—PRINCE— Maraming nag sasayawang ilaw, malakas na sound sytem at maraming tao. This is it. Hindi ako nakakaramdam ng kaba dahil confident ako, sisiguraduhin kong mananalo kami. Sumalang na sa stage ang unang batch ng mag sho-showdown, nag ingay ang maraming tao. Napabuga ako ng hangin ng makita ko ang mga kagrupo kong nakangiti. Galingan niyo mga hinayupak!' Nag umpisa na ang music at napakunot noo ako ng marinig ang genre nito. Funky ang genre, buti nalang si Ero ang nakasalang, malambot ang katawan nun. Nag umpisa ng sumayaw ang kalaban. Kung napapanuod lang ito ng Kapatid ko ay tiyak matutuwa yun dahil hindi pa siya nakapanuod ng ganito. Kaso hindi ko siya pwedeng isama, masyadong crowded nakakasama sakanya. Sayang. Pero buti nalang meron si Dad, malamang siya ang dean naman. Napa

