nyang meron pa silang kasama sa first floor ay ang kagrupo ni mosker. Na sa dinami-raming estudyante sa campus silang dalawa pa ang kanilang na tyempuhan. "F*ck it! give me the other bag!" Irita na utos ni rianne, tinutukoy ang bag ni karo na nasa sahig. "K-karo..." Litanya ni kara sabay iling dito upang sensyasan ang binata na wag sundin ang kagustuhan ni rianne. "Wag mong ibibiga—ah!" Ngunit bago pa man mabuo ang kagustuhan sabihin ni kara ay agad rin itong naputol ni rianne sa pama-magitan nang pag sampal sa pisngi, pero kahit ganoon ay nagawa pa nitong pandilatan nang malaki ang kanyang kaharap na para bang nag papahiwatig ito na humanda sya kapag sya'y nakatakas. "What!? you want to beat me?" "Isn't it obvious rianne? pasalamat ka may kasama kang aso dahil kung wala mas masahol pa sa filthy creature na yun ang kaya kong gawin." "What did you say—ack!" Agad na singit rin sana ni spike na balak ulit saktan si Kara, pero bago pa man mangyari yun ay agad itong natamaan ng bag sa mukha. "You!" Galit na sambit nito kay karo na syang salarin matapos ito maka recover. Pero isang bagot na tingin lang naman ang naibigay ni karo. "Gusto nyong iabot ang bag diba? Ayan binigay ko na anong kinakagalit mo?" "Malala na ba talaga nang sobra ang iyong pagka inutil!? ang sabi ko ibigay mo pero hindi ibato, tarant*do!" "Ganun na rin yun, ngayong nabigay ko na bitawan mo na si kara." Suhestyon ni karo, pero imbis na gawin ay nagawa lang ulit nitong tumawa sa sinabi ng binata hudyat para mapakunot noo si karo. Hindi dahil sa nairita sya sa tawa kundi nag aalala sya dahil baka marinig ito nang mga creature sa labas. 'This is not good, balak ko pa naman sana sila isama sa pag alis, pero mukhang hindi na ata matutuloy dahil baka ito pa ang maging dahilan para mahanap kami nang mga halimaw.' "f*ck, that's really hurt. Ano bang laman ng bag nya?" Pag patuloy na angal ni spike habang si rianne naman ay kinuha na ang bag at nag reklamo rin sa huli nang maramdaman nya ang bigat nito. "Seriously? Nasaan lupalop ba kayo at ganito ang mga dala nyo? pupunta ba kayo sa camping? Field trip? hiking? Ano!? ni wala man lang armas na dala ang mga ito! kahit sa ganitong sitwasyon mas matimbang pa rin talaga sa kanila ang hindi manakit? like f*ck akala mo talaga hindi kaya makabasag pinggan." Iritang litanya pa ni rianne habang wala man lang kamalay-malay ang dalawa na, may kinuha pa lang ang binata bago nito binato ang bag. at sa ilang minuto lamang ay naisipan na nyang i-set ang hawak-hawak nyang huling alarm clock bago kinuha ang atensyon ng dalawa. "You know what, naka-ka-aksaya lang sa oras ang pakikipag bangayan sa inyo." Panimula ni karo at sabay na nag lakad palapit sa mga ito. "You, aren't you being stupid? what are you doing!?" Galit na anas ni rianne habang napahawak ulit sa kanyang cutter nang mapansin nyang malapit na ang binata sa kanilang pwesto. "Simple, kung ayaw nyong palayain si kara, sabay-sabay tayong maging paen sa mga halimaw." Ngunit bago pa man tuluyan makalapit ay agad din itong huminto kasabay nun ang pag lapag ng alarm clock sa mesa dahilan upang manlaki ang mata ni rianne. "Y-you've got to be kidding me." "No I'm not. I already set the alarm and in 10 minutes tutunog na ito." Turo pa ni karo sa button hudyat para mabilis tumakbo si rianne palapit sa kanya upang sana abutin ang hawak nitong alarm clock. Subalit imbis na iyon ang mangyari ay ibinato agad ito ni karo sa mukha ni spike dahilan upang ito'y tuluyan mabalanse at mabitawan si kara. "Spike!" Tawag ni rianne at balak sana lapitan ito ngunit bago pa mangyari yun ay isang marahas na pag hawak sa braso ang nakuha nya galing kay kara sabay ipit nito sa din-ding nang hindi nya ina-asahan. "Ouch!" "How's the taste of the wall?" Prangkang tanong pa ni kara na akala mo'y hindi ito galing sa p*******t ng dalawa. Mabuti na lang din ay hindi nahulog sa sahig ang orasan kaya hindi ito nakagawa nang ingay pero si spike ay patuloy pa rin nakahilata sa sahig. "Quick, get the rope nang matali na ang dalawang ito." Mariin na litanya ni kara habang gini-giit pa rin ang taong hawak-hawak nito. --------------------- Samantala, sa kabilang room naman, na tina-tawag nilang auto service center, sapagkat dito nila inaayos ang iilang shuttle bus na pag mamay ari ng school, ay tila may nire-resulba rin problema. "Ano na brian, hindi pa ba matatapos iyan? Kailangan na natin umalis ngayon din, baka kung mapaano na ang pamilya ko." "Pwede bang manahimik ka muna? Dalang-dala na kasi ako sa pag r-reklamo mo. Kung nag mamadali ka wala naman pumipigil sayong umalis." "Anak nang p*cha naman! Kung ina-ayos mo kasi ang trabaho mo hindi naman ako mag re-reklamo nang ganito, at bakit ka ba ganyan sumagot kaya mo na ba kalabanin ako ah!" Sabay marahas na higit nito sa kwelyo ng damit na kausap nya. Balak pa sanang sagutin ulit ito