“Anong klaseng mukha ‘yan, Kuya Dylan? Habag na habag?”
Mas lalong napasimangot si Dylan matapos marinig ang sinabi ng pinsan. Iverson sat beside him and offered him a glass of wine. Wala siya sa sariling napailing bago tinanggap iyon.
“Anong kailangan mo?” he asked as he took a sip.
Iverson let out a soft chuckle. “May kailangan agad porque lumapit? Grabe ka sa akin, Kuya Dylan,” naiiling na sambit nito.
He scoffed. “Bakit ka nga sabi lumapit?”
“Sabi nina Ate Danielle at Ate Maurice, lumapit daw ako sa ‘yo, e. Mukhang kailangan mo raw ng kausap.”
Muling napailing si Dylan dahil sa sinabi ni Iverson. Those girls, he thought. “Mukha bang kailangan ko ng kausap?” he asked and let out a bitter laugh.
“Kanina ka pa mag-isa riyan, e. Kanina ka pa mukhang problemado. Bakit? Sa kaso ba? Roon kay Senator Clemente?” Iverson asked and yawned. “Sus, alam ko na, ano ka ba? Pati si Dad, stressed na rin dahil diyan. Mukahng hindi na nga natutulog, e. Napagalitan tuloy ni Mom. Deserved,” naiiling na sambit nito.
“Work is not a problem. It’s not about work,” mahinang pagtanggi niya. In fact, he’s doing well at work. Kaunti na lamang ay mapopromote na siya sa trabaho kaya’t maayos ang nagdaang araw niya.
“Oh. Kung hindi trabaho…” Iverson turned his head towards his direction. “Ibig sabihin, babae ang problema mo.”
He wasn’t even asking. Mukhang siguradong-sigurado pa ito sa sinabi niya.
Muling napabuntong hininga si Dylan nang maalala nag pinoproblema niya. Kaunti na lamang ay matatapos na ang pagpapakulong nila kay Senator Clemente and he promised Brielle that they’ll get married after that.
“Anong mayroon kay Brielle? Inaway ka na naman ba?” Iverson added.
He slowly shook his head. “Surprisingly, no. She’s doing well these past few days. Hindi na siya nagagalit sa akin dahill sa trabaho ko.”
“Oh? ‘Yon naman pala, e. Anong pinoproblema mo riyan? Dapat nga ay matuwa ka pa dahil hindi na nagt-tantrums ‘yang girlfriend mo tulad ng palagi niyang ginagawa,” takang tanong ni Iverson.
Hindi mapigilang manahimik ni Dylan. Isa pa iyon. Dapat nga ay magpasalamat siya dahil hindi na siya ginugulo ng kasintahan pero bakit pakiramdam niya ay kakaiba? Bakit pakiramdam niya, parang may mali?
“Nangako ako sa kaniya na magpapakasal kami pakatapos ng kaso kay Senator Clemente,” he opened up.
“Ha? Pero hindi ba’t sabi mo, wala sa plano mo na magpakasal ngayong taon?”
Dylan inhaled a sharp breath because of Iverson’s question. “Right. Pero gusto nang magpakasal ni Brielle kaya wala akong magagawa. Isa pa, matagal na rin naman kaming magkarelasyon. Baka nga tama sina Mama na oras na para magpakasal kaming dalawa,” mahinang sagot niya.
The truth is, ayaw niya pa talaga. Marami pa siyang gustong gawin sa buhay. Tingin niya ay hindi niya pa kayang magpakasal lalo pa’t pakiramdam niya ay hindi pa rin nila kilala ang isa’t-isa. But he doesn’t want to lose Brielle. Ilang beses na itong nagalit sa kaniya dahil ayaw niya pang magpakasal kaya’t sa oras na tanggihan na naman niya ito, baka tuluyan na silang maghiwalay.
“Bakit pakiramdam ko, napipilitan ka lamang?” Iverson asked, making Dylan sigh once again.
“Hindi naman sa napipilitan,” he answered and sipped on his drink. “Hindi pa lang handa.”
“Pero hindi ba, sabi mo sa amin noon, ayaw ni Brielle na pulis ka? Paano ‘yon?”
Napatango si Dylan at muling uminom ng alak. “That’s also the problem. Pinipilit niya akong magresign sa trabaho ko at kuhanin kay Maurice ang Inara. Damn. Ano bang tingin niya sa propesyon ko? I am doing well in my field. Ayaw ko namang kunin na lamang basta-basta kay Maurice ang Inara dahil lang mas mababa ang suweldo ko. At isa pa, hindi ako interesado sa negosyo but she keeps insisting that I should just quit on my work,” he answered with a hint of frustration on his voice.
Saglit na natahimik si Iverson matapos marinig ang sinabi niya. Dylan, on the other hand, sipped on his drink once again.
“Kung talagang pakakasalan mo siya pero ganiyan ang tingin niya sa propesyon mo, then you should rethink your decision,” Iverson trailed off before looking towards him. “You should be with someone who will help you to reach your dreams. Hindi mo kailangang manatili sa taong hindi nirerespeto ang pangarap mo. You have to be with someone who wants and supports you to be successful on your own. Hindi happy-happy lang ang pag-ibig, ano. Take it from our parents. Look at them and the love that they have… tingin mo ba, ganoon din kayo ni Brielle?”
Dylan massaged his temples out of frustration. Of course, he wants someone who can understand him… and that’s not Brielle. But he loves Brielle. He loves her more than anyone. Is he really willing to lose her just because of his ambitions?
Malakas siyang bumuntong hininga at tumayo mula sa pagkakaupo. “I still have time to think. Saka ko na iisipin ang bagay na iyon kapag tapos na ang kaso kay Senator Clemente,” sambit niya at akmang tatalikuran na ang pinsan.
“You should choose wisely, Kuya Dylan. Hindi lang naman si Brielle ang pwedeng magmahal sa ‘yo. What if mayroon pang iba na puwede? Someone who will understand your love for your profession… right?”
Instead of answering him, Dylan just let out a harsh breath. Dire-diretso siyang naglakad patungo sa silid at hindi pinansin ang mga pinsan na bumati sa kaniya. He’s too tired to socialize.
Before sleeping, he checked his phone to check if Brielle messaged him. Just like before, she did not. Napailing na lamang si Dylan dahil doon. Maybe she’s busy.
The next morning, Dylan woke up because of his cousins. Naguguluhan man kung bakit ang dami niyang text messages at missed calls, isa-isa niya pa ring binasa ang mga iyon.
In just a snap, Dylan’s world stopped. Tila binuhusan siya ng malamig na tubig habang binabasa ang mga mensahe ng mga pinsan. His lips quivered while reading their messages. Some were mad towards Brielle… some were comforting him. Dahil sa rami ay hindi niya maintindihan kung ano ang uunahin. Hindi pa rin pumapasok sa isip niya ang balitang sinabi sa kaniya ng mga ito. They were telling him a news.
A news that his girlfriend, Brielle Clarkson, is already set to marry someone else. And that’s not him.