-PRINCE-
Habang naglalakad sa gitna ng daan ay nginingitian ko ang mga babaeng napapasulyap sa'kin. Sikat kasi ako at guapo pa! Wait there's more! Talented pa. Dancer ako dito sa campus at kahit anong salihan namin ng mga kagrupo ko ay hindi kami umuuwing talunan.
Ay si Sandy!'
"Hi, Sandy" bati ko sa kanya nang makita siyang naglalakad mag isa "sabi ko hi" pag uulit ko dahil hindi niya ako pansinin.
"Ano ba!?" salubong na kilay niyang tanong.
"Hmm... Sorry nainis ba kita?" tanong ko habang nagkakamot ng ulo.
"Ano sa tingin mo? 'Wag mo na nga akong kakausapin—"
"Bes!"
Lumingon ako kung saan nanggaling ang animal na 'yon at nabwiset. Kahit kailan talaga panira itong gurang na ito e.
"Hi bes!" bati sa kanya ni Sandy na parang biglang bumait. Kanina ang sungit.
"Sabay na tayo!" aya ni gurang at inakbayan si Sandy 'saka sila tumalikod.
Hindi ba niya ako nakita!? Bwiset!'
Mabilis ko sila'ng sinundan nang lingunan ako ni gurang at binelatan!? Aba! T*rantado talaga 'tung gurang na 'to!.
"Hoy! Gurang!" tawag ko sa kanya at pumunta sa harap nila.
"Ako gurang!?" tanong ni Sandy habang nakaturo sa sarili niya.
"Halla bes! Gurang ka raw oh, kung ako sa'yo sasapakin ko yan!" pang gagatong ni gurang.
"Hindi ikaw ang gurang kasi maganda ka" pag lilinaw ko at tinuro ang tunay na gurang "siya, siya ang gurang!"
"Naku palusot ka pa! Tabi nga diyan! Panira ka ng view! Tabi!" sigaw sa akin ni gurang at natawa naman sa kanya si Sandy habang nakatakip ang bibig kaya napangiti ako sa kanaya "Ngiti ngiti ka pa diyan, kutusin kita e" dagdag pa ni gurang ngunit hindi ko ito pinansin dahil kay Sandy lang ako nakatingin.
"Sasabay na ako!" sabi ko at tumabi kay Sandy.
"Bakit ka sasa— aray!" kinurot ko ang braso ni gurang na nakaakbay kay sandy para manahimik siya.
Pinagsisisihan ko talaga ang nagawa ko sa kanya dati. Ipinaramdam niya sa akin na mahal niya talaga ako pero sinayang ko lang. Aaminin kong mali talaga ang nagawa ko.
Last year ko siya nakilala, nag transfer sila dito sa SAA kasama si Gurang. Nagandahan ako sa kanya pero napakasuplada niya, kaya na-challenge ako. Pinag pustahan namin siya ng mga kagrupo ko sa dance troupe na pag napasagot ko siya ay isasali nila ako sa isang dance competition na matagal ko nang gustong salihan.
Nagtagumpay ako, napasagot ko siya at naging kami. Habang kami ay biglang nagparamdam sa'kin ang isang ex gf ko kaya nawala ang atensyon ko sa kanya, naibaling sa ex ko na akala ko noon ay mahal ko pa pero hindi na pala.
Nahuli ako ni gurang na nakikipaghalikan sa kanya at sinumbong niya kay Sandy kaya kami naghiwalay. Nung panahong wala na kami doon ko lang narealize ang halaga niya. Napakabuting tao niya sa paningin ko ngunit tama si Gurang, sinayang ko lang siya.
"Justin!" biglang sumigaw si Sandy habang naglalakad kami, lumingon ang isang lalaki 'saka huminto "Bes, kay Justin na ako sasabay ah, may pag uusapan kasi kami para sa—"
"Ashushushu, sige lang" pagpuputol naman sa kanya ni Gurang kaya mabilis itong tumakbo paalis.
"Bat mo pinaalis?" inis kong tanong.
"Siya ang umalis!"
"Pinaalis mo e! Alam mo kahit kailan panira ka talaga!"
"Bakit ikaw paayos ka!?"
Ano daw?'
"Hoy! San ka pupunta!?" sigaw ko sa kanya nang mauna itong maglakad.
"Bakit, gusto mo sabay tayong maglakad!? Mukha mo!" sagot nito 'saka tumalikod at naglakad.
Oo nga no'
"Sino naman may sabi'ng gusto kitang makasabay!? Kadiri!" sigaw ko at mabilis na naglakad para malampasan ko siya.
——
Napatingin ako sa katabi kong nakatulog kaya tinitigan ko ang mukha nito na nakaharap sa'kin.
Parang ang tino tino pag tuloy.. Hmm.. Hahaha tama!'
Napangiti ako nang malawak at kinuha ko ang marker sa bag 'saka dahan dahang lumapit sa kanya. Dahil nasa likod kami pareho ay walang nakakapansin sa'min.
Pigil na pigil ang tawa ko habang dinudumihan ang mukha niya gamit ang marker. Nag drawing ako ng kung ano ano. Pagkatapos ay bumalik ako sa kinauupuan ko at doon tumawa nang mahina.
Nahinto ako sa pagtawa nang bigla itong magising at nag inat. Nag tama ang paningin namin at sinamaan niya ako ng tingin 'saka tumayo at kinuha ang gamit.
Lalabas siya? Patay!'
"U-uy san ka pupunta?" tanong ko.
"Bakit mamimiss mo ako?" walang gana niyang sagit 'saka umalis.
"W-wag.. Patay.." mahina kong sabi nang makalabas ito "ay hindi ok lang hahaha."
Pero baka makita ni Sandy at malaman niyang ako ang may gawa nun, patay nga!'
Mabilis akong tumayo at lumabas ngunit hindi ko na mahagilap si Gurang.
"Mukhang t*nga pre"
"Ampanget hahaha!"
"Parang basura lang haha!"
Marami akong mga estudyante:ng nakasalubong na nagtatawanan at maraming panglalait na naririnig kaya nakakairita.
Sa'n na ba kasi siya nagpunta!? Tanga talaga nun bwiset!'
"What so funny! Imbes na tulungan niyo siya ay pinag tatawanan niyo pa!"
Rinig kong sigaw ng lalaki sa isang lugar na pinagkukumpulan ng mga estudyante kaya mabilis akong lumapit doon.
Luh nangyari sa kanya?'
"Tara" aya ng lalaki, siya yung kaklase ni Sandy na transferee.
"Teka nga—" pigil ni gurang sa lalaki "bakit niyo ba ako pinagtatawanan? Nadapa lang naman ako ah!" sigaw ni gurang.
Puro putik ang uniform niya at parang nadapa niya siya sa putikan kung saan ang pwesto niya ngayon.
"Pinagtatawanan nila yang mukha mo," sagot nung lalaki.
"Bakit?"
"A-ang dumi ng mukha mo."
Nanlaki ang mata ko nang magtama ang paningin namin, patakbo akong umalis doon para bumalik sa room.
Patay! T*nga mo prince!'
-ANIKA-
Sa kakahintay sa next subject ay hindi ko namalaya'ng nakatulog na pala ako. Nakaramdam ako ng gutom kaya nagising ako. Nag tama ang paningin namin ni Alien at sinamaan ko siya ng tingin 'saka ko kinuha ang bag at tumayo.
"U-uy san ka pupunta,?" tanong niya.
Kailan pa 'to naging interesado sa takbo ng aking buhay!?'
"Bakit mami-miss mo ako?" walang gana kong sagot 'saka nag lakad paalis.
Pagkalabas ko ay nagtataka ako sa mga estudyanteng nginingitian ako kaya nginingitian ko rin sila, baka natutuwa lang sila sa akin.
"Hahaha!"
Biglang nagtawanan ang mga estudyante nang bigla akong madulas sa putikan nakakahiya!. Sa sobrang kahihiyan ko ay niyuko ko ang ulo ko at pilit na ngumiti 'saka dahan dahang tumayo. Ngunit pagkatayo ko ay nadulas ulit ako.
"Hahahaha!" nagtawanan ulit ang mga estudyante.
"Miss?" nag angat ako ng tingin nang may biglang lumapit sa'kin.
Yung masungit na transferee.
"What so funny! Imbes na tulungan niyo siya ay pinag tatawanan niyo pa!" sigaw niya sa mga estudyanteng nagtatawanan kaya natahimik sila "Tara" aya niya sakin at inalalayan niya akong tumayo.
"Teka nga— bakit niyo ba ako pinagtatawanan nang ganyan? Nadapa lang naman ako ah!" sigaw ko.
"Pinagtatawanan nila yang mukha mo" sagot sa akin ni pogi.
"Bakit?" takang tanong ko.
"A-ang dumi ng mukha mo" sagot niya.
Medyo nabawasan ang mga estudyante sa paligid namin kaya nakita ko si Alien na nakatingin sa akin 'saka ito tumakbo paalis
Mukhang tanga ka! Nakasinghot na naman ng pentle pen'
"Tara na miss" aya sa'kin ni pogi at tumango naman ako.
Pumunta kami ng cr.
Napahinto ako nang makita ko ang mukha ko sa salamin.
"Ahhhhh!!!!" sigaw ko at mabilis kong hinugasan ang mukha ko "Sabon! Sabon!" usal ko habang nag hahanap ng sabon.
May kumatok.
"Are you ok!?"
Rinig kong sabi ni pogi mukha sa labas ng pinto kaya binuksan ko ito, at napaatras pa ang mukha niya nang makita niya ako dahil sa gulat. Nagkalat na kasi ang tinta ng marker sa mukha ko.
"Kailangan ko ng sabon" umiiyak kong sabi.
"W-wait, bibili ako" mabilis na sabi nito 'saka tumakbo paalis, ako naman ay bumalik sa loob ng cr at isinara ko ang pinto.
Napahagulgol ako sa sobrang kahihiyang natamo ko habang nakatingin sa salamin. "Walang hiya kang alien ka, may araw ka rin sa'kin." mariin kong sabi habang umiiyak. Sino pa ba ang gagawa nito kun'di yung si Alien lang!. Kanina nung nakita niya ako ay bigla siyang umalis at nanlaki pa ang mga mata niya.
Ilang saglit pa ay may kumatok ulit.
Binuksan ko ang pinto "Oh" inabot niya sa'kin ang sabon "May towel ka?".
"May panyo ako."
"Wait" sabi nito at may kinuha sa bag "Gamitin mo" inabot sa'kin ang isang towel at inabot ko naman ito.
"Thank you" sagot ko at isinara ang pinto.
——
"I'm Justin Monteverde" nakangiting sabi nito at inilahad niya ang kanyang kamay.
"Anika Turalba" sagot ko naman at nakipag shake hands.
"Upo muna tayo dun oh" tinuro niya ang bakanteng shed at tumango naman ako. "Sino bang may gawa nun sa mukha mo?"
"May suspect na ako pero hindi ako sure, pero! Alam kong siya lang ang makakagawa sa'kin nito!"
"Sino naman?"
"That alien!" salubong ang kilay kong sabi.
"Alien?"
"Mahabang kwento"
Tanggap ko pa ang paninira niya ng araw sa akin dati pero ito!? This is too much!.
Pagpasok ko sa room ay diretso na ako sa aking upuan at nakita ko si alien na halatang iniiwas sakin ang tingin.
Mukhang gago lang!'
"Sino namang may gawa nun sa'yo!?" galit na tanong sakin ni Sandy.
"Ewan" pagsisinungaling ko.
Palabas kami ng campus ni Sandy nang makasalubong namin si Alien, nanlaki ang mata nito nang makita niya ako 'saka niya iniwas sa'kin ang tingin.
Nakokonsensya ka na!? Gago wala ka nun!'
"Alien!" tawag ko sa kanya.
"B-bakit?" nauutal niyang tanong at hindi makatingin sa akin.
"Tanong mo sa kanya baka alam niya kung sinong may gawa nun sa mukha ko." baling ko kay sandy habang nakaturo kay alien.
"Ha!? H-huy inosente ako! W-wala akong kinalaman diyan!" nauutak na sagot ni Alien.
"Kausapin mo na nga yan sandy para tigilan na ako!, hindi na ako natutuwa, bakit parang kasalanan ko kung bakit kayo nag hiwalay!?" galit kong sabi kay Sandy.
"Huh? Anong sinasabi mo bes?"
"Hindi ko deserve ang mapahiya sa harap ng maraming tao!— sumosobra ka na Lucas! Hindi ka na nakakatuwa!" seryosong sabi ko kay alien at niyuko nito ang ulo niya.
"Ano bang sinasabi mo bes? Ibig sabihin si Prince ang may gawa nun sayo?"
"Sino pa ba ang pwedeng gunawa nun sa'kin? E siya lang naman ang may galit sa'kin sa room" tumingin ako kay Alien "Galit pa rin siya dahil sa paghihiwalay niyo!"
"Prince naman! Bakit ka ganyan!?" inis na tanong ni sandy.
"Kausapin mo na yan! Balikan mo na rin kung gusto mo—".
"Bes—"
"Sandy, hindi mo lang alam kung anong ginagawang pambibweiset sa'kin niyan araw araw—"
"Anika!" pagpuputol sa akin ni alien.
Naks anika ngayon ah!'
"Totoo naman ah! Bakit, ayaw mong malaman ni Sandy yang sama ng ugali mo!? nahihibang ka na ba!? Matagal na niyang alam na masama yang ugali mo! Simula nung niloko mo siya!"
"Bes, enough"
"Hindi e... Hindi mo kasi nakita kung paano ako napahiya kanina dahil diyan sa ex mo!" turo ko kay alien "ngayon ikaw naman ang ipapahiya ko!"
"Bes please.. Please.." bulong sa akin ni sandy at hinawakan niya ang braso ko kaya pinilit kong kumalma "Prince kung totoo man ang sinabi ni Anika, humingi ka ng tawad sa kanya—"
"Tss.. Haha! Isa ka pa bes e, nagpapatawa ka ba? Yan!?" turo ko kay alien "marunong ba yan mag sorry!?"
"Bes"
"Mauna na ako, baka malate pa ako sa trabaho, sayang lang oras ko sa alien na 'yan" inis kong sabi saka ako nag lakad at huminto sa harap niya "may araw ka rin sakin" bulong ko sa kanya 'saka ko siya inirapan at umalis sa harap niya.