nang nag nga-ngalang brian subalit hindi na natuloy nang may biglang estranghero ang pumagitna sakanila. "Desidido na ba talaga kayong dalawa na sayangin ang oras nyo mag away sa gitna pa ng sitwasyon natin?" "Eh ito naman kasing kasama nyo boss ang bastos! Parang hindi ata ako kilala bilang principal sa campus na tina-tapakan nya." "Hindi ah! bakit ko naman ka-kalimutan ang taong katulad mo!? eh halata naman kabilang ka sa mga walang kwentang tao na inu-una lang ang sarili nila na akala mo kung sino ng diyos dahil lang sa posisyon, pwe!!" "Brian!" " Sumusobra na talaga ang batang ito!" " Hah! wag ka mag alala mas matimbang pa rin ang laki ng tyan mo at kapal ng mukha, dahil imbis na ginagawa mo ang responsibilidad mo ngayon ito patuloy ka pa rin sa pag ngawa, at nagawa mo pa talagang gamitin ang pamilya mo na akala mo'y hindi tumitikim nang ibang putahe—" *Blag— "Ayyy!" "hintuin nyo! hintuin nyo!" Ang tuluyan pag halubilo nang iilan manunuod matapos suntukin nang tinatawag nilang principal si brian, na kilala isang working student sa campus. "Hays, bakit ba kailangan pa nila haluan nang ganito ang mga nangyayari?" Tanong nang isang babaeng estudyante sa ere, habang tahimik lang na naka-upo sa madilim na parte. Halata sa itsura nito ang pagod at takot, na parang klaro rin sa suot nya ang kanyang pinag-daanan sa loob ng campus. "Dahil dala na rin sa ngamba at takot." Sagot naman nang isa na mukhang hindi ina-asahan ng babae kaya wala sa oras na napatingin ito sa sumagot nang katanungan nya. At nang mapansin nya ito, ay agad nyang nakilala ang salarin. Isang malumanay na ngiti lang naman ang binungad nito sa kanya, subalit ito'y naging sanhi sa mabilis na pag iwas ng babae. "I-ikaw pala. f-flank." Ang nauutal nitong pagbati sa binata, hindi naman masyadong halata sa kinikilos ng dalaga na may pag tingin ito sa kanyang kausap hindi ba? Lalo na't ang kaninang paralisa nyang sarili ay ngayon tila'y na conscious pa sa kanyang itsura. Pero para sa binatang si flank, natutuwa ito sa kanyang nakikita, sapagkat ang pahiwatig lang yun ay walang masamang nara-ramdaman ang kausap nya. Dahil kung tutuusin mas gugustuhin nyang makita ang babae na masigla kumpara sa kanina na parang nawalan ng pag-asa. "Hindi ko na pala kailangan mag pakilala pa, ikaw ba anong pangalan mo?" "E-elaine..." "Nice to meet you elaine, uhm...12 year senior high?" "E-eleven pa lang, arts and design po ang strand." "Uy parehas pala tayo. Ano pala ang specific course na kukuhain mo pag dating ng college?" "Balak ko po maging painters." "I see, sa tingin ko magiging kilala ka na isa sa magaling na painter dito sa mundo." Masayang pahiwatig ni Flank na tila'y hindi ina-asahan ni Elaine, dahil kahit hindi pa nito nakikita ang mga gawa nya ay parang may tiwala na ang binata na sobrang ganda ang kanyang mga nili-likha. "H-hindi naman po siguro, may mas magaling pa po sakin...At tsaka po sa tingin ko sa susunod na araw hanggang sa maging taon...ay wala nang maka-ka-appreciate pa ng arts dito sa mundo..." Magalang na sagot naman ni Elaine habang tinutukoy rin nito ang kanilang kalagayan. Hudyat para manlumo rin saglit si flank sa kanyang narinig. Dahil kahit sya ay hindi nya rin alam kung mara-ranasan din ba nya maging college students o magiging worth it pa ba ang kanyang pinag hirapan upang ma-achieve nito ang pina-pangarap nyang maging digital artist. "Pero alam mo Elaine. Wala pa naman nag babawal kumuha nang pag-asa at maniwala eh...maniwala na mata-tapos rin ito at pag asa na maka-kamit at may maka-katuklas pa rin kung paano nakuha ang mga pangarap natin." Wala sa wisyong bigkas ni flank habang malayo ang tingin, kahit na dapat ay hindi ito ang iniisip nya ngayon. Ngunit, para sa kanya hindi ba pwedeng mag pahinga muna saglit? Sapagkat sa mga natuklasan nya ngayon ay tila parang namatay na rin ito dahil ang lahat nang ala-ala at pangarap nya ay nag pakita lahat na para bang huli na nya itong masisilayan. "Stop saying bullsh*t!!" Ang mga salita na umalingaw-ngaw sa paligid hudyat para makuha nito ang atensyon nang lahat. Hanggang sa pati rin ang mga creature na walang magawa sa labas ay napukaw rin. "Arrghh...." Subalit parang hindi ito napansin nabg mga tao sa loob, sapagkat abala pa rin sila sa pano-nood nang away na nag mumula kayla brian at sa principal. Habang si Flank naman ay wala sa wisyong napa-isip kung kamusta na ba ang kalagayan nang kanyang matalik na kaibgan si Karo. Kahit pa-paano ay hindi rin maiwasan ng binata mangamba sapagkat kilala nya ito na hindi gaano naki-kipag laban, sa grupo pa nga lang ni mosker ay tila nagiging basahan ito, sa mga unknown creature pa kaya. Pero dahil sa determinado na pinapahayag ng mata nito kanina, ay tila nasi-siguro ni flank na meron nala-laman ang kanyang kaibigan sa mga nangyayari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD