Kabanata 02: Kidnapping

1897 Words
SCARLETT'S POINT OF VIEW "A-Ano na? Wala pa rin ba tayo?" Nasira ang katahimikan na namamayani sa loob ng van dahil sa biglaang pagtanong ko. Halos mag d-dalawang oras na, pero hindi pa rin kami nakarating sa pagdadalhan nila sa akin. Sabay-sabay pang lumingon sa akin nag nga lalaki, maliban na lang sa driver na busy sa pagmamaneho. "Ano na 'rin? Dalawang oras na pero hindi ka pa rin tapos sa kakatanong." Masungit na saad ng isa. Napahalukipkip naman ako sa gilid dahil sa sinabi niya. "Grabe naman, ngayon lang kaya ulit ako nagtanong." Bulong ko pa sa sarili pero narinig pala ng isa sa kanila. "Ang hirap maging Madre 'no? Kahit anong inis mo sa amin ngayon, ay hindi mo magawang ilabas ang emosyon mo o murahin man lang kami." Sabi nito bago tumawa. Tumango-tango naman ang katawan nito. "Kaya nga, bakit ba gusto mong mag-madre? Kagandang babae mo pa naman." Ako naman ay tahimik lang, wala akong plano na sagutin ang mga tanong nila. Wala rin naman akong inis na nararamdaman para sa kanila dahil sanay akong kontrolin ang emosyon ko. At isa pa, wala din namang magandang maidudulot pa kung makaramdam man ako ng galit. "Lah? Wala na, ayaw nang magsalita." "Inaasar mo kasi! Alam mong gusto niyang maging Madre, ano bang pake mo?" Siniko nito ang katabi na nagsalita. "'Yun ay kung magiging Madre pa siya. Si Boss ang pinaguusapan natin dito 'no, kilala mo naman 'yon. Kahit gaano pa karami ang suot niyan..." Tinuro niya ako gamit lang ang nguso niya. "Handang-handa 'yon na sisirin 'yan." Sabay-sabay silang natawa sa sinabi ng isa sa kanila. Nahihilo na ako sa mga itsura nila dahil halos lahat sila ay magkakapareha ng itsura ngayon, mga boses lang nila ang naiiba. "'Eh ano ba kasing ginawa mo't nakuha mo ang atensyon ni Boss?" Tanong ng bandang kaliwa. "Kung tutuusin, palagi naman 'yong nasa office niya habang kaharap ang monitor ng computer o di naman kaya ay laptop niya." Humawak ito sa baba niya at umakto na nagiisip. "Yung mga babaeng kinakama niya, mga kusa 'yong binibenta ang sarili nila para kay Boss. Alam mo 'yon? Kahit hindi lumabas si Boss ng office niya, mga babae ang kusang lumalapit sa kaniya." Nakakunot lang ang noo ko sa kanang sulok ng kotse at malapit sa bintana. Ang totoo ay hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi niya. Ang pamilyar lang sa akin ay ang nga bugaw na babae na sinasabi nito. Tumango-tango ang katabi nito na nasa kanang banda. "True, paanong ang isang Madre na kagaya mo 'eh bigla na lang nakuha ang atensyon niya? At talaga namang umabot pa sa punto na dinudukot ka namin ngayon." Paano nga ba? Bakit nga ba ako ang napagdiskitahan ng mga lalaking 'to? "Ano bang meron sa'yo?" Tanong ulit nila sa akin pero napatingin lang ako sa ibaba. "H-Hindi ko rin alam... kaya please, pakawalan niyo na ako." Agad akong nagangat ng tingin at nagpabalik-balik pa sa kanilang dalawa. "May pag-asa pa, siguradong papatawarin pa kayo ng Diyos. Manalig lang kayo, humingi kayo ng tawad—" Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil tinawanan lang nila ako. Malakas. Sobrang lakas at nakakabingi. Naitikom ko na lang ang bibig ko. Ano ba ang aasahan ko sa mga taong katulad nila na kayang gumawa ng ganito kasamang bagay? Isang malaking kasalanan sa Diyos ang ginagawa nila. Wala akong ibang magagawa kundi ang ipagdasal ang mga kaluluwa nila. Nanatili na lang akong tahimik sa mga susunod lang oras. Tikom na tikom ang bibig ko't nakapikit na rin ang mga mata ko. Wala na akong planong kausapin pa sila dahil baka mas lalo lang akong mapahamak. Ipagkakatiwala ko na lang kay Lord ang buhay ko at kung ano mang mangyayari sa akin. Nasa ganoong posisyon lang ako