SCARLETT'S POINT OF VIEW
Maliwanag. Mabango. Malawak.
Iyan ang tatlong salita na dumi-describe sa kwarto na kinaroroonan ko.
Ngayon lang ako ulit nagising magmula nang mawalan ako ng malay. Nakaupo ako ngayon sa kama habang pinapakiramdaman ang sarili ko.
"O-Ouch..." Napa-d*ing naman ako at agad na napahawak sa ulo ko. Masakit kasi ito, parang binibiyak.
Binaba ko naman ang tingin ko sa mismong katawan ko.
Iba na ang suot kong damit, naka-pantulog na dress ako—at kung hindi ako nagkakamali, ay damit ko ito kaya agad akong napalingon-lingon para hanapin ang bag ko. At hindi naman ako nabigo, dahil nakita ko itong nakalapag malapit sa malaking cabinet na nakabukas at walang kalaman-laman.
Bumuga ako ng malakas na hangin. "Diyos ko, ipagkakatiwala ko na lang po talaga sa iyo ang lahat." Sambit ko habang bagsak ang balikat na napasandal na lang sa headboard ng kama.
Nagmumuni-muni lang ako, walang planong bumangon at mas lalong walang planong lumabas ng kwarto.
Maraming bandage at bandaid ang buong katawan ko. Maraming masakit at kumikirot sa tuwing gumagalaw ako. Pero mukhang pawala na rin dahil ginamot ng kung sino ang mga sugat na natamo ko kanina dahil sa pagulong-gulong sa tila ay maliit na version ng bangin.
Tinikom ko ang bibig ko nang maisip kung sino ang sakali na gumamot sa akin. Nanlulumo ako, dahil sigurado akong nakita niya ang buong katawan ko lalo na't binihisan niya ako.
Oh God! Ano na lamang ang masasabi ng mga Obispo at Pari sa church kapag nalaman ni lang may lalaki na nakakita ng hubad kong katawan? Paano na lang kapag nalaman nila ang mga nangyayari ngayon? Ililigtas kaya nila ako?
Napahilamos na lang ako sa sarili kong mukha kahit wala namang tubig. Grabe ang disappointment na nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay napakahina ko!
"Naalala ko pa ang iilan sa mga sinabi niya. Tandang-tanda ko pa ang bawat salitang lumabas sa bibig ng lalaking 'yon." pagkausap ko sa sarili ko.
Bago kasi ako mawalan ng malay, ay narinig ko muna lahat ng sinabi niya. Grabe, gusto niyang ituring ko na isang laro ang nangyayari sa amin ngayon. Gusto niyang mag-laro kami na tulad ng pusa at daga.
Bumabalik din ang mga sinabi niya kanina na kasabwat niya ang pamilya ko. Pamilya ko na naman ang may kasalanan at may gawa nang lahat ng ito!
Nakakasikip sa dibdib isipin na sila na naman ang dahilan nang pagbabago ng buhay ko at ng mga pagsubok at paghihirap na nararanasan ko. Hindi ko rin lubos akalain na makikita nila ako—na malalaman nila ang lokasyon ko.
Kinagat ko ang ibabang labi ko para patigilin ang mga ideya na pumapasok sa isip ko. Mas lalo lang naman kasing sumasakit ang ulo ko kakaisip ng mga problema. Sa tingin ko ay mas kailangan ko munang magpahinga ngayon, kesa ang mag-isip.
Napabuntong-hininga na naman ako. Pero bago ako humiga ay pinilit ko muna sanang tumayo, kaya lang hindi talaga kaya dahil masakit ang binti ko. Gusto ko sanang lumuhod at mag-dasal, pero dahil hindi ko kaya—dito na lang ako sa kama.
Pinihit ko na agad ang mga mata ko. Taimtim at buong pusong nagdasal nang halos mahigit isang oras.
Kinausap ko lang si Lord, sinabi ko sa kaniya ang mga naramdaman ko ngayong arawa at pati na rin ang mga problema ko ngayon. Ibinibigay ko sa kaniya ang buong tiwala ko kaya naman wala akong dapat ikatakot.
Nang matapos akong mag-dasal ay wala na akong ibang ginawa pa kundi ang humiga agad. Wala akong gutom na nararamdaman kaya mabilis din akong nakatulog.
—
ISANG malakas na lagabog ang gumising sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog. Talagang napabangon ako at agad na nagmulat ng mata.
Pero ganoon na lamang ang pagtataka ko at pagkunot ng noo ko nang wala akong makita. As in wala! Itim ang lahat—madilim. Sobrang dilim! Pero hindi ako natakot o nag-panic man lang.
"Walang kuryente?" Kasabay nang pagsasalita ko ay ang isang napakalakas na tunog ng pinaghalong kulog at kidlat. Napaigtad pa ako dahil sa gulat nang biglang lumiwanag ang bintana dahil sa kidlat.
"Jusko! May bagyo ba?" Maaraw naman kanina. Anong nangyari? Bakit may bagyo na agad?
Narinig ko na ring kumakalam ang sikmura ko, kaya lang wala naman akong makita kaya hindi ko alam kung paano ako tatayo.
Wala akong magagawa kundi ang hintayin na puntahan ako dito ng lalaki na hindi ko man lang alam ang pagngalan.
Wala naman kasi akong cellphone o flashlight man lang para sana may makita. Pakiramdam ko ay isa lang akong bulag dahil nangangapa ako ngayon sa dilim.
Naghintay lang ako nang halos sampung minuto. Ang sampung minuto ay naging isang oras—at ang isang oras ay lumampas pa ng tatlong oras. Sobrang tahimik ko lang, nakaupo at nakasansal sa headboard ng kama habang nakasaklob ang dalawang kamay at kinakausap ang Diyos. He's my comfort zone, kaya naman kahit gaano pa kadilim ngayon ay hindi ako natatakot.
Because I know that he's watching me. Binabantayan niya ako at hindi niya hahayaan na lapitan ako ng mga masasamang bagay.
Akala ko ay madadagdagan pa ng isang oras, pero natatanaw ko na ang unti-unting pagliwanag nang labas ng pintuan ng kwarto kaya naman napunta ang atensyon ko 'ron.
He's here.
At tulad nang nasa isip ko—andito na nga siya. May dala-dalang flashlight na napakaliwanag at naka-kabit sa ulo niya dahil ang mga kamay niya ay may hawak na malaking tray na naglalaman ng pagkain. May nakasukbit din na kung ano sa kanang balikat niya pero hindi na ako nagtanong at hinayaan na lang na makalapit siya.
"Anong nangyari?" Agad na tanong ko nang makalapit siya.
Hindi siya agad sumagot, nilapag niya muna sa side table ang tray na dala niya pagkatapos ay hinila ang isang maliit na sofa na nasa kabilang part ng kwarto. Nilapag niya rin ang flashlight sa taas ng cabinet, kaya naman hindi na masyadong nakakasilaw at sakto lang ang liwanag—saktong nakikita naman ang isa't-isa bago siya umupo.
Malapit siya sa akin, naka-dikit kasi halos anf sofa sa kanang side ng kama kung na saan ako banda nakaupo.
"I dunno, there's a power outage. Seems like hanggang umaga 'to. So it'll be dark, and we should stay in the same room." saad niya bago tumayo na naman para kunin ang isang tray at inilapag iyon sa ibabaw ng binti ko.
"Bakit..? Natatakot ka bang mag-isa sa kwarto mo?" Nagtataka kong tanong, nakakunot pa ang noo ko.
Natawa naman siya. "The fvck? Of course not, ikaw ang iniisip ko na baka natatakot ngayon kaya ako pumunta dito." Parang iritado niya namang sabi kaya napabuntong-hininga ako.
"Please, avoid cursing when you're with me." Paalala ko.
"Why? Allergic ba ang mga soon-to-be Madre sa. Mga bad words?" nakangisi niyang tanong. "Naiinggit ka ba? Since you can't express your emotion just like how we did?"
Matamis akong ngumiti. "Hindi. Naaawa ako, since you guys have the chance to surrender your life to God but you didn't—instead, you're doing sinful deeds that defy God's testaments."
Nag-crossed arm siya habang nakatingin ngayon sa akin. Pansin ko na parang napipikon na siya sa mga naririnig niyang sinasabi ko.
"Oh well? I'm sure—I don't believe in your God. I'm a Shinto."
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Shinto... a familiar word of course.
"Japanese ka ba?"
Tinaasan niya ako ng kilay. "Isn't it obvious?"
"I see..." Tumatangong saad ko bago nagbaba ng tingin sa pagkain na inilapag niya.
Ang Shinto ay ang pinakasikat na religion sa Japan. Originally made in Japan. Ito yung religion na kung saan ay hindi lang iisa ang Diyos nila. Marami—and mostly na connected sa nature ang mga tinuturing nilang Diyos.
"Niluto mo?"
"Again, isn't it obvious?" Nako! Napaka-sungit naman ng lalaki na 'to. Akala mo 'eh may regla.
"Infairness, marunong pa lang magluto ang mga taong kagaya mo—"
"Kagaya what? Gwapong katulad ko ba?" Napangiwi ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko ma-gets ang personality ng lalaking 'to. Mas mahirap pa siyang intindihin kesa sa mga bata 'don sa House of Hope.
"Hindi por que mayaman ako, eh 'di na ako marunong magluto. I live on my own despite being a wealthy person—"
"And you're wealthy enough to buy a woman but you still accepted the job that my family has offered you?"
Pansin ko ang pagiiba ng ekspresyon sa mukha niya. Nawala ang ekspresyon, nakapalamig niyang tignan ngayon habang nakatitig sa akin ang pale green niyang mga mata.
"Well... yeah, you're right. I accepted it since I was getting bored in life. And instead of buying some woman, I kidnapped you instead. You wanna know why?"
