SCARLETT'S POINT OF VIEW
Inirapan ko na lamang siya ng mata. Grabe, ito na lang ulit ang pagkakataon na ginawa kong magtaray sa iba. Maiintindihan naman siguro ako ni Lord, lalo na't ang hirap talagang i-handle ng lalaking 'to. Nahihirapan talaga ako at kawawa ako kung hahayaan ko siya sa gusto niya.
"Woah! Did you just roll your eyes at me?" Manghang-mangha niya pang tanong sa akin na para bang napaka-magical naman ng ginawa ko.
"Oo, kaya umurong ka muna please? Hindi ako makahinga dahil hinaharangan mo ang hangin." Sabi ko't bahagya siyang itinulak sa dibdib niya.
Ayaw ko man siyang hawakan, ay no choice ako dahil siguradong hindi lalayo ang lalaking 'to—unless ay pinalayo ko siya.
Nakahiga ako ng maluwag nang sa wakas ay tumabi na nga siya nang walang sinasabi na kung ano pa. Agad na akong pumunta sa dining area atsaka naupo don saglit. Ang totoo ay hindi ko rin alam kung bakit dumiretso ako rito, eh ang pakay ko naman sana kanina din sa kusina ay mag-sandok na nang makakain na kami.
Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa katangahan na ginawa ako. Bumaling pa ako sa direksyon niya pero agad na tumaas naman ang isang kilay ko nang makita ko nal nakatalikod siya at nagsasandok na yata ng pagkain naming dalawa.
Napahalumbaba na lang ako sa isang kamay at braso ko na nakatukod sa lamesang nasa harap ko. Nakatingin ako kay Pierce na nakatalikod pa rin mula sa akin at mukhang busy'ng-busy sa kung ano mang ginagawa niya.
Totoo nga ang sinabi noon ni Mika... mahirap talagang intindihin ang mga lalaki. Hirap na hirap kasi akong intindihin ang takbo ng utak ni Pierce. Ang hirap niya ring basahin, dahil minsan... pakiramdam ko nagpapanggap at pilit lang ang mga ngiti niya. Mayeroong kakaiba sa kaniya na tila ay nagtutulak sa akin na huwag agad mag-tiwala sa kaniya.
Hindi ko alam na matagal na naman pala akong nakatulala. Namalayan ko na lang na naglalakad na siya palapit sa akin. Dala-dala ang isang tray na naglalaman ng pagkain namin. Suot niya na naman ang kakaibang ngiti sa labi niya at nakadirekta ang tingin sa akin.
"Eat well, Scarlett." Sabi niya bago niya inilapag ang mga pagkain sa lamesa.
May kakaiba sa sinabi niya. Ewan ko—sinasabihan niya lang naman akong kumain ng mabuti pero... bakit kakaiba ang ekspresyon sa mga mata niya? Parang... may plano siyang gawin na hindi maganda.
—
"Pwedeng bang umusog ka?" Reklamo ko dahil sobrang lapit sa akin ni Pierce ngayon.
Nasa iisang kwarto pa rin kami, at magkatabi pa din kaming matulog.
Diyos ko, siguradong tinutukso na naman ako ng lalaki na 'to. Kasalanan na naman ang gusto nitong gawin sa akin, alam ko at nararamdaman ko 'yon!
"Ayoko..." Nanindig ang balahibo ko nang maramdaman kong tumama sa batok ko ang malamig niyang hininga.
Nakatalikod ako mula sa kaniya habang nakabalot ang isang makapal na kumot sa katawan ko. Medyo madilim sa pwesto ko dahil nasa kabilang side o nasa side niya ang nagiisang ilaw ng kwarto.
Sobrang... sobrang lapit niya sigurado sa akin ngayon, dahil saktong-sakto ang pagtama ng hininga niya sa batok ko. Impossibleng aabot sa batok ko ang hininga niya kung malayo siya.
Mariin akong napapikit at nagsimula nang mag-dasal ng tahimik. Sinisgurado kong nakabalot nang maigi sa akin ang kumot para hindi siya makagawa ng kahit anong kalokohan na maiisip niya.
Pero bakit ganon? Hindi ako makapag-focus sa pagdadasal na ginagawa ko dahil sa malamig niyang hininga na tumatama pa din sa batok ko at nagiging dahilan ng pag-igtad ng katawan ko. Nakakaramdam ba naman kasi ako ng kiliti na nanggagaling sa batok ko kung saan tumatama ang hininga niya, pagkatapos ay bigla na lang dadaloy sa buong katawan ko kaya parang nahihirapan akong huminga. Hindi ko alam... hindi ko maintindihan ang reaksyon ng katawan ko sa simpleng hininga niya lang!