nang bigla na lang may kung anong tela na lumapat sa ilong ang bibig ko. Sinubukan ko pang manlaban pero nanghina na ako dahil sa matapang na amoy na sumusuot sa ilong ko. Wala na akong nagawa pa at namalayan ko na lang ang unti-unting pagbagsak ng katawan ko. Nawalan ako ng malay. — "Gising na mahal naming Prinsesa!" "Ahh!" Napabalikwas ako ng bangon dahil sa malamig na dumampi sa balat ko. Akala ko ay makakatayo ako pero laking gulat ko nang bumagsak ang katawan ko. Buti na lang ay hindi tumama ang ulo ko sa lapag. Malalim ang bawat paghinga na pinapakawalan ko nang magmulat ako't tumingala sa mga taong nasa harap ko. Sila pa rin ang mga lalaking kanina ay kasam ko sa van. Pero kung kanina ay nasa van ako, ngayon naman ay hindi na van ang kinalalagyan namin. "B-Bakit niyo ako ginapos?" Nanghihina kong tanong sa kanila habang pinapakiramdaman ang sarili ko. Mahaba ang palda na suot ko, long sleeve din ang polo. Pero ramdam ko ang makakapal na lubid na nakagapos sa kamay at binti ko. "Aba shempre, para hindi ka makatalon o maka-takas. Kidnapping nga diba? Common sense naman oh!" Sagot ng isa na tinawanan naman ng iba. Nakagat ko ang ibabang labi ko bago ko pinilit lumingon sa paligid ko. Umuuga ang kinalalagyan namin. Nakakarinig din ako ng tunog ng makina na kung hindi ako nagkakamali, ay tunog ng isang barko o di naman kaya ay yate. Naririnig ko rin ang hampas ng alon. Kaya sigurado akong nasa dagat kami. "Lulunurin niyo ba ako?" Tanong ko sa kanila. "Hindi ah! Pinapa-kidnap ka nga samin!" "Manahimik ka na lang, sayang lang ang laway mo kaka-explain sa babaeng 'yan." Suway ng isa sa kasama niya bago ito tumingin sa amin. "Manahimik ka rin! Kung hindi ka titigil kakatanong—itatapon talaga kita sa dagat nang makita nating lahat kung kaya mo bang maglakad sa tubig!" Nakaramdam ako ng kakaibang emosyon sa kaloob-looban ko dahil sa sinabi nito. "Bastos ka! Huwag mong binabastos ang salita ng Diyos kung ayaw mong ma-karma!" Malakas na sigaw ko na ikinagulat nila. "Ay? Sumisigaw pala ang mga future Madre? Ayos ah!" Tuwang-tuwang sabi nito. Isang masamang tingin lang naman ang ipinukol ko sa kanila. Tama na... manahimik ka na, Lottie. Hindi magandang inisin ang mga taong ito, siguradong hindi sila magdadalawang isip na itapon ka sa dagat kapag ininis mo pa sila. Halos mahigit isang oras na naman ang hinintay. Nanginginig na ang katawan ko dahil sa malamig na hangin at basa ang mga damit ko kaya ramdam na ramdam ko ito. Diyos ko, ikaw na po ang bahala sa kung saan man ako dadalhin ng mga taong ito. Nagdasal lang ako. Nanalangin sa Diyos dahil alam kong hindi niya ako pababayaan. NANG sa wakas ay huminto na ang sinasakyan namin ay lumapit sa akin ang dalawa sa kanila. Maingat nilang iniangat ang katawan ko para patayuin ako. Habang ako naman ay nanghihina at nanginginig ang tuhod kaya halos hindi makatayo ng maayos. Nakahawak sila sa magkabilang braso ko, sa ilalim ng kili-kili ko to be exact. Ganiyan ang paraan ng paghawak nila sa akin. "Lumakad ka ng maayos at 'wag kang pasaway kung ayaw mong malintikan!" bulong at pananakot sa akin ng nang kaliwa ko. Tanging tango lang ang nasagot ko nang maglakad kami pababa sa parang flat na hagdan na kumukunekta sa yate at kahoy na daanan. Nang makababa kami ay halos masilaw pa ako dahil sa sobrang liwanag. Nang sa wakas ay makakita naman na ako ng maayos, ay nawindang ako dahil sa nakikita ko ngayon sa harap ko. "A-Ano 'to?" Hindi makapaniwala kong tanong sa hangin. Isla, isang malaking Isla ang nasa harap ko! Green na green ang mga puno at may nakikita rin akong tuktok ng isang malaking mansion—hindi ko alam! "A-Anong—" "Ayts! Puro tanong! Akin na nga 'yang blindfold