Chapter 8: ENOUGH WITH THE DRAMA

2045 Words
"If you're willing to die then die! But if you're willing to live then live! Bakit ba lahat nang mga mali na nangyayari sa buhay ninyo ay lagi nyo na lang sinisisi sa oras at sa paligid!? Like hell! mas mabuti pang i-donate nyo na lang ang utak nyo sa may mabuting pagi-isip kaysa sa masayang! Magaling lang kayo manisi pero ni hindi nyo man lang muna inobserbahan ang inyong sarili." Mariin at Galit na angil ni brian, na tila'y hindi pa rin tapos ang kanilang away sa loob ng auto service... "Ano naman kung isa lang akong estudyante!? Ginagawa ko lang naman ito para makapag aral nang mabuti? Wala na ba akong karapatan para ipaglaban ang aking sarili?" Dagdag pa nya dahilan upang ang kanyang kasama ay naubos na rin ang kanyang pasensya upang intindihin ito. "Brian!" "Ano!? Isang bastos na naman ba ang aking sinabi!? ano bang ibig sabihin sa inyo ang salitang bastos? Ang ilaban ang sariling pananaw sa makitid na utak nang naka-katandang yan? pero ang ginagawa nilang kaba-balaghan sa hindi nila kilalang kaba-baihan ay ayos lang? Dahil sa ano? sa rason na sila'y lalaki lamang? Put*kteng pananaw yan! Ni hindi mo na nga ako hinayaan makagante sa taong iyan! kahit na hindi mo naman alam ang nangyari pero ako pa rin itong mali!? porket sya'y kasing edad mo!?" Ngunit hindi pa rin ito nag papigil at patuloy pa rin sa pag salita si brian sa kanyang kausap, kahit na ang mukha nito ay halatang napuruhan ng suntok ay nagagawa pa rin niyang mag salita nang pasigaw. Hanggang sa ang taong humihinto sa kanya ay napatikom na lang ang bibig habang ang principal naman ay gigil pa rin na nakatingin sa kanya. Tila naging sanhi rin ito para ang mga creature ay mas lalo pang napalapit sa kinala-lagyan nila. Ngunit gaya lang nang una ay hindi pa rin nila ito napa-pansin. "Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang kagustuhan na mabuhay lalo na't sa kinalalagyan natin ngayon, pero bakit sa ganitong sitwasyon ay kailangan may inuuna pa rin imbis na pantay-pantay? At dahil sa hindi lang makamit ang kagustuhan kailangan dapat may mag sakripisyo ng buhay?" "A-anong ibig mong sabihin." "Nang dahil sa taong yan muntikan na mahagip nang makina ang aking kamay! Akin na sana iyon hahayaan dahil hindi naman nangyari pero ngayon muntikan na naman hindi ko na yun pa-palagpasin." "Ang dami mong reklamo pero wala naman nangyari sayo." "Dahil gusto kong mabuhay! Wala akong pakielam sa pag babanta mo na kung may ano man mangyari sa pamilya mo ay hindi ko na yun kasalanan, nang kung sino man, at lalo na ang oras. dahil kung gusto nilang mabuhay mag sumikap silang mabuhay!" "Para sayo madali lang sabihin yan! Pero hindi ka isang bathala na akala mo may mag babago talaga kung gagawin iyon!" Angil ng principal habang ang mukha nito ay mas namumula pa sa galit. "Nagagawa mong mag sumikap at gumawa nang paraan pansarili lamang, pero ang mabuhay kailangan iasa sa iba? Ang dali mong mag reklamo sa mga bagay na hindi mo gusto na akala mo'y walang silbi, pero ang bilis at kayang mo gumawa nang maling dahas kapag mabi-bigyan ngiti ang iyong labi!?" Prangka pang sagot ni brian hanggang sa nag patuloy pa talaga sila sa bangayan. Hahayaan na sana ni flank ang mga ito pero nang biglang napansin nya ang ingay na nang gagaling sa bubong papunta sa dinding ay doon ito nag simulang mag taka. Ang akala kasi nito ay isang patak ng ulan lang iyon, pero nang mag simula rin kumalabog ang ding-ding ay doon nya sinimulan pagmasdan ang paligid at laking gulat nya na isang pulang mata ang bumungad dito. "Arggh!!! arrrrrhhh!!" Ang naka-katakot na sigaw ng halimaw pero dahil nasa-sabayan ito nang sigaw galing sa away nila brian, ay hindi nila ito marinig. "E-everyone they're h-here!" Nau-utal na litanya ni flank, ngunit hindi sya naririnig habang ang katabi nito ay nag takang napatingin sa kinikilos ng binata. Pero hindi rin naman iyon nag tagal nang