Hindi ako sumagot, nakipagtitigan lang ako sa kaniya. "Because it's fun." nakangisi niyang saad. "I'm wondering how would a holy person taste... do you taste different? Or do you taste like an ordinary woman?"
Napasinghap ako. Hindi makapaniwala sa sinabi niya.
"That's what I wanted to find out, mi amore."
Awkward akong tumawa. Gusto ko sanang magsalita pero wala naman akong masabi. I'm speechless!
"Masyado kang nagpapakontrol sa demonyo—"
"Wrong. I'm controlling my own body. I know what I'm doing and God knows how obsessed am I." Pilyo niyang sabi.
"Pero hindi ito tama. Hindi talaga tama na nanatili pa ako rito—"
"Stop it, Scarlett." He smirk. "Whether you like it or not, you're staying here and accept the game—as I'd you have any choice." Humagalpak siya ng tawa.
Humigpit ang paghawak ko sa bedsheet matapos marinig ang sinabi niya. Nakakatakot siya ngayon.
"Now eat and fill your stomach." Tinuro niya ako. "Dudukutin ko yang mata mo kung hindi ka pa kakain—"
"Kakain na ako." Pagputol ko sa sasabihin niya. "Thank you for your effort sa pagkain."
Sandali akong tumahimik dahil magdadasal ako. Sandaling dasal lang pero galing sa puso.
Hindi ko kayang tanggihan ang pagkain na ito lalo na't gutom na gutom na ako. I needed to survive in this situation. Alam kong may mas magandang plano ang Diyos para sa akin kaya gagawin ko ang best ko na manatiling buhay habang andito ako.
NANG matapos akong kumain ay siya ring pagtayo agad ng lalaki. Kinuha niya na ang tray pagkatapos ay lumabas na ng kwarto. Pinanuod ko lang kung paanong lumabas siya ng pinto, pero hinintay ko naman siyang makabalik.
Talagang hindi ako natulog kahit gusto ko nang matulog dahil pagod ako. Hindi naman ako natatakot ngayon—gusto ko lang malaman ang pangalan niya.
Ilang minuto na naman ang hinintay ko bago siya makabalik. Nanatiling maliwanag kasi dito sa kwarto dahil 'di niya naman kinuha ulit ang flashlight—iniwan niya lang, kaya nakakapagtaka kung paanong nakakakita siya sa dilim.
Nang sa wakas ay bumalik na siya—may dala-dala na siyang makapal at mukhang mamahalin na kumot. Lumapit siya agad sa kama at sa bansang kaliwa siya umupo.
"M-Magkatabi tayo?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Oh God! Hindi pwede!
Humarap siya sa akin. Magulo ang mahaba niyang buhok, at parang kumislap ng panandaliang ang mata niya.
"Am I not allowed to lay on my own bed?" Iritado niya na namang tanong.
Napakamot naman ako sa ulo ko. Paano ko ba kakausapin ng maayos ang lalaking 'to?
"Hindi kasi pwede—"
"Stop whining. Bakit? Natatakot ka bang may mangyari sa atin, Scarlett?" Naghahamon na tanong niya sa akin.
"What? Of course not—"
"Then so be it. Dito ako matutulog sa kama, periodt."
Wala akong nagawa nang humiga na siya. Napakamot na lang ulit sa ulo bago ay napabuntong-hininga.
That's right—he's challenging me. Inutusan siya ng pamilya ko na paibigin at pigilan ako sa pagm-madre. Siguradong isa na ito sa plano niya.
Hindi na ako umimik pa, natulog na rin ako dahil kanina pa nga naman ako inaantok.
—
ANG malakas na ulan ang gumising sa akin kinabukasan. Rinig na rinig mula sa labas at talagang matagal din bago ko binuksan ang mga mata ko dahil antok na antok pa ako.
Kung hindi ko lang napansin ang mabangong amoy nang ngayon ay unan ko at naka-dikit sa akin—siguradong tulog pa rin ako.
Ang bango... bakit ba ang bango? Kailan pa naging mabango ang unan sa kwarto ko—
Mabilis na napamulat ang mga mata ko nang tamaan ako ng reyalisasyon.
Hindi unan ang naaamoy ko ngayon.
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. Pabilis nang pabilis ang t***k ng puso ko habang inaaninag ko ang bagay na naging unan at kayakap ko.
Nang makita at ma-confirm ko na kung ano, para akong binuhusan ng malamig na tubig sa bumungad sa akin.
Hindi kumot at unan ang kayakap at katabi ko!
"Jesus Christ! Patawarin mo ako Lord!" Agad na bulong ko habang tinatakpan ang mga mata ko dahil walang pang-itaas na damit ang lalaking kanina ay nakayakap sa bewang ko't nagmistulang unan at kumot ko.
Diyos ko! Ano na lang ang mangyayari sa akin magmula ngayon? Bakit pakiramdam ko ay hindi ko magagawang lampasan ang pagsubok na ito?