"Say Kara, may gusto ka pa bang puntahan bago tayo lumabas dito sa room?"
Bulong ni karo sa kanyang kasama matapos sila pumwesto malapit sa pintuan. Marahan naman napa-isip si Kara sa katanungan ng binata, ngunit hindi naman nag tagal iyon nang mapalingon ito sa kanyang kasama.
"Actually wala, but I think we need to go at the storage room dahil kailangan natin ng survival kit."
"I see, pero bakit sa storage room ang alam ko ay puro mga walis, mop, at dustpan lang ang nandoon?"
"Nuh-uh, ayun lang ang akala mo."
Nakangising sagot ng dalaga habang may pa-gesture pa ang daliri nito na tanging ang nagawa lang ni karo ay pag masdan sya.
"Kung ganun, take the lead then. Hindi ko rin kasi alam kung saan storage room ang tinutukoy mo."
"Count on me, tutal nasa walo lahat ang storage room dito sa building kaya marami tayong pag pipilian."
"Kung saan ang pinaka malapit doon na lang tayo."
Ang desisyon agad ni karo, kasabay yun ay ang pag silip nang kanyang ulo sa labas upang tignan kung may naka palibot ba na kakaibang creature sa kanilang da-raanan.
"How's the situation, can we go now?"
Bulong ni Kara sa kanya, habang nag mamasid ito. Isang tango lang naman ang sinagot ni karo bago nya ito nilingon.
"Yes, but before that kailangan mo—!"
Thug!
Subalit, agad rin naudlot ang kanyang sasabihin matapos nitong itinabig ng pwersahan si kara sa gilid para lang hindi ito mahawakan nang nilalang na nasa likod na pala nila.
Halata sa dalawang estudyante ang pagka bigla at gulat sa nangyari, pero mabuti na lang ay na, natili pa rin silang tahimik sapagkat ang halimaw na nasa harap nila ay wasak na ang mukha at tila hindi na naka-kakita.
Pero kahit ganun ay labis pa rin ang pagtataka nang mga ito at tila isang salita lang din ang lumalabas sa kanilang isipan, yun ay...
'Buhay pa sya!?'
Ang tukoy nito sa halimaw na walang pasubaling sinusuri ang kanyang paligid hanggang sa makalabas na lang ito at nalampasan na ang dalawa na paranh natustos sa kanilang posisyon.
Nang mapansin ni Kara na malayo na ang halimaw na iyon ay dito na sya huminga nang malalim na para bang hindi ito sumasagap ng hangin kanina.
"W-why is he still alive?"
"I-I don't know."
Ang naguguluhan rin sagot ni Karo dahil kung tutuusin napuruhan na ng sobra ang mukha ng halimaw na yun ngunit kaya pa rin nito gumalaw?
"I-its rare, ang akala ko nama-matay na ang ganun monster kapag sa mukha o sa ulo ang tatamaan, na para bang katulad lang sa mga naba-basa at napa-panuod kong horror."
Litanya ni Kara tukoy dun sa creature na walang iba kundi si mosker na pinukpok nya kani-kanina lang upang makasiguro ang dalawa, na kagaya sa iniisip ni karo ay akala rin nito namatay na sa ganun paraan ang kalaban nila.
"I thought so too, pero sa tingin ko mali tayo doon at kailangan na rin talaga natin umalis."
Marahan na sagot ni Karo pero ang kanyang atensyon ay nasa harapan nya lamang. Subalit, hindi rin naman iyon nag tagal nang marinig nito ang kalampag nang isang lamesa kaya agad sya napalingon at ang bumungad sa kanya na salarin ay ang naglilikot na halimaw na inihulog nito sa bintana kanina lang...
"A-about what I said earlier kara, kapag lumabas tayo sa room na ito, you must run, run as much as you can..."
"K-kahit na nasa F to D grade lang talaga ang kaya kong I-record sa P.E. class?"
"Yeah."
"But why?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Kara dahilan para mapalingon din ito saglit sa kanyang kausap.
Subalit imbis na sya'y sagutin ay sinenyasan na ito ni karo umatras na mabilis naman nyang sinunod.
"You will know later kara, but for now saan ang takbo natin sa west o sa east?"
Dugtong ulit ng binata habang nakatutuk lang ang kanyang atensyon sa halimaw na abalang ina-amoy ang sahig.
"S-sa west, s-si mosker kanina sa east dumaan."
Nauutal naman na banggit ni Kara sapagkat klaro na sa kanyang pandinig ang tinig na nag mumula sa halimaw.
"iieerrgkk"
Sa ganoon tanawin kahit gustuhin man masuka ng dalawa ay pinilit na lang nila mag pakatatag lalo na't aware na sila na hindi lang dito nag tatapos ang ganitong matu-tunghayan nilang scenario.
"Okay, then pagka bilang ko ng tat—"
"Arrghhh..grrahh"
Pag sisimulang bilang sana ng binata, subalit na udlot na lang ito nang marinig nila ang naka-katakot na tinig na nang gagaling sa halimaw na ngayon ay nakatingin na pala sakanila kahit na ang ulo nito ay nakalambitin na lang sa kanyang leeg habang namumula pa rin ang kanyang dalawang mata.
"Run."
"W-what?"
"Forget my signal, Run!"
Kahit naguguluhan ay mabilis nang lumabas si kara sa room at nag simula na nga itong tumakbo sa hallway.
"K-karo, siguraduhin mong nasa likudan kita."
Mariin na bulong ni Kara sa kanyang sarili habang patuloy pa rin ito sa kanyang ginagawa kahit na naka-karamdam na agad ito ng pagod.
"kara run faster!"
Anas ni karo dahilan upang ma-relief ang dalaga na kasama nya pa ang binata pero imbis na sundin nya ang sinabi ni karo ay hindi nya ito magawa.
"But I can't, hanggang dito lang talaga ang kaya ko."
"You must!"
"Bakit ba? As If naman na maha-habol tayo—what the hell!?"
Gulat na litanya ni Kara matapos nitong lingunin si Karo pero ang nakapukaw sa kanyang atensyon ay ang halimaw na akala mo ay nasa marathon dahil sa bilis ng takbo nito.
"Aaaacckkk!!!"
"What's wrong with that thing!? it's already injured pero bakit parang talo nya pa ang top athlete's marathon natin dito sa school!?"
"That's because It is craving to eat us!"
"And I don't want that to happen!"
Sigaw ni Kara na agad nag echo sa paligid nila kaya ang kaninang tahimik na hallway ay ngayon rinig na ang iilang hiyaw nang mga creature na kasama nila sa loob ng building.
"W-what's going on?"
"Oh well, you just call them."
"what!?"
"Mukhang malakas ang pandinig nila Kara."
"Seriously!? Bakit hindi mo sinabi agad?"
"That's because I just base it on my observation."
"That means you really don't know them?"
"Kinda?"
Hindi rin siguradong sagot ni karo, kaya ang tanging nabigay lang na sagot ng dalaga dito ay ang pag ngiwi nang kanyang mukha at napa-iling. Hanggang sa naisip na lang nya ay tumakbo at mag focus sa daan papunta sa storage room.
Habang si karo naman ay patuloy lang nililibot ang kanyang paningin upang mag hanap ng bagay na pwedeng ipang-laban sa humahabol sa kanila.
'I'm sure may weak spot ang mga ito pero hindi ko lang maklaro kung saan. I even forgot their names but I'm aware on their existence.
Is there some other way para ma trigger naman itong utak ko at mag bigay ng hint kung paano paslangin ang mga halimaw na ito?'
Dugtong pa ng binata sa kanyang sarili, pero kahit anong pag iisip nya nang malalim ay wala pa rin talaga syang ma-alala.
Crack!!
"kyaahh!!"
Hanggang sa madistorbo na lang ito nang ingay na galing sa basag na salamin at sigaw ni kara, kaya isinawalang bahala na lang muna nya ito at sinunod ang kanyang instinct na kuhain ang fire extinguisher na nakadikit sa dingding malapit sa kanya.
"Kara, yuko!"
At kasabay yun ang malakas na pag hampas nito sa mukha ng creature na gusto dakmain ang kanyang kasama.
"Eiiikkkk!"
Daing nito matapos syang mapalipad ni karo na hindi kalayuan sa pwesto ng halimaw na humabol sakanila kaya ang dalawang creature ay parehas nawalan ng balanse.
"Let's go, we don't have time para mag stay pa dito."
Tapik ni karo sa nangi-nginig na dalaga. Wala naman magawa si kara sa kalagayan nya ngayon kundi sundin si karo at tumuloy sa pagtakbo.
"Geez, hindi naman nila kailangan mang gulat eh! okay sana kung dumaan sila sa maayos na daanan ayos pa ako dun!"
Maya-mayang reklamo ni Kara na hinayaan lang naman ni karo dahil kung tutuusin mas okay pa ang ganitong kalagayan nang kanyang kasama kaysa sa maparalisa sa sobrang takot.
"Well, It can't be help. Hindi na sila aware kung tama pa ba ang ginagawa nila."
"S-sabagay, t-tama ka doon pero sa tingin ko may mga paparating pa, karo."
"Yeah, kaya kailangan na natin mag madali."
Agad nitong pag sangayon nang maramdaman din ng binata ang pag dagundong nang tinatapakan nilang sahig.
"Wala ka bang plano dyan? para kahit papaano hindi nila tayo masalubong o mahabol."
" I think I have."
"Ano?"
Masayang tugon ng dalaga at nagawang lingunin ang binata na isang ngiti lang rin ang binalik sa kanya bago sinabi ang katagang na.
"Just run."
Dahilan upang mapa ingos ang babae at napag desisyunan nang wag na tanungin si karo, sapagkat parang wala rin magandang patutunguhan ang kanilang magiging usapan.
Subalit, yun lang ang akala ni Kara, dahil para kay Karo kailangan nilang magkaruon ng agwat kahit tatlong metro lang ang layo sa mga humahabol sa kanila para magawa nito ang kanyang binabalak.
Kahit na parang wala pa itong kasiguraduhan, Mas pinili pa rin ni karo sa subukan ito.
Hanggang sa tuluyan na ngang dumating ang kanilang ina-asahan, yun ay ang mga halimaw na galit silang pinag-mamasdan.
"K-karo, naharang nila ang daanan papunta sa storage room."
"We need to change the route then."
Litanya ni Karo, matapos silang mapahinto sa pagtakbo, sapagkat ang kaninang humahabol sa kanila ay ngayon meron na rin sa kanilang harapan.
" M-meron sa baba, b-but the stairs...kailangan natin umabante dahil iisa lang ang hagdan pababa. "
Sabay turo ni kara sa hagdan na hindi gaano kalayo sa mga creature kaya labis din ang kaba ng dalaga sapagkat imbis na dapat ay lumayo sila, eh kailangan pa nilang salubungin ang mga ito para lang makapunta sa hagdan.
"Let's do it."
"W-what? pero may—"
"at meron din sa likudan natin kara, gusto mo bang bumalik?"
Sabay iling ng dalaga bilang sagot. Isang ngiti lang naman ang iginawad ni karo bago inalis ang lock na naka-kabit sa fire extinguisher.
"Don't worry I have a plan."
"Yeah, alam ko yun ay ang tumakbo diba?"
"Exactly."
"T-then, Its now or never, lets run!"
Anas ni kara sabay takbo na pinagmasdan lang naman ni karo sapagkat, mukhang nabaliwala na ni kara ang pagod nya.
"aarrghhhh!!!!!"
Sigaw din nang mga halimaw habang tumakbo na rin papalapit kayla karo. Isang mahigpit na pagka-hawak lang naman sa fire extinguisher ang nagawa ng binata dahil habang pa-palapit, sila ng pa-palapit ay gaanon din kabilis ang kaba nang kanyang dibdib. Na tila ba'y may hindi pa rin sumasangayon sa naiisip nang kanyang sarili.
Ngunit kahit ganoon mas lamang pa rin sa isipan ni karo na huli na para umatras kaya nang mapansin nito na ilang pulgada na lang ang lapit ng creature sa kanila ay agad ni release ni karo ang laman nang kanyang hawak upang magkaroon ng usok sa kanilang daraanan at matagumpayan nilang dalawa ni kara na bumaba sa hagdan.
Napansin pa nang mga ito ang pag react ng creatures kung paano nila talunan ang halimaw na kumain kay mosker at ang isa pa nyang kasama na akala mo ay sila karo ang nabiktima.
At dahil sa kanilang natuklasan, dito nalaman ng binata na hindi naka-kakita ang mga ito sa usok....