Chapter Thirty “I’ll just go ahead and check on my cousins. Do you want to come with me or…” Tatango na sana ako bilang tugon sa tanong ni Dylan ngunit nang nahagip ng mga mata ko na nakatingin sa akin ang mga Tito at Tita ni Dylan na para bang naghihintay ng tiyempo na mawala si Dylan sa tabi ko, agad na nagbago ang dapat kong isagot kay Dylan. “Go ahead. I’ll just stay here,” sagot ko at tipid na ngumiti si Dylan. Bahagya namang kumunot ang noo niya dahil sa sagot ko na para bang hindi niya inaaasahan na magpapaiwan ako ngunit nang mapansin na seryoso ako sa sinabi ko ay wala siyang nagawa kung hindi ang bumuntong hininga at mapailing na lamang. “All right. Babalik din ako kaagad,” he remarked as he leaned closer to my direction and kissed my cheeks. Kaswal na tumango naman ako at

