CHAPTER 1
-ANIKA-
"Anika! Dalawang buwan ka nang hindi nakakabayad! May balak ka pa bang magbayad!?" inis na sabi sa'kin ni Aling Sonya.
"Ang sabi ko po mamayang gabi po ako magbabayad kasi po sahod ko, promise po, ako po mismo kakatok diyan sa kwarto niyo para magbayad" sagot ko.
"Oh sige hihintayin ko yan ah!" sabi nito 'saka tumalikod at umalis, 'saka ko siya binelatan.
Kainis! Umagang umaga naniningil! Parang nakapakaganda naman ng apartment niya 'e ang dami namang ipis!. Pero buti nalang at nagising niya ako, tanghali narin kasi.
Pagkatapos ng usapan namin ay isinara ko ang pinto at naligo dahil ayokong malate sa school, baka mabilad na naman ako sa araw.
Hirap na hirap kong sinuklay ang buhok ko dahil naubusan ako ng shampoo, buti nalang talaga at sahod ko mamaya. Working student ako, pagkatapos ng klase ay diretso ako sa coffee shop ng tita ko. Medyo nakakapagod lang kasi sa umaga estudyante ako at sa gabi naman ay empleyado, pero ayos lang naman sa akin, ang iniisip ko na lang ay parusa ko na 'to.
I'm Anika Turalba, 17 years old and I'm grade 12 student. Abm ang strand ko, hindi ako magaling sa math kun'di gusto ko lang ang strand na yun. Nag aaral ako sa Saint Anthony Academy, isang private school, 'yon lang kasi ang school na malapit sa tinitirhan ko kaya no choice ako.
Patakbo akong pumunta sa gate ng school ngunit huli na ang lahat. Humarang si Mr. Nam sa harap ko habang malawak ang ngiti kaya bumagsak ang dalawang balikat ko.
"Aba! Buena mano ka hija ah! First day of school pero late ka? Napakahusay!" nakangiting sabi nito, ka vibes ko 'to 'e.
"Talaga Mr. Nam? Ang galing apir tayo diyan!," nakangiting sabi ko at nag apir kami 'saka sumeryoso ang mukha niya.
"Pwesto!" sigaw nito at tinuro ang isang bakante.
Sumunod naman ako, tinaas ko ang bag ko at tumayo na lang. Ito ang parusa sa mga late, 5 minutes ito kaya mabababad ka talaga sa init. Istrikto kasi ang eskwelahan na ito dapat before 20 minutes na magumpisa ang klase ay dapat nasa loob ka na ng campus dahil kung hindi, may parusang nakaabang sa'yo, 'diba napaka istrikto.
"Second runner up ka lang ngayon Mr. Arevalo!" rinig kong sabi ni Mr. Nam kaya napabuntong hininga ako at naramdaman kong tumabi sa'kin yung tinutukoy na second runner up.
"Hahaha" tawa nito ngunit hindi ko siya pinansin at nanatiling nakayuko ang ulo ko "Hoy gurang,"
Kung minamalas ka nga naman!'
"Gurang anong section mo ah?" tanong niya.
"Abm b" walang gana kong sagot.
"Uy t*nga classmate tayo!."
Nat*nga pa ako ng hinayupak.
"Hoy ba't di ka sumasagot ah! Matapang ka na!?"
Luh? Kitams! kung ano ano iniisip.
"Kayong dalawa! Pwede na kayong pumasok!" sabi ni Mr. Nam at binaba ko ang kamay ko 'saka sinuot ang bag.
SABAY TAKBO NANG MABILIS!.
Baka kung ano pang gawin sa 'kin ng alien na 'yon!.
Siya si Prince Lucas Arevalo ang isang malaking BWISET sa buhay ko!. My one and only enemy!.
NAGSIMULA YAN LAST YEAR.
Ganito yan!.
Kaibigan ko kasi ang ex gf niya, nag break sila dahil sa'kin o dahil na rin kay Prince bwiset na yan!. Nahuli ko siyang nakikipag halikan sa ibang babae at sinumbong ko yun sa kaibigan ko, kaya sila nag hiwalay. Nalaman ni Prince na ako ang nagsumbong dahil binuking ako ng kaibigan ko. 'Diba hanep! Nag malasakit na nga ako e binuking pa.