Oh God... please, patinuin niyo po ang utak nang lalaking 'to at sana ay maintindihan niya na soon ang sitwasyon naming dalawa.
Ang tunog nang malakas na ulan na nanggagaling sa labas ay naririnig dito mula sa loob. Nagugulat pa ako tuwing kumikidlat at lumiliwanag sa labas dahil nasa harap ko ang bintana.
Hindi ko na alam kung saan ako mas matatakot. Kung sa malakas at masamang panahon ba o sa lalaking nasa likod ko at pilit na pinagsisiksikan ang sarili niya sa akin?
Niyakap ko na lang ang sarili ko. Nilalamig kasi ako kahit naka-kumot na ako.
Nilalamig nga ba talaga ako..? O baka naman masyado lang talagang malakas ang epekto ng hininga niyang tumatama sa batok ko kaya parang nanghihina ako?
Nakagat ko ang ibabang-labi ko nang maramdaman ko siyang gumalaw. May kung anong matigas na tumatama sa likod ko–malapit sa pwet ko. Kaya naman napapasinghap ako!
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Nagpipigil lang ako, pero kapag gumalaw pa ang lalaking 'to—talagang magsasalita na ako!
Pero sa awa na mayroon ang lalaking 'to ay hindi siya gumalaw. Mabuti na lang, kaya nakahinga ako ng maluwag.
Kaya lang, ilaw minuto lang ang lumipas ay hindi ko inaasahang idiin niya pa sa akin ang matigas na bagay na nanggagaling sa katawan niya. Talagang napasinghap ako at hindi na nakapag-pigil pang bumangon pagkatapos ay masama siyang tinignan.
Pero agad na lumamlam ang ekspresyon sa mukha ko nang makita ang na tulog pala siya. As in tulog na tulog, halos nakanganga pa...
Pinakalma ko ang sarili ko pagkatapos ay kinamot pa ang ulo ko. "Masyado na ba akong harsh sa kaniya..?" tanong ko sa sarili ko dahil napapansin kong masyadong mainit ang ulo ko sa lalaking 'to.
Pero siguro naman... acceptable ang reason ko, diba? Ayoko lang masira ang image ko sa mismong harap ng Diyos. Ayaw kong maudlot ang pangarap ko nang dahil lang sa isang lalaki, kagagawan ng pamilya ko na gusto na namang manipulahin ang buhay ko.
"Siguro... kung noon pa tayo nagkakilala...baka—" nanlalaki ang mga mata ko't malakas kong sinampal ang magkabilang pisngi ko.
Diyos ko! Ano bang iniisip ko?!
Kagat ko ang ibabang labi nang muli akong humarap sa taong nasa tabi ko. Wala siyang kumot, kaya naman kinumutan ko na lang din siya at naglagay ng unan sa pagitan namin.
Hindi ko ugaling maging madamot, at hindi ko rin ugali na maging isang masamang tao. Sadyang... umiiwas lang talaga ako. Pero siguro, kung patuloy kong ipapakita sa kaniya na hindi talaga pwede—baka naman sa wakas ay maintindihan niya na rin diba? Baka naman... kahit papaano ay maging magkaibigan din kami, sa isang magandang sitwasyon.
ANG dami kong naiisip na magagandang bagay. Mga possibilities na pwedeng mangyari sa amin ni Pierce. Halos mahigit isang linggo din ang nagdaan... o baka papunta na ng dalawang linggo?
Mas lumaki na ang tiwala ko sa kaniya. Mas naging magaan ang loob ko sa kaniya dahil akala ko ay sumuko at wala na rin siyang balak pa na maging sunod-sunuran sa pamilya ko.
Pero akala ko lang pala 'yon...
DAHIL dumating din ang araw kung saan ay hindi niya na kinaya. Dumating ang araw sa kung saan ay naubos na ang pasensya niya, at ginamitan niya na ako ng lakas niya.
Hindi ko alam kung anong nangyari, hindi ko alam kung saan nagsimula. Ok naman kami, ayos naman ang lahat noong nakaraang mga araw, pero bakit..?
Bakit ibang-iba na siya ngayon? Bakit sa tingin ko... ay lumabas na ang totoong ugali niya? Ang ugali niya na noon ay nagtatago sa likod ng mga mata niya.
Mabigat ang bawat hiningang pinapakawalan ko habang kinakabahan umatras ako at nakatingala sa taong madidilim ang mga mata habang nakatingin sa akin.
Hinuhubad niya ang necktie niyang suot. Iniaangat niya hanggang siko niya ang manggas ng polo niya.
"It's over. My patience has run out, mi amore..."
"H-Hindi! Hindi ko alam—a-ano bang ginagawa mo?" Garalgal ang boses na saad ko.
"Just wait and see how wild I can get."