01
“So, kailan ang kasal?”
Dylan stopped laughing upon hearing his mother’s question. Nag-angat siya ng tingin at naabutan itong nakamasid sa kaniya na animo’y hinihintay ang kaniyang isasagot. A small smile crept on his lips before he snaked his arm around his girlfriend’s waist. “We’re just waiting for the right time, Ma,” he answered softly.
Agad namang nagtagpo ang kilay ng kaniyang ina matapos marinig ang sinabi niya. “Hindi na kayo bata niyang si Brielle, anak. Ano pa ba ang hinihintay niyo—“
“Don’t force our son, Layla.” Naputol ang sasabihin ng ina niya nang magsalita ang kaniyang ama kaya’t hindi mapigilang mapangiti ni Dylan. “Kaya nang magdesisyon ni Dylan para sa sarili niya. Malaki na ‘yan. At saka isa pa, hindi naman nagmamadali si Brielle. Right, Brielle?”
Dahil sa tanong ng ama ay nabaling ang atensiyon ni Dylan sa kasintahan. He looked at her while waiting for her answer. His girlfriend, Brielle Clarkson, also looked at him. Hindi nakatakas sa mga mata niya ang pasimpleng pagsimangot nito kaya’t hindi mapigilang magtaka ni Dylan nang sa halip na sabihin ang totoo ay matamis itong ngumiti sa kaniyang mga magulang.
“Of course, Tito. Kaya ko naman pong hintayin si Dylan. I understand that he’s busy with his work. Maghihintay po ako hangga’t handa na siya,” his girlfriend answered sweetly.
Dylan pursed his lips together before shaking his head. He can sense the frustration from her voice while saying those words. Alam niyang hindi totoo ang sinabi ng kasintahan.
“Right. Ang alam ko ay may bago kang pinagkakaabalahan, Dylan ‘nak. Kaninong kaso nga iyon?” His mother tried to divert the topic. Hindi naman mapigilang makahinga nang maluwag ni Dylan dahil doon.
Talking about marriage suffocates him. Pakiramdam niya ay hindi pa siya handa para pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon.
He slowly nod his head and gave a small smile towards his mother. “Kaso noong Senador, Ma. Baka magiging abala ako sa mga susunod na buwan dahil ayaw umamin,” he answered.
“’Yong Senator Clemente ba? I saw him on the news the other day.” Dylan nodded as a response to his father’s question. “Ang Tito Damon mo ba ang prosecutor?”
Muling tumango si Dylan bilang sagot sa tanong ng ama. “Baka sa bahay nina Tito Damon muna ako matutulog nang ilang araw, Pa. Mas makakapag-usap kami nang walang sagabal doon. Nakapagpaalam na rin ako kay Tita Ivy.”
Declan Fontanilla, his father, let out a soft chuckle. “Son, you’re already old enough. Hindi mo na kailangan pang magpaalam sa amin ng Mama mo tungkol diyan,” natatawang bigkas nito kaya’t hindi mapigilang mapailing ni Dylan.
“I’m just giving you a heads up. Baka mamaya, isipin niyo na may kung sino nang pumatay sa akin dahil hindi ako dumadalaw dito at hindi niyo ako mahanap sa bahay ko,” biro niya sa mga magulang.
Ngunit sa halip na tumawa, kapwa sumeryoso ang mukha ng dalawa. He cleared his throat and scratched the back of his head. “M-Ma! Sabi mo gumawa si Lance ng donuts. Nasaan?” He tried to divert the topic.
Sabay namang napailing ang kaniyang mga magulang kaya’t muling napakamot sa batok si Dylan. Nawala sa isip niya na hindi nga pala siya maaaring magbiro nang ganoon. Hindi naging madali ang pagpilit niya sa mga ito para payagan siyang magpulis dahil natatakot ang kaniyang ina na masaktan o mamatay siya sa engkuwentro kaya naman nang pumayag ang mga ito ay ipinangako niya na hindi siya masasaktan o mamamatay dahil sa propesyon.
“Nagbake kagabi ang kapatid mo dahil alam na bibisita ka. May pasok nga lang ‘yon ngayon kaya hindi mo na naabutan,” sambit ng kaniyang ina at tumayo para kunin ang donuts na nakalagay sa refrigerator. Kahit papaano ay muling nakahinga nang maluwag si Dylan dahil hindi na siya nasermonan pa.
Matapos niyon ay nagpaalam na ang kaniyang ama na pupunta ito sa kuwarto dahil kailangan pang maghanda. Birthday kasi ng pinsan niya kaya’t pupunta sila roon pagkatapos ng tanghalian. Inihain lamang ng kaniyang ina ang donuts bago sumunod sa asawa.
Nang makaalis ang kaniyang mga magulang ay naiwan sila ng kasintahan sa hapagkainan. Dylan quickly reached out for his favorite food and started eating.
Wala sa sarili siyang napatigil sa pagkain nang mapansing ang pag-iling ng kasintahan mula sa kaniyang tabi. He immediately turned his head towards her direction with an arched eyebrows.
“Is there any problem?” he asked casually.
To his surprise, Brielle hissed. “Ipinahiya mo ako kanina,” naiinis na sambit nito bago nag-iwas ng tingin sa kaniya.
For the umpteenth time, Dylan’s brows arched an inch. “What do you mean? Wala akong ginagawang masama—“
“You did!” Malakas na sigaw nito kaya’t hindi mapigilang tumingin ni Dylan sa second floor sa pag-aakalang baka bumaba ang kaniyang mga magulang at makita ang inaasal ng kaniyang kasintahan.
He let out a harsh breath and firmly closed his eyes to calm down. “Huwag kang maingay. Baka marinig ka nina Mama at Papa.”