sinundan nito ang atensyon ni flank at isang galit na creature ang pilit na gustong pumasok sa butas na dinding ang kanyang nasaksihan. "a-ah..ahh-mmphh!!?" Impit na sigaw nito matapos takpan agad ng binata ang kanyang bibig at sinenyasan na wag gumawa nang ingay. "it's better na hindi tayo makagawa ng panick sa loob Elaine, kaya kahit naka-katakot swear to me na hindi ka sisigaw." Marahan naman napatango si elaine sa kagustuhan ng binata kaya agad nang inalis ni flank ang nakaharang nyang kamay sa bibig nito. "You want to be a famous artist right?" Dagdag pa ni flank, habang ang kanyang atensyon ay nasa mga halimaw na ulit at mariin napatingin dito, sapagkat sa tingin nito ay malapit nang bumigay ang pader dahil sa gina-gawang pagpilit na pumasok nang mga unknown creature. "Y-yeah." "Kung ganoon, I command you to find a great weapon na maka-katulong sa sarili mo laban sa mga yun." "P-paano ikaw?" Nag aalalang tanong nito nang mapansin ni Elaine ang gagawin ng binata na pag layo sa kanya, pero imbis na sagutin agad ito ay kanya lang muna itong nginitian sabay itinuro ang mga taong nag ku-kumpulan. "it's time to end their drama, Elaine. Dahil oras na para sa action naman." *Blag— Pag bibiro pa ng binata na nag pangiti sa kanyang kausap at agad tumango bago sila sabay na tumahak sa ibang direksyon. *Blag— Habang papalapit na papalapit si flank sa pwesto nila brian ay labis ang irita nito sa dalawa, sapagkat kahit rinig na dito ang kalabog na nang gagaling sa mga halimaw ay tila mas inuuna pa rin nila ang away imbis na dapat ayusin na ang shuttle bus upang maka-alis na sa lugar na ito. *Blag— "Can you please stop it already." Mariin na singit ni flank sa kanilang usapan kasabay ang pag pwesto nito sa pagitan ng dalawa. *blag— taka naman napatingin ang mga ito sa binata at mag rereklamo na sana pero hindi ito natuloy nang itinaas ni flank ang kanyang kamay. "Did you all hear that, loudly and clearly?" Dugtong pa nito kasabay ang patuloy na ingay na puma-palibot sa paligid. *Blag!! "Arrghh!!" *Blag!!" "Th-that's—" "Yeah, you're right. they're already here, dahil sa kagustuhan nyong mapansin pati sila na attract nyo na rin." "a-aah—" "Don't you dare shout, kung ayaw mong maengganyo pa sila." Pigil ng binata na labis ikinagulat nang lahat hanggang sa klaro na sa mga itsura nito ang takot at kaba. Na kahit ang nag mamatigas na si brian ay tila napako sa kanyang pwesto, kaya bago pa man tuluyan silang maging pagkain ay agad itong itinapik ni flank. "If you want to live then live...Ayan ang sabi mo diba, then siguro naman alam mo na ang gagawin?" prangkang anas nito dahilan para marahas tinabig ni brian ang kamay nya. "I know!" "Good, then if you all want to live, don't just stand there and find your weapon! sa mga may kayang tulungan na ayusin ang shuttle bus wag na kayo mag hintay pa nang bukas at kumilos na rin!" Pasigaw na utos ni flank, na umalingaw-ngaw talaga sa paligid, kaya ang mga natustos nitong mga kasama ay bigla rin nagising sa ulirat at mabilis na nagsi kilos, na kahit ang binata ay tumulong na rin sa pag ayos ng shuttle bus. Dahil bukod sa gusto nitong mabuhay ay sakanya rin naka-salalay ang pina-hintulot ni karo kanina, yun ay mag handa nang plano para sa paglakbay. Kahit na kanina ay tila nawalan ito nang pag asa, kahit pa-paano mahimas-masan sya sa sinabi nang working student na si brian. Kasabay yun ang kanyang na realize na mas mabuting ibigay na lang ang lahat sa abot nang kanilang maka-kaya bago ito ipaibuya sa mundo. Dahil kung tutuusin sila rin ang kikilos upang marating nila ang daan na inilaan para sakanila. ****** "Are you really sure that this is enough, karo?" " I guess? Kahit sumigaw at mag ingay man sila hindi naman ito maririnig." Sagot ng binata sa tanong ni kara. Matapos kasing malagyan nang lubid ang katawan nila spike at rianne naisipan rin nito na takpan din ang kanilang bibig para kung sakali ay magulat o matakot sila sa mga mangyayari ay malaya silang sumigaw. "I see, now you heard that right? kaya wag ka na mag inarte dyan at ipatakip na yan bibig mo." Bukod nga lang kay rianne na ilang segundo na ata ang nakalipas ay hindi pa ito nalalagyan ni kara ng packing tape, dahil bukod sa makulit ay naga-gawa pa nitong kagatin ang nana-nahimik na kamay ng dalaga. "Dream on! Kahit ano mangyari hinding-hindi ako mag papalagay." "Yung totoo pinaglihi ka ba sa unggoy? ang kulit mo eh, wala naman nag hahangad ng sagot mo, hindi rin ito favor kaya sumuko ka na." " I said never!" Ang pag papatuloy ulit na bangayan ng dalawa, hindi tuloy mapigilan ni karo mag isip, kung talaga bang kawawa si kara sa kamay ng babaeng ito o baka naman parehas talaga silang palaban ngunit nalamangan lang sa rami nang kasama? "Ouch!" Daing na naman ni kara, matapos ulit mahuli ni rianne ang daliri nya at walang pinalagpas na oras na kagatin ito. "You! piranha!" Mahi-himigan ang inis na litanya ng dalaga sabay walang anu-ano ay kumuha ito sa tape nang mahaba, na tila nag papahiwatig ito na ubos na ang pasensya nya. "Kung ayaw mo madaan sa maayos na paraan edi sa dahas na lang!!" "K-kara?" Hindi makapaniwalang anas ni karo dahil sa kanyang narinig subalit huli na ang kanyang pagtankang pigilan ito dahil ngayon ay naka ibabaw na si kara kay rianne na hanggang ngayon ay iniiwasan pa rin ang tape. "Ano ba! bakit ka ba namimilit!?" "Dahil ayaw mong sumunod!" "Ano bang mahirap intindihin sa ayaw!?" "Wala, wala kang permiso na mag hindi!" Palitan na sagot nila, na kung tutuusin ay ikinaba-bahala na nito ni karo, sapagkat kahit pabulong ang kanilang bangayan eh tila parang naka-kalimutan na nila ang kanilang kinalalagyan. Kaya bago pa man ito lumala ay sumingit na agad si karo sa usapan nila... "Guys, enough masyado nang malakas ang boses—" *ringgggg!!!!!— Para lang magulat ang mga ito, dahil ang nana-nahimik na alarm clock ay bigla na lang tumunog. At kasabay pa yun ay malapit na sana malagay ni kara ang tape, subalit hindi na ito na tuloy dahil parehas sila ni karo napalapit sa alarm clock. "H-hey! hey, where are you going don't—" "Aarggghhhh!!!!" Singit ng creature sa sasabihin ni rianne matapos nitong pigilan si kara sa pag alis. At dahil dun agad rumagasa ang takot sa katawan nito nang marinig nya ang boses ng halimaw. "Ano ba alisin mo nga yang hita mo!" Pabulong na reklamo ni kara nang harangan ni rianne ang kanyang dadaanan. "P-please..." Pero imbis na sundin ay mangiyak-ngiyak lang na nag makaawa ang nakahigang si rianne sa kanya. "Tsk! ang lakas nang loob mo kanina, takot ka rin palang mamatay." Reklamo nito kasabay ang pag hila nya sa katawan ni rianne. "Kara, hide!" *blag!!! "ahh-mmppp" Pero bago pa man sila tuluyan maka alis sa kanilang pwesto, ay kasabay yun ang marahas na pag bukas ng pinto, dahilan para ma out of balance ang dalawa at napahiga sa sahig. "garrhhhhhh!!!" *Ringg— Sigaw pa ng creature dahil ang silid na pinasukan nito ay puno na pala ng usok dahil sa fire extinguisher na inilagay ni karo, pagkatapos ay mabilis na binato nito ang hawak nyang alarm clock sa labas. *Ringgggg— "garrrhhhhh" Hudyat upang mapansin nito ang mabilis na pag habol nang mga halimaw sa tunog na nang gagaling sa orasan. Makalipas ang ilang minuto ay naisipan na ni karo umalis sa kanyang pwesto at hanapin sila kara. "Kara, are you there?" Tanong pa ng binata pero wala man lang itong nakuha na sagot kaya napag desisyunan na lang talaga nito na hanapin ang dalawa. " Oh, there you...are? huh?" At hindi naman ito nag tagal dahil agad naman nyang natuklasan ang dalawa. Yun nga lang, nahanap nya ito sa sitwasyon na si rianne ang nasa ibabaw na ni kara habang nasakop nito ang labi ng dalagang pina- ilaliman nya. 'What's going on?' Ang tanging nasabi lang ni karo sa kanyang isip habang pinagma-masdan nya ang gulat na itsura nang dalawa...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD