Kabanata 10: Let's End This Game

1428 Words
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW "Hey... what's wrong with you? You've been avoiding my gaze." Napantig ang tenga ni Lottie matapos marinig ang sinabi ni Pierce. Mas bumilis pa ang pagkain niya nang magsalita ito. "Mmm... masarap, sumarap lalo ang luto mo." Kunwari ay papuri pa ni Lottie at pilit iniiwasan ang topic na ino-open ni Pierce. Agad na kumunot naman ang noo ni Pierce. Lumamig din lalo ang ekspresyon sa mukha niya dahil hindi naman siya tanga at alam niya na iniiwasan talaga ni Lottie ang mga titig niya—at halos tatlong araw na! Tatlong araw na magmula nang nagkagan'to ang dalaga. Hindi nagpatuloy sa pagkain si Pierce. Sa halip ay inilapag niya sa plato ang kutsara at tinidor niya. Pagkatapos ay tinitigan lang si Scarlett habang kumakain ito. Mabigat ang titig niya, pinapasadahan niya talaga ng tingin ang iba't-ibang sulok ng mukha nito. Makapal ang kulay ni Scarlett, pero nakaayos at maganda ang shape, idagdag pa ang mata nitong kulay blue na talaga namang bumagay sa blonde na buhok nito at maputing kutis. Mahaba rin ang pilik mata ni Scarlett, matangos ang ilong at talaga namang makinis ang mukha. Wala man lang bahid ng kahit anong pores, mukhang inalagaan nito ang mukha nito. Bumaba ang titig ni Pierce sa labi ni Scarlett. Hindi niya mapigilang pasadahan ng dila ang ibabang labi niya habang nakatingin 'don. Para siyang isang tigre na natatakam sa pagkaing nakahain sa harapan niya. Ang leeg din nito... siguradong-sigurado si Pierce na mabango ang parte na 'yon, masarap isiksik ang mukha niya 'ron. Sunod na lumandas ang paningin niya sa malulusog na dibdib ng dalaga. Hindi niya na naiwasan pang kagatin ang ibabang labi niya at napahalumbaba na at nakatukod ang kanang braso sa lamesa. Parang nakaligtaan niya nang kumakain siya at nakatuon na lang ang atensyon niya sa nakakatakam at malulusog na dibdib ni Scarlett. This is not the first time that Pierce met a woman. Pero parang ito ang unang beses na nakakita siya nang babaeng kasing unique ni Scarlett. Siguro nga ay ninong niya ang papa ni Scarlett, pero ni minsan ay hindi niyalnakita ang dalaga noon. Nakita niya lang ang mukha nito sa picture noon tinanggap niya na ang offer ng ama nito dahil sa pagka-bored na nararanasan niya. Biglaan lang talaga ang pagtanggap niya sa offer. Tinanggap niya lang dahil gusto niyang makawala muna sa boring na buhay niya sa loob ng office niya. He missed to be productive like he used to be. And it's just his impulsive thoughts that leads him to this work. Pero hindi siya nagsisi. Hindi siya nagsisi na tinanggap niya ang nakakatangang trabaho na gusto ng Ninong niya kahit na kung tutuusin ay Bilyonaryo na talaga siya. At first, hindi niya maintindihan kung bakit gusto pang pigilan ng Ninong niya na maging Madre ang anak nito. But now that he met Scarlett in person... mukhang kahit siya ay hindi na rin papayag na maging madre pa ito dahil sisiguraduhin niya na talagang makukuha niya ang dalaga na dahilan kung bakit tila ay masisiraan na siya ng ulo. Unholy Desire she said? A sinful desire? He don't fvcking give a fvck kahit pa palitan niya na ng trono si satanas dahil sa gagawin niya. He will make sure to own Scarlett. Not just her body, but also her heart and soul. Nahinto ang malalim niyang pagiisip nang marinig niya ang tunog ng upuan na kinauupuan nito. Inurong na nito ang upuan dahil tatayo na ito at mukhang handa nang umalis ng dining area dala-dala ang plato at kubyertos na ginamit. Hindi pa rin ito halos makatingin man lang sa kaniya kaya naman nakaramdam siya ng inis. "What the fvck is wrong with this woman now?" tanong niya pa sa isip niya dahil nagsisimula na siyang mairita sa ginagawa nito. He was obsessed with her blue eyes. Masarap itong makatitigan dahil pakiramdam niya ay nakikipagtitigan siya sa malalim na karagatan. Pero dahil halos tatlong araw na nitong iniiwasan ang mga tingin niya—hindi niya na ito nakikita. He used. "She wanted to play a game of hunt? Then so be it... mamaya ka sa'kin, Scarlett. One wrong move and I won't even hesitate to own you." he murmurs with an obsessed voice. SI LOTTIE naman ay nagmamadali nang lumakad papunta