Brielle rolled her eyes and crossed her arms over her chest. “Napahiya na ako sa harap nila kanina kaya ano pa bang ipinag-aalala mo?” she fired back.
“Hindi kita ipinahiya—“
“Ipinahiya mo nga sabi ako!” she shouted once again. “Ano ‘yong sinabi mo kanina na we are just waiting for the right time para magpakasal? Anong right time ang pinagsasabi mo? Dylan, gusto ko nang magpakasal. Ikaw nalang ang hinihintay ko.”
He heaved a deep sigh once again before he reach out for his girlfriend’s hand. “Babe, may trabaho pa ako—“
“’Yan ka na naman, e. Talaga bang mas mahalaga pa sa ‘yo ‘yang letseng trabaho mo? Bakit ba nagpapakahirap ka pa riyan kung puwede mo namang kuhanin ang kumpanya na dapat ay sa ‘yo? Hindi ba ay dapat sa ‘yo mapupunta ang Inara? Pero dahil gusto mong magtrabaho riyan sa cheap na trabaho na ‘yan, ‘yong pinsan mo ngayon ang nagpapakabuhay reyna samantalang ikaw, puro ka trabaho!”
Dylan’s jaw clenched upon hearing Brielle. Gusto niya itong pagsabihan na huwag husgahan ang propesyong tinahak niya ngunit hindi na niya ginawa. Mas lalo lamang silang mag-aaway dalawa kung pupunahin niya pa.
Muling bumuntong hininga si Dylan habang hinihimas ang kamay ng kasintahan upang pakalmahin ito. “You want to get married?” he asked softly. Mabilis namang tumango si Brielle kaya’t muli siyang napabuntong hininga. “Fine. Tatapusin ko lang ‘tong kasong ‘to tapos pagpaplanuhan natin—“
“Kailan pa?” Brielle cut his words off. “’Yan din ang sinabi mo sa akin noon pero hindi mo tinupad. Kung ayaw mong magpakasal, sabihin mo na agad para hindi na ako maghintay pa!”
“Brielle, of course, I want to marry you. It’s just that my work—“
“Palagi ka nalang trabaho! Dylan, ano ba ako sa buhay mo? Kung totoong mahal mo ako, sana matagal mo na akong pinakasalan.” Iritadong pagputol ng kasintahan sa dapat ay sasabihin niya kaya’t muling siyang napailing.
Saglit niyang isinara ang mga mata upang pakalmahin ang sarili bago sumagot sa kasintahan. “Brielle, I love you. Alam mo naman iyon, hindi ba? But I just can’t leave my work just like that. Kapag nagpakasal tayo, saan tayo kukuha ng ipanggagastos araw-araw kung hindi ako magtatrabaho? Paano ang mga luho mo? Your Dad won’t give you money anymore, Bri. Ayaw kong madissapoint si Tito,” mahinahon niyang paliwanag sa kasintahan.
But instead of understanding him, she scoffed. “Sabi ko naman sa ‘yo, kuhanin mo na ang kumpanya sa pinsan mo. That was supposed to be yours! Paano ka yayaman agad kung mags-stay ka lang diyan sa trabaho mo?”
Sa hindi na mabilang na pagkakataon ay muling napailing si Dylan dahil sa sinabi ng kasintahan. “Babe, my profession is not cheap. Don’t degrade my profession in front of me,” he firmly stated.
“Whatever. Kapag hindi ka pa nagresign diyan sa trabaho mo, I don’t think I can be with you anymore. Palagi ka na lamang walang oras sa akin at kailangan ko pang manlimos ng atensiyon mo. I’m tired with this set up, Dylan!”
“Kaya gusto mong magpakasal na tayo? Bri, kahit na magpakasal tayo o hindi, ganito pa rin naman. I have to work extra hard after our wedding. Kailangan ko munang mag-ipon para sa ating dalawa—“
“Wala akong pakialam diyan. My friends are getting married! Bakit ako… bakit ako, ayaw mong pakasalan? Sabi nga ni Tita Layla kanina, hindi na tayo mga bata pa. Why can’t we just get married right away?” Brielle cut his words off once again, making him massaged his temple out of frustration.
“Babe, marriage comes with a great responsibility. And it takes time to get there, all right? Hindi natin kailangang magmadali dahil hindi naman karera ang pagpapakasal. Kapag ikinasal tayo, responsibilidad na kita. Ano na lamang ang sasabihin ng tatay mo kung hindi kita mapakain dahil wala na akong pera pagkatapos nating ikasal? I don’t want to disappoint anyone, Brielle.”
Sa halip na magsalita muli ay padabog na tumayo ang kasintahan at masama siyang tiningnan. “Ang sabihin mo, ayaw mo akong pakasalan,” she angrily said before she turned her back on him.
Dylan sighed. “Babe! Where the heck are you going? Birthday ni Iverson—“
“Ayaw kong makipagplastikan sa mga pinsan mo kaya puwede ba, pabayaan mo na ako?” Inis na sagot nito sa kaniya bago diretsong lumabas ng bahay.
Nang maiwang mag-isa ay agad siyang napailing at malakas na bumuntong hininga. He leaned on his chair for a much more comfortable stance while massaging his temples. Hindi niya alam kung paano ipaliliwanag sa mga magulang kung bakit bigla na lamang umalis ang kaniyang kasintahan.
Kaunti na lamang ay mauubos na ang pasensiya niya rito ngunit pilit niya pa ring ikinalma ang sarili. “You love her, Dylan. That’s what you get for loving her,” he whispered to himself before he reached out for a chocolate donut in front of him.
“Really? Right in front of my donut?” he mumbled and bitterly took a bite of it while reminiscing what happened a few minutes ago. Muli siyang napailing at sumimangot.
Maybe one day, his girlfriend will finally understand him. Maybe.