tsaka pang-salpak sa bibig nang manahimik 'to! Ang ingay-ingay, baka mamaya magising pa 'yung alaga ni Boss!" "A-Alaga—" naputol na ang sasabihin ko dahil may kung anong bilog na inilagay sila sa bibig ko. Sakto lang para barahan ang bunganga ko at hindi na ako makapagsalita. Maya-maya ay nilagyan na rin nila ng blindfold ang mga mata ko kaya wala na akong makita kundi kadiliman. Pinapakiramdam ko lang sila. Inalalayan nila ako habang naglalakad ngayon. Mabato ang ilan sa dinadaan namin kanina, at ngayon naman ay ramdam ko na mataas ang inaakyat namin pero hindi naman mahirap akyatin dahil parang sementado ang daanan. Bawat hakbang na ginagawa ko, ay malakas ang pagtibok ng puso ko. Sobrang kinakabahan ako dahil pakiramdam ko'y may hindi magandang mangyayari. Kinakabahan din ako sa taong sinasabi nila na Boss nila. "'Yown! Sa wakas ay andito na 'rin tayo! Buti naman!" Sigaw ng isa sa kanila bago kami huminto ng paglalakad. Nakarinig ako nang tunog ng pagbubukas ng isang bakal na gate at nakakatakot 'yon. Nakakapanindig ng balahibo. "Tara, lakad na ulit." Sabi ng nasa kaliwa ko. Hindi ako sumagot pero ginawa kong humakbang ulit kahit pa sa kaloob-looban ko ay ayaw ko dahil natatakot na ako. Mahaba-haba na naman ang nilakad namin. Mas bumigat ang bawat buga ko ng hininga. Kinakabahan na akong sobra-sobra. Paano? Paano kung konektado sa pamilya ko ang taong sinasabi nilang Boss nila? Paano kung nahanap na ako nila Daddy? Mas gugustuhin ko na lang ibalik sa Diyos ang buhay ko kaysa bumalik sa uri ng pamumuhay na meron ako noon! "Tentenen.... tenenenen...." nakagat ko ang ibabang labi ko nang magsimulang kumanta ang ang nasa kanang ko. Bumagal na rin ang paglalakad namin. Marahil dahil malapit na kami—o baka andito na kami! "What took you so long?" Nanindig ang balahibo ko dahil sa malamig na boses. Sobrang lamig, kakaiba ang atake ng boses niya sa akin. Binitawan na ako ng dalawang nakahawak sa akin kanina. Nakatayo lang ako ng tuwid, halos hindi gumagalaw dahil baka mamaya ay bigla na lang akong barilin. "Aba, nag-reklamo pa! Pasalamat ka nga boss 'eh tinanggap namin tong illegal na trabaho—" "True." "Tsk, magsilayas na kayo! Naririndi ako sa mga pagmumukha niyo! I already transfer the money to your bank accounts so leave, and don't you dare to tell anyone!" Napaigtad ako dahil sa malakas niyang pagsigaw. Narinig ko na lang ang mga tuwang-tuwa na sigaw nila at papalayong yabag ng mga paa nila. Naiwan ako... naiwan akong nakatayo, nilalamig at natatakot dahil wala akong makita at hindi ko alam kung ano ang nasa paligid ko. Oh Diyos ko... please, help me. "Won't you ask some questions, about why you were here?" bigla ay tanong nito sa akin. "Sasagutin mo ba kung magtatanong ako?" nangangatal pa ang labi na tanong ko rin pabalik sa kaniya. Napasinghap ako nang bigla na lang siyang tumawa. Iyong tawa na mahina, pero nakakatakot at nakakapanindig ng balahibo. "Come on, ask me... Scarlett." Natigilan ako. Pati paghinga ko ay tumigil din nang banggitin niya ang totoong pangalan ko. Ano ba itong nangyayari? Sino ba ang taong ito? "A-Anong intensyon mo? Bakit mo ako pinadukot? Anong kailangan mo sa isang babaeng katulad ko?" Mahinahon kong tanong. "Hmm... let's see..." Narinig ko ang papalapit niyang yabag na unti-unting naglaho. Hindi ko na alam kung malapit na ba siya sa akin, o malayo pa. Pero halos mapa-talon ako sa gulat nang maramdaman ko ang hininga niya sa bandang gilid ng leeg ko. Kasunod noon ay ang pagsagot niya sa tanong ko. "You'll be my bed warmer from now on... pagsisilbihan mo ako, sa ayaw at sa gusto mo. Does that answer your questions, mi amore?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD