WARNING: This chapter contains scenes that might be triggering for some readers. Reader's discretion is advised.
SCARLETT'S POINT OF VIEW
"Hindi kita maintindihan..." naguguluhan kong tanong sa kaniya.
Para akong tuod na nakatayo lang habang pinapakiramdaman ang paligid ko. Kinakabahan pa rin ako, para nang tatakas ang puso ko mula sa dibdib ko.
Naguguluhan ako sa sinasabi ng lalaki. Ang presensya niya rin ay nakakakilabot lalo na't sobrang lapit niya sa akin.
"You're not smart enough then." Naramdaman ko ang paglayo niya sa akin. Bigla na kasing lumamig ulit, ibig sabihin ay malayo na sa akin ang katawan niya.
Sa pagkakataong ito ay ginalaw ko na ang mga braso ko. Hinawakan ko ang kanang braso ko gamit ang kaliwa kong braso. Pinapanatili kong kalmado ang sarili ko dahil alam kong walang magandang maidudulot sa akin kapag nataranta ako.
"Bed warmer... gusto mo ng babaeng papaligayahin ka sa gabi—" huminto ako sa pagsasalita. Pawang dilim pa rin ang nakikita ko dahil sa blindfold na nasa mga mata ko.
"Pero hindi ko kayang gawin ang gusto mo. Hindi ako isang bayaran na babae at wala akong alam sa bagay na gusto mong mangyari." Pawang katotohanan na sabi.
Totoo ang sinasabi ko. Purong katotohanan ang lumalabas sa bibig ko dahil kasalanan sa Diyos ang magsinungaling.
Narinig ko ang tunog ng upuan na sumasayas sa sahig. Siguradong hinihila niya ito palapit sa pwesto ko. Masakit sa tenga at kung pwede lang ay tatakpan ko na ang tenga ko, pero wala ako sa posisyon para mag-inarte dahil hindi ko alam kung ano ang nasa harap ko.
May posibilidad kasi na may hawak na baril ang taong ito, o di naman kaya ay may mga taong nanunuod sa pinaguusapan naming dalawa.
Nakakatakot. Pero wala akong magagawa kundi ang ipagkatiwala sa Diyos ang lahat ng nangyayari ngayon.
Pakiramdam ko ay nasa harap ko siya. Nakaupo sa upuan na kanina ay sinadya niyang hilahin para marinig ko.
"But you're the only woman who's qualified to be mine—"
"Hindi ako pwedeng maging sa'yo, dahil ipinangako ko nang sa Diyos ko lang itutuon ang buong atensyon ko—ang buong buhay ko." Katotohanan. Katotohanan ulit ang sinabi ko.
Hindi ko rin alam kung saan nanggagaling ang. Tapang na mayroon ako ngayon, pero alam ko. Alam na alam kong magagawa kong makatakas sa delikadong sitwasyon na 'to, dahil kasama ko ang Diyos. Alam kong ginabayan niya ako ngayon.
"You're not a full pledge nun—hindi pa tapos ang Noviciado, kaya hindi ka pa isang ganap na madre."
Nagulat ako dahil sa narinig ko. Pati ang bagay na 'yon ay alam niya? Sino ba ang lalaking 'to? Paanong ang dami niyang alam sa akin?
Punong-puno na nang katanungan ang isip ko. Napakaraming katanungan!
"Pero magiging Madre ako dahil 'yan ang tawag ng Diyos sa akin. Kaya nakikiusap ako sa'yo, kung sino ka man. Pakawalan mo na ako, wala kang mapapala sa isang babaeng katulad ko—"
"Why won't you leave on your own?" Rinig ko ang paghahamon sa boses niya. Hinahamon niya akong gawin ito.
"You can't do it? Can't you ask for your God's help?" Narinig ko ang pahina niyang pagtawa. "Hmm... why don't you walk above the water? Isn't that possible? In that way, you'll be able to leave and escape from my grasp, my apple."
Umakyat na naman ang lahat ng dugo sa ulo ko dahil sa narinig kong sinabi niya. "Bastos ka! Huwag mong binabastos ang banal na salita ng Diyos—"
"I am not. I'm just challenging you, that's all. It's up to how you interpret it, yah know..."
"Hindi pa huli ang lahat. Magagawa ka pang patawarin ng Diyos. Pwede mo pa akong pakawalan, ipagdadasal ko ang kaluluwa mo. Makakaasa kang isasalba kita—"
"Quit it. Redemption is not for me. Even Satan was afraid that I'd steal his throne if I go to hell." Ang boses niya ay malamig. Sobrang lamig na parang nararamdaman ko talaga ito.
Hindi ito ang unang beses na nakarinig akong tao na ganito kadilim magsalita. Pero ngayon ko na lang ulit ito naranasan kaya halos manghina ang tuhod ko dahil sa kilabot na naramdaman ko.
"Stop acting so high and mighty, Scarlett Dianne Saycon. I know who you truly are. Kilala ko ang buong pagkatao mo, ang pamilya mo, at ang uri ng buhay na noon ay tinatahak mo. I am even aware of your worst sin of all."
Nanginig ang buong katawan ko dahil sa narinig kong sinabi niya. Bumigat din ang bawat paghinga ko—parang nahihirapan akong huminga!
May gapos ang mga kamay ko kaya hindi ko magawang hawakan ang dibdib ko. Ang ginawa ko na lang ay hampas-hampasin ito sa paraan na pagpukpoj ng dalawang kamay ko sa dibdib ko.
I am hyperventilating. Shocked by the fact that he is connected to my old family.
"A-Anong kailangan mo?! I am not connected with them anymore! Nagbagong buhay na ako—pinatawad na ako ng Diyos!" Malakas kong sigaw. Bakas ang galit at pagaalala sa boses.
Hindi ko lubos akalain na dadating ang araw na mangyayari 'to.
Nakakatakot—paano kung ipagkalat niya? Paano kung mayroon pa siyang ebidensya? Paano kung sasabihin niya sa akin ang noon at buhay ko at kung sino ang totoong ako?
Nakakadagdag pa sa takot na nararamdaman ko ang dilim na tanging nakikita ko.
"Oh? I thought your God has forgiven you? Bakit natatakot ka? Could it be that... you're faith in him is not the full? Are you doubting the God that you're supposed to worship and give your whole life to?"
"T-Tama na... I have faith in God. Alam at ramdam kong pinatawad niya na ako. Malaki ang tiwala ko sa kaniya at hindi ako kagaya niyo na walang kinikilalang Diyos! Ikaw na kampon ni Satanas? Wala kang magagawa! Hinding-hindi mo magagawa ang gusto mong gawin sa akin dahil siguradong hindi ako pababayaan ng Diyos ko!"
"You're hyperventilating. You're still affected by them, mi amore." ang boses niya ay mas lalong naging madilim. Isang boses na pakiramdam ko ay boses na ni Satanas!
Oh God, gabayan mo po ako. Gagawin ko ang lahat para makatakas lang sa lalaking to!
Ang kamay ko na nakagapos ay agad kong iningatan para malakas na hilahin ang piring na nasa mata ko. Eksakto na hindi ito masyadong masikip kaya nahila ko agad at sa wakas ay nakahagip na ng liwanag ang mga mata ko.
Ilang segundo pa ang lumipas bago umayos ang paningin ko.
Wala na akong oras pa para mamangha sa engrande at mala-palasyong nasa harap at paligid ko ngayon.
Isang malaking chandelier. Isang grand staircase at tila mga ginto at crystal na disenyo ng mga figurine at iba pa!
Kung iba siguro ang nasa posisyon ko ngayon ay masasabi nilang langit na ang nasa harap ko.
Pero para sa akin ay hindi!
Alam ko, ramdam ko at naniniwala ako sa sinasabi ng instinct ko.
Ito ang nagsisilbing impyerno para sa akin kung tatagal pa ako rito!
"Please, just let me be." Mahina kong bulong at hindi man lang nasilayan ang mukha ng lalaking nakaupo sa harap ko nang mabilis akong tumalikado at tumakbo palabas ng malaking pinto.
Lord, ikaw na po ang bahala. Makakatakas man ako o hindi, alam kong isa sa mga ito ay plano mo! Alam kong tutulungan mo akong makalabas sa delikadong sitwasyon na 'to!
MABILIS ANG bawat takbo na ginagawa ko. Ito na lang ulit ang huling beses na ginawa kong tumakbo ng ganito kabilis.
Walang mga guards, walang ibang tao at mukhang kaming dalawa lang talaga. Nakagapos pa rin ang mga kamay ko, pero hindi naman nakagapos ang mga paa ko kaya magagawa kong tumakas! Alam kong magagawa ko.
Halos nakabukas na lang ang bibig ko dahil dito na ako humihinga habang tumatakbo ako pababa. Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil hindi ako dumaan sa mismong daanan na papunta talaga dito sa mansion. Wala akong balak na magpahuli sa kaniya kaya naman sinunod ko na lamang kung ano ang sinasabi ng instinct ko.
Masukal ang daanan, pero hindi madalas kaya nagagawa kong tumakbo ng mabilis pababa. Puro puno, halaman at may mga matutulis pa kaya may pagkakataon na sumasabit ang palda kong suot na nagiging dahilan ng paghinto ko.
"Ahh—" Napasigaw ako pero agad kong tinakpan ang bibig ko dahil baka marinig niya ako. Tumuona ng atensyon ko sa mahaba kong palda na nasabit sa isang sanga.