Kaya simula nun lagi na akong pinag iinitan at pinagti-trip-an ng hinayupak na prinsipe ng mga alien na 'yon. Gumaganti lang ako pag nasa mood ako, masyadong mahalaga ang oras ko para i-aksaya sa kanya.
-------------------------------------------------------------------------
Nag order ako ng burger at pumunta sa pinakadulo 'saka doon kumain. Natigil ako sa pag nguya nang maramdaman kong may pumunta sa harap ko. Ibinaba ko ang pagkain ko 'saka uminom at nagpunas ng labi.
"Gurang! Ba't mo ako tinakbuhan kanina ah!"
Hindi ko siya singot, tumayo na lang ako at umalis. Hindi dahil sa duwag ako, ayoko lang talaga ng gulo, ewan ko ba't parang hirap na hirap siyang maintindihan 'yon.
Pagkatapos ng klase ay dumiretso ako sa coffee shop ng tita ko at nagumpisang magtrabaho.
"Oh ito yung sahod mo, dinagdagan ko pa yan," nakangiting sabi sa akin ni Tita Marie at inabot sa'kin ang sobre.
"Thank you tita, muntik na akong mapalyas kanina hahaha" sagot ko naman.
"E bakit kasi hindi ka pa umuwi—"
"Tita.." pag puputol ko sa sasabihin niya.
"Ok fine, kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa 'kin."
"Ok tita, thank you." nakangiting sagot ko 'saka kami nag lakad palabas ng coffee shop at isinara ito.
------------------------------------------------------------------
"Oh aling sonya, 'yan na yung bayad ko, kompleto 'yan."
"Hm.. Magaling, teka—," sagot nito at may kinuha sa loob ng bahay niya "Oh, ulam mo." nakangiting sabi niya at iniabot sa akin ang isang mangkok na may laman'g sinigang na bangus.
"Naks naman, may paulam pa ah! Salamat po." nakangiting sagot ko 'saka naglakad paalis.
Pagkatapos kong kumain ay humiga ako sa kama at kinuha ang cellphone ko, at nagbasa ng mga text.
From: Inang araw
check your credit card
Pagkabasa nun ay pinatay ko na ang cellphone ko 'saka ako pumikit at natulog.
-----------------------------------------------------------------
"Ang aga ah!" bati sakin ni Manong Guard.
"Naman!" pag mamayabang ko.
Marami akong nakakasundo sa campus na 'to. Lalo na kay Manong Bentong na guard at kay Mr. Nam. Madalas kasi akong late.
Pagkarating ko sa room ay isa palang ang estudyante na nadatnan ko at umagang umaga, kinakarma na naman ako.
"Gurang tabi tayo ah!" maingay na sabi ni Alien, hindi ko siya sinagot at umupo na lang ako sa dulo.
"Hindi ka pa ba tapos diyan sa paghihiganti mo sakin?" walang gana kong sabi.
"Hangga't hindi pa ako nakaka move on! Hindi pa ako tapos gurang!"
"'Bat ka kasi nagloko? Ayan tuloy nagdadrama ka!" nakangising sabi ko.
"Kasalanan mo 'to! Kung hindi ka lang sana nangialam—"
"Nyenyenye ngenge nge" panggagaya ko sa kanya.
"Nang aasar ka ba!?"
"Nyenyenye!?" panggagaya ko sa kanya.
"Tumigil ka nga!!"
"Nyenyenye—aray!" napahinto ako sa pang aasar ko nang bigla niya akong kutusin.
Tumayo ako at kumuha ng walis tambo 'saka ko ito tinutok sa kanya.
"Ah.. yan ang gusto mo ah! Teka!!" usal nito at kumuha rin ng walis tambo 'saka tinutok sa'kin.
"AHH!!/AHH!!" Sigaw naming pareho 'saka patakbong sinugod ang isa't isa.
Para kaming nasa giyera na nakikipaglaban gamit ang walis na hawak namin nang biglang—
"Excuse me,"
Napahinto kami at sabay na napatingin sa pintuan nang biglang may nagsalita galing dito.
"Oh?" ani Alien.
Hindi ito sumagot at tinignan kami ni Alien mula ulo hanggang paa habang nakataas ang isang kilay.
"Anong kailangan mo?" tanong ko.
"Senior high building ba 'tung napuntahan ko o mga junior kayo?" tanong niya habang salubong ang kilay.
Problema nito?'
"Bakit? Mukha ba kaming juniors?! Ako baby face talaga ako pero ito—" tinuro ako "Gurang na 'to! Hahaha!" natatawang sabi ni Alien at sinamaan ko siya ng tingin.
"Ano bang kailangan mo? May hinahanap ka ba?" tanong ko sa lalaki habang nagpipigil ng inis.
"Saan ang room ng ABM A rito?" tanong niya.
"Sa taas, second floor" sagot naman ni Alien habang nakaturo sa taas.
"Ok" tipid na sagot ng lalaki 'saka nag lakad paalis.
"Thank you ha!!" sarkastiko'ng pahabol ni Alien sa kanya 'saka ibinalik sa akin ang tingin.
"ANO!?/ANO!?" Sabay naming sabi sa isa't isa.
"Pukol ko sa'yo 'to e" inis kong sabi at iniamba sa kanya ang tambo.
"Gurang!"
"Alien!"
"Gurang!"
"Abnuy!"
"Gurang!"
"Kokey!"
"Gurang!"
"Taga pluto!"
"Teka! Ba't ang dami!?" inis niyang sabi.
"Nyenye nyenyenyenye!" panggagaya ko sa kanya 'saka ko binitawan ang tambo at bumalik sa upuan ko, nag bukas ako ng isang chewing gum at nginuya.
"Hi, Sandy" sabi ni Alien habang nakatingin sa labas kaya tumayo ako at sinilip 'yon.
"Bes!" bati ko sa kanya 'saka ako lumapit.
"Mag kaklase kayo?" bulong nito sa'akin.
"Badtrip nga e,"
"ABM A ako" masayang sabi nito.
"Uy! May transferee! Ang gwapo!" parinig ko kay Alien.
"Baliw! Sige akyat na ako, bye" paalam niya.
"Sandy! Hatid na kita!" pahabol ni Alien ngunit hindi ito pinansin ni Sandy at nag patuloy lang siya sa paglalakad.
Pinagkross ko ang dalawang braso ko at sumandal sa pader habang tumatawa "Hahaha! Ano ka boy!?" pang aasar ko sa alien ng humarap ito sa'kin habang salubong ang kilay. Pinalobo ko ang chewing gum ko sa harap niya.
Napapikit ako nang bigla niyang putukin ito kaya dumikit sa kalahati ng mukha ko.
"Hahaha! Ano? Sige yabang pa!" sabi nito 'saka pumasok, inis ko namang inalis ang chewing gum na dumikit sa mukha ko 'saka ko binalik sa bibig ko. Sayang e.
"Masakit ba? Yun yung sinayang mo! Ayan namnamin mo!" sabi ko sa kanya habang naglalakad pabalik sa upuan ko. Hindi siya sumagot at isinuot niya ang headset niya.
Si Sandy ang kaibigan kong niloko ni Alien dati. Magkaibigan pa rin kami hanggang ngayon, at hanggang ngayon ay umaasa pa rin si Alien na magkakabalikan sila!. Ang kapal ng mukha! Matapos niyang gaguhin ay aasa pa siyang babalikan siya ng kaibigan ko!.
Sobrang nasaktan noon si Sandy, lagi siyang umiiyak. Si alien ang first bf niya at minahal niya talaga ito nang sobra kaso, itong si bwisit na alien na 'to ay ginago lang ang kaibigan ko. Sino namang hindi masasaktan 'doon!. Isipin mo ah! Yung first bf mo ay pinag pustahan ka lang pala ng mga tropa niya!.
Kaya pag nagkabalikan ang dalawang yan! Isa ako sa tututol, pero kung yun naman ang ikasasaya ng kaibigan ko wala na rin naman akong magagawa kun'di sumuporta na lang ang kabaliwan niya.