sa kusina. Agad niyang hinugasan ang mga plato at kubyertos na ginamit niya dahil aakyat na siya agad sa taas. Pawis na pawis pa ang noo niya dahil sa kaba na nararamdaman niya. At halos nanginginig ang mga kamay habang hinuhugasan ang ginamit niyang pagkainan. It's been three days, pero sariwa pa rin sa isip niya ang panaginip niyang parang totoong nangyari. Magmula nang mapanaginipan niya 'yon ay hindi niya na kaya pang harapin si Pierce. Parang nanghihina ang tuhod niya tuwing nakakatitigan niya ang kulay pale green nitong mga mata. Hindi mawala sa isip niya ang ginawa nito sa panaginip niya, kahit ang naramdaman niya ring kakaiba 'non ay talaga namang hindi rin nakatatak na yata kaya halos hindi na siya makapag-function nang maayos at tanging pag-iwas na lang ang nagagawa niya. "Oh God! Please, help me. I don't want this." Gulong-gulo niya nang bulong habang naghuhugas ng pinggan. Sumasakit na lang ang ulo niya kakaisip. Dumating pa sa punto na nakalimutan niya na mag f-fasting pala siya. Talaga namang parang napariwara siya magmula nang managinip siya 'non. Naging curious siya—hindi lang ang isip niya dahil maging ang katawan niya ay bigla bigla na lang hinahanap ang klase ng sarap na nasaranasan niya 'non. "Ano bang nangyayari sa'kin..." Dismayadong pinatay niya ang gripo nang matapos siyang maghugas. Nadaanan niya pa si Pierce sa dining area na mabigat pa rin ang titig sa kaniya, pero hindi niya na ito pinansin pa. Sa halip ay naglakad na siya at mabilis na pumunta sa panibago niyang favorite space sa mansion, na halos limang araw pa lang magmula nang madiskubre niya. Isang altar. Altar na nakalagay sa ibaba at kanang bahagi ng grand staircase, salungat sa daan papuntamg dining area at kusina na nasa kaliwang banda. Itong nasa kanan kasi, altar at isang bakanteng silid ang mapupuntahan—pero nakasarado kaya naman hindi rin makakapasok at isa sa dahilan kung bakit hindi niya agad napansin ang altar na ito. Nakailalim pa kasi sa pader at ilalim ng hagdan ang altar, kung hindi niya pa napansin ang isang antique na lamesa sa tapat nito ay wala pa sana siyang plano na tignan sana ito. Kaya naman labis ang tuwa niya nang makita ito noong nakaraang araw. Dumating sa punto na kada umaga, tanghali at gabi ay nandito siya para mag-dasal at humingi ng kapatawaran sa Diyos dahil sa mga kasalanan niya. At isa ang araw na 'yon ngayon. Umupo siya sa upuan na hinila niya dahil nasa ilalim ito ng lamesa. Sinindihan niya ang kandila na nasa altar, atsaka nakatitig lang sa rebolto ni Jesus na nasa pader. Gumaan ang loob niya dahil sa wakas ay kaharap niya na ulit ito. Wala siyang ibang nagawa kundi ang maiyak habang nagdadasal at humihingi ng patawad sa Diyos. Hindi niya na kasi alam pa ang dapat niyang gawin sa sitwasyon na kinaroroonan niya ngayon. Ramdam niya na isang beses, o isang lapit na lang ay talagang bibigay na siya kay Pierce. Hindi niya kakayanin ang galit nito—alam niya. "Pinanghihinaan na ako ng loob, Diyos ko. Hindi ko na alam kung karapat-dapat pa na akong maglingkod sa'yo." Bakas ang sakit sa tono ng pananalita niya kaya naman naiiyak na lang siya. Wala siyang ibang ginawa kundi ang magdasal. Ang bawassalitang binabanggit niya ay talaga namang mula sa puso niya. NASA ganoong sitwasyon siya nang bigla niyang maramdaman ang paghawak nang kung sino sa mismong balikat niya. Napamulat pa siya para tignan kung sino ito—at sino nga ba naman kasi? Walang iba kundi si Pierce. Walang emosyon ang mukha nito. Nakababa ang tingin nito hindi sa mukha o mata niya—kundi mismong labi niya. Kaya naman napalunok si Lottie. "I firmly believe in respecting individual choices and will never force anyone to do something they don’t want to do. But... you're an exception." napasinghap si Lottie dahil sa mariin nitong pagsasalita bago umabante pa palapit sa kaniya. "H-Ha? Anong ibig mong sabihin—" "Sinasagad mo ang pasensya ko, Scarlett. At alam mong binalaan na kita." Dumukwang pa si Pierce palapit kay Lottie kaya nakayuko ito para makatapat ang mukha ng dalaga. "Let's end this fvcking game. I'll shove myself into you instead. In that way...? It will be more enjoyable for me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD