"Sigurado ka ba talagang hindi mo alam ang unknown creature na yun?"
Tanong ni kara habang marahan itong nag aayos nang kanyang mga dadalhin matapos silang tuluyan makarating sa storage room.
Taimtim lang naman itong nilingon ni karo bago nya binaling ulit ang kanyang atensyon sa kanina nya pang tinitignan na palakol.
"At sa pangatlong tanong mo na yan, hindi pa rin mag babago ang aking sagot, kara."
"Well, kung hindi mo nga sila kilala ayun sa iyong sagot...Bakit parang aware ka sa mga kilos nila?"
"its just an instinct I guess? Siguro naman hindi bago sa iyo ang salitang iyon."
Alibi ni karo habang ang kanyang atensyon ay nasa harapan pa rin. Para kasi sa kanya, imbis na sabihin nito kay kara ang totoong naga-ganap sa kanyang isipan ay minabuti na lang muna nya na tumahik, sapagkat kahit ang sarili nya ay hindi mawari kung ano talaga ang kahinaan nang kalaban nila ngayon.
"Sabagay, but still about those creature paano kaya natin sila mapa-patay?"
"We need to find their weak spot, I suggest."
"Oo nga, nice idea pero sa tingin mo mahahanap agad natin yun nang hindi pa nila tayo maka-kain?"
Inosenteng tanong naman ng dalaga habang may hawak itong kutsilyo sa isa nyang kamay at ang isa naman ay isang itak.
"Sa tingin ko naman ay hindi kung dala mo ang dalawang bagay na yan."
Sagot naman ni karo na determinadong nakatingin kay kara, dahilan upang mapakunot noo ang isa at sabay bitaw sa kanyang hawak.
"I don't think so, ni hindi ko nga sila kayang lapitan, tapos mag-aala chucki or killer clown pa ako sa harapan nila para lang madaplisan sila? Ayaw ko nga."
Naka-ingos na tanggi ng dalaga hudyat para matawa saglit si karo na tila ba'y wala silang hinaharap na malaking problema.
"P-pero pwede mo naman ibato diba?"
"I don't have a strength to throw some things, karo. My statics is only on the average, siguro pag dating sa common sense at sa ibang bagay na hindi related sa physical performance kaya ko pa. Pero kung kailangan idaan sa pisikalan ang lahat, mas gugustuhin ko na lang maging saling ketket."
"Alright, I get it. I can't force you but I'm sure meron ka namab naisip na iba kung ano ang iyong dadalhin at mag p-protekta sayo."
"Of course!"
Masayang tugon agad nito sabay lahad nang kanyang hawak na marahan ipinagtaka ng binata.
"Oh...are you serious about that?"
Magalang na tanong pa nito at isang malawak na ngiti langnaman ang binigay ni kara sa kanya. Hudyat na hindi nga ito nag loloko sa pinakita nya...
"well if you are, lets go."
Agad na pag-aya ni karo matapos rin ang ilang oras na pag-aayos nila kara sa kanilang mga dalahin, kasunod yun ay ang marahan na ulit nilang pag pwesto sa pintuan habang binuksan ito ng binata.
Napansin naman ni karo na walang creature ang uma-aligid kaya agad nyang sinenyasan ang kanyang kasama na sundan sya at tinuro kung saan ang una nilang pupuntahan, yun ay ang naka bukas na economic classroom.
Hindi rin naman nag tagal ay tagumpay silang nakarating sa loob at marahan sinara ang pintuan bago sila maging kampante.
Ayon kasi sa plano ng dalawa, kailangan din nila mag dala nang mabibit-bit na pagkain at ang classroom na kanilang pinuntahan ay kayang gampanan iyon.
"Say Kara, mahilig ka ba mag libot sa school?"
Pagkaraan na tanong ni Karo matapos nyang matunghayan ang maraming pagkain na naka stock sa binuksan na cabinet ni kara.
"Huh? hindi naman, bakit?"
"Really? I'm just curious kung paano mo na tuklasan ang mga ito? kagaya nang nasa storage room."
Litanya ng binata, para kasi dito kahit ilang taon na syang nag aaral sa kanilang paaralan ay wala man lang ito kaalam-alam na may ganito palang tinatago ang campus na kung tutuusin pwede na ito maging kabilang sa mga survival place.