Mabilis ko itong hinatak, dahilan kaya ito napunit pero wala na akong pake ngayon dahil mas priority ko ang makalayo sa mansion at makatakbo sa panganib.
Na saan ba ako? Anong Isla ito? Impossible na kami lang ang tao sa Islang ito lalo na't mansion ang bahay na nasa taas! Siguradong mga ibang tao na pwede kong mahingan ng tulong kaya hindi ako susuko.
Hindi ang pangyayaring ito at ang lalaking 'yon ang sisira sa pangarap ko!
Pagod na pagod na ako kakatakbo. Marami na din ang sugat sa katawan ko at halos punit-punit na ang long sleeve polo at mahabang palda na suot ko dahil sa kaka-sabit sa kung saan-saan.
"Please... Lord." Sambit ko sa isip ko at nagdasal na rin ng konti habang tumatakbo ako.
Laking gulat ko na lang nang sa wakas ay makakita na ako ng liwanag. Nabuhayan ako ng loob at mas binilisan pa ang pagbaba ko—pero halos mapatili ako ng malakas dahil bigla na lamang akong nadulas at dere-deretso ang katawan ko.
"Ahh! Argh! Arayy!" d*ing ko sa bawat pagtama ng katawan ko sa mga sanga, bato at halaman, nagpagulong-gulong ang katawan ko at sigurado akong mas malala ang mga sugat na natamo ko ngayon kesa kanina. Napapikit na lang ako at napadasal dahil sa takot na baka sa kung saan bumagsak ang katawan ko. Pero sa awa ng Diyos, ay ilang sandali lang tuluyan na rin akong bumagsak sa isang patag.
Nakadapa ang katawan ko. Mahapdi ang mukha ko dahil tumama rin ito sa lupa. Sobrang sakit ng katawan ko at hindi ako halos makakilos, kung hindi ko pa narinig ang tunog ng paghampas ng alon ay hindi ko pa rin imumulat ang mga mata ko.
"O-Ouch..." Napa-d*ing na naman ako nang subukan kong bumangon. Halos minuto rin ang ginugol ko bago ako tuluyang nakatayo. Pakiramdam ko ay nabaliaan ako ng buto sa bandang binti dahil sobrang sakit nito pero hindi ko naman halos ma-inda dahil nakatuon lang ang paningin ko sa tanawin na ngayon ay nasa harap ko.
"No... please—" nanghihina kong sabi habang dahan-dahan na naglalakad. Nakaderetso ang paningin sa dagat na kumikislap dahil sa araw na ngayon ay tirik na tirik. Mala-crystal ang dagat sa sobrang ganda.
Dere-deretso pa sana ang paglalakad ko, kung hindi ko lang naramdaman ang tila pag-crack ng lupa ay hindi pa ako hihinto at aatras dahilan para matumba ako't mapaupo.
Bagsak na bagsak ang balikat ko, hinang-hina ako at hindi na alam ang sasabihin ko.
"God... is this part of your plan?" nakagat ko ang ibabang-labi ko. "Is this... part of the challenges that I needed to pass?"
Para akong naiiyak na hindi ko alam. Hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari 'to ngayon.
Konektado na naman ang pamilya ko. Ang pamilya ko na naman ang may kasalanan ng paghihirap na mararanasan ko.
"This is part of your destiny, Scarlett..." It's him. Ang lalaking kanina ay tinatakbuhan ko.
"Your family never wanted you to be a nun. You're not suitable to be one. That's why they hired me to bring you here."
Naiyak na ako dahil sa sinabi niya. It's because of them again.
“We have all the time in the world, my love. Embrace this as a challenge before you fully commit to being a nun.”
Hindi ko alam kung anong naisip ko, pero ginawa kong unti-unti pumihit paharap sa direksyon niya kahit nakaupo lang ako at umaagos ang luha sa pisngi ko.
Sa pagkakataong ito, ay nakikita ko na ang kabuuan niya. Pale green eyes, medyo singkit na mga mata. May kahabaang buhok. Makisig na pangangatawan at maputing kutis.
Para siyang isang anghel.
"Think of it as a game—but keep in mind that it is more than just a game, Scarlett; it’s a battle of wills and resilience." Saad niya habang nakatitig sa akin ang mga mata niya.
"Challenge me if you dare, fight against the craving, deny the thrill of what’s forbidden. Yet somehow, if you never gave in and did resist all of it..."
Unti-unting tumaas ang isang sulok ng labi niya. "You'll be able to become a full pledge nun, like what you wanted."
"Your future is up to you."
Sakto lang na narinig ko ang mga sinabi niya, dahil maya-maya ay nandilim na rin ang paningin ko't bumagsak na ang katawan ko. Naramdaman ko na lang ang mga bisig na bumuhat sa akin hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng huwisyo.