"Ahhh, I just know it...dahil madalas akong inuutusan nang mga grupo ni rianne na kumuha ng pagkain para sa kanila."
"Oh? wala bang magagalit kung gagawin mo iyon."
"Of course, meron dahil para sa economic subject lang talaga ang purpose nang mga products na ito...pero dahil hindi pumapayag si rriane na hindi sya sundin, ako na lang gumagawa nang paraan upang makakuha ng pagkain dito."
Marahan na litanya nya, subalit halata sa boses ng dalaga ang lungkot kahit na may ngiti ito sa labi habang kumukuha nang kanyang dadalhin.
"Mabuti naman at hindi ka nahuhuli..."
Anas ulit ni karo kahit na parang ramdam nya ang unting-unti pag-iiba ng atmosphere sa kanilang paligid. kaya bago pa man tuluyan maging gloomy ang pagitan sa kanilang dalawa ay naisipan na lang nito na baguhin ang topic.
"How about sa storage room? Hindi talaga ako aware na may mga matatalas na bagay pala ang nakatago doon."
"Para na rin kasing stockroom ang storage para sa mga bagong equipment or materials na ginagamit dito sa campus...I just know it dahil yun ang lugar kung saan ako pinagti-tripan ni rianne kung kailan nya gusto."
Ngunit imbis na mabago ay tila parang napalala pa ito, kaya ang binata ay walang nagawa kundi mailang sa kanyang sarili.
'Kung hindi ka ba naman kasi matanong, hindi na nya sana maa-alala pa iyon.'
Sermon pa nito sa sarili na ikinatawa naman nang kanyang kasama. Hindi kasi namalayan ng binata na iba na pala ang kilos nito sa harapan ni kara kaya agad syang napag halataan.
"Don't mind it, Karo. Kung tutuusin, dati galit at inis ako sa sitwasyon ko noon. Dahil sa aking pagka-ka-alam, wala naman akong ginawang masama para maranasan ko ang pag hihirap na ibini-bigay nila rianne sakin...Hanggang umabot sa puntong... pina-niwalaan ko na gusto lang talaga ako pahirapan ng mundo...Pero ngayon...Ngayon na lahat tayo ay humaharap sa unexpected na ganitong scenario...tila nag laho na parang bula ang pananaw ko na iyon, sapagkat kung hindi ko yun naranasan... wala sana tayo dito ngayon."
Marahan na paliwanag ni Kara, dahilan upang gumaan rin kahit papaano ang pakiramdam ni Karo at mabilis sinang ayunan ito. Dahil katulad rin nang kanyang pananaw, may rason kung bakit naandito ulit sya sa masalimuot nyang nakaraan.
"Kung ganoon, wala rin sa bokabularyo mo na dito rin matatapos ang iyong kwento."
Nakangiting pahayag ni karo at ito ang unang naglakad papunta sa pintuan upang pag masdan ulit ang kanilang dadaanan.
"Masyado pa akong bata para mawala dito sa mundo, karo."
"Mabuti naman at gusto mo pang tumanda kahit ganitong mga halimaw na ang maka-kasama mo sa susunod pa na taon."
"Malay mo naman... baka pati mga dinasours ay bumangon rin sa hukay."
Pagsakay naman ni kara sa biro nang kasama nya dahilan upang impit sila mapatawa para lang hindi sila makagawa ng ingay.
Subalit, hindi rin naman iyon nag tagal nang biglang may lumitaw na imahe sa isipan ni karo, hudyat upang ito'y mapatulala nang malalim at ang kanina nyang nakangiti na labi ay napa-awang rin kaunti.
"Let us in!"
Mariin na sigaw ni Kara sa kanyang kausap na ngayon ay komportableng nakatayo sa loob ng shuttle bus.
"No way! Mas mabuti nang maging pagkain kayo para may sense naman ang pagkamatay ninyo!"
"Sumusobra ka na rianne! letting us die here is a crime you know!"
"And because of that guy you with! namatay lang naman ang boyfriend ko! anong pinagkaiba doon!?"
"You already saw what happened earlier bakit sa kanya mo pa rin sini-sisi!?"
"Dahil kung hindi sya lumaban sa kagustuhan ni mosker bilang paen, edi sana nandito sya ngayon!!"
"That's because your boyfriend's plan is such a trash! Useless! Nonsense! Kung hinayaan nyo na lang tumakbo nang tahimik at hindi itinulak si karo edi sana kompleto tayo dito ngayon!"
"Shut up!! Kahit ano man sabihin mo hindi kayo nara-rapat pang mabuhay!"
"What the----hey! hey! stop the bus, papasukin nyo muna kami! let us in!!!"
.
.
.
.
.
.
.
.
"Hey! Karo!"
Mariin na bulong ni kara, dahilan upang magising ang binata sa kanyang ulirat.
"Are you alright?"
Dugtong pa nito habang ang bumungad sa kanya ang pag-aalala na mukha ni kara, pero imbis na sagutin ito ay napahawak lang sya sa kanyang sentido.
"W-we need to get the key."
"K-key? For what?"
"Sa shuttle bus...We need to go."
Determinadong litanya ni karo bago ito lumabas sa kanilang tinataguan at kalmado itong nag lakad sa hallway.
"W-wait karo, baka naman gusto mo mag dahan-dahan sa lakad baka mamaya may bumungad satin na halimaw."
"We don't have time left, Kara."
"W-what do you mean? can you please enlighten me, para naman hindi mo ko napag iiwanan."
Anas pa ni kara habang hindi sya mapakali sa kanyang pwesto dahil sa doble nyang pag aalerto sa kanilang paligid.
"I know na nagu-guluhan ka, but for now I just want you to trust me, kara. I promise na sasabihin ko rin sa iyo mamaya pero sa ngayon kailangan na talaga natin mag madali."
Marahan na paliwanag nito, hudyat upang mapatingin sa kanya nang mabuti si kara, napansin naman ng dalaga na seryoso ang kanyang kasama, kaya gaya nang pahintulot ni karo, ay maigi na sinunod na lang nga ito ni kara.
Habang ang binata naman ay patuloy pa rin ang kanyang nasa isip, na kung hindi sila mag mamadali ay posibleng mangyari ang nasakanyang ala-ala.
Ngunit kumpara sa mga nangyari ngayon, hindi rin sigurado ang binata kung ganoon pa rin ba ang mangyayari sa kanilang dalawa, dahil ayon sa kanyang dating pangyayari.
Nakasama nito si mosker sa pagtakas nila sa classroom, kahit na ayaw nito sumama ay wala syang nagawa dahil hawak sya nang marahas ni mosker.
At noong balak na nilang lumabas dahil tila abala ang mga creature sa kanilang pagkain doon din na isipan ni mosker na itulak si karo malapit sa halimaw. Pero bago mawalan ng balanse ang binata ay nahila nito ang relo ni mosker upang sana may makapitan sya.
Pero imbis na ganun lang ang nangyari, si mosker ang nawalan ng balanse at ito ang nakagawa nang ingay dahil tumama lang naman ang kanyang katawan sa basag na salamin at ang bubog nito ang naging sanhi nang madaganan ito nang kanyang katawan.
Gusto pa sana iligtas ni karo si mosker kahit na ang mga kasama nya, pero hindi na nangyari dahil ang mga halimaw ay tuluyan nang nadistorbo.
At imbis na umalis sa kanyang pwesto ay tila nawala man lang ng plano kung ano ang sunod na gagawin si karo.
Pero dahil sa isang maliit na batong, ibinato sa kanya na nang gagaling kay kara at sinenyasan syang tumakbo dahil taimtim pa rin pala itong nag hihintay sa kanya ay doon nya naisipan kumilos.
Ngunit gaya ng kanyang nakita hindi sila nakasakay ng shuttle bus dahilan upang marahas na namatay sa kanyang harapan si kara dahil sa pag laban nito sa mga unknown creature.
At nang isipin pa lang iyon ng binata kasabay ang huling litanya na binigay sakanya ni Kara.
"L-live for me."
Ay agad rin nabuo ang kanyang desisyon, yun ay hindi na nya iyon hahayaan!