Kabanata 07: Patience And Resistance

2226 Words
SCARLETT'S POINT OF VIEW "Nahihibang ka na ba?! Ano bang sinasabi mo—bitawan mo ako, Pierce!" Halos pumiyok na ang boses ko dahil sa sobrang lakas ng pagkakasigaw ko. Nanlalaban ako sa hawak niya. Pero bakit ganoon? Bakit hindi man lang siya natitibag?! "I won't... I don't believe you, mi amore. Sinasadya mo yatang ipangalandakan sa akin ang katawan mo." Nababaling na lang ako sa ibang direksyon pagkatapos ay babalik sa kaniya ang tingin. Hindi ko alam—naiinis ako! Naiinis, natatakot at kinakabahan ko dahil sa posisyon naming dalawa. "Please, making ka! Hindi 'to tama—" "Of course, it isn't. But it's part of the game." Nakangisi niyang saad. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Napasinghap ako at napakapit na lang sa dibdib niya. "Hmm? You took care of me, huh? Mukhang hindi kinaya ng katawan ko ang ulan kanina." sabi niya gamit ang boses na tila ay basag pa rin. Siguradong nagkaganyan ang boses niya dahil sa lagnat niya ngayon. Malalim akong humugot ng hininga. "O-Oo... tinulungan kita—'wag kang gumalaw!" Pinandilatan ko siya ng mga mata ko nang bigla siyang gumalaw kaya mas naramdaman ko ang matigas na sumasagi sa gitnang parte ng katawan ko. Mabuti na lang ay naka-trouser ako ngayon, dahil kung hindi ay baka na-expose na ng legs ko sa kaniya. Pero ano pa nga ba ang maitatago ko sa lalaking 'to? Alam kong nakita niya na ang katawan ko dahil binihisan niya ako kagabi. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Bakit? Wala naman akong ginagawang masama." Nagangat naman ako ng tingin sa kaniya. Nakatinga ako dahil mas mataas siya sa akin. "Anong wala? Mali at masama na ang ginagawa mo ngayon! Kaya bitawan mo ako, Pierce. Sinabi ko na sa'yo, hindi ako katulad ng mga babaeng kayang gumawa ng maka-mundong mga bagay! I can't satisfy your needs!" Habol ko ang hininga ko matapos kong sabihin 'yan. Binuhos ko ang lahat ng emosyon ko, gustong-gusto ko kasing maintindihan niya ang gusto kong iparating sa kaniya. He tilted his head. Kumislap ang kulay pale green niyang mga mata. "Hmm? I see, you're being stubborn again—why?" umangat ang isang sulok ng labi niya. "Natatakot ka bang baka parusahan ka ng Diyos mo? Natatakot ka bang mabulok sa impyerno ang kaluluwa mo?" "Of course. Takot ako, may takot ako sa Diyos hindi kagaya mo! I have a position that I need to accomplish, at hindi ako ang babae na basta-basta na lang ibibigay ang sarili ko sa isang makasariling katulad mo!" That's it. Hindi ko na kinaya pa at talagang naiinis na ako. Nanibago pa ako sa boses na lumabas sa bibig ko—it sounds so different... kakaiba, parang ang boses na meron ako noong nasa puder pa ako ng pamilya ko. Ang boses na walang pakialam sa mararamdaman ng ibang tao. Isang boses na handang manakit, masabi lang ang gusto sabihin. Nabalik ako sa huwisyo dahil sa reyalisasyon. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang mapansin kong tila ay nagulat din si Pierce sa paraan ng pagbitaw ko ng mga salita kanina. "Look... no matter what you do, hinding-hindi ako magpapatukso sa'yo. I am trained, Pierce. Isang taon na lang ay magiging Madre na ako." Tinitigan ko rin ang mga mga niya. "I can't give up my dreams and join you to this id*otic game." bumuga ako ng malakas na hangin. "So please, bitawan mo ako. Dahil hinding-hindi na ako ulit pa magpapamanipula sa mga Saycons. I can't let them to control my life. Hinding-hindi ko gagawin ang gusto nilang mangyari." "Kaya ikaw, sumuko ka na rin. Dinadagdagan mo lang ang kasalanan mo sa Diyos." bakas ang pagiging seryoso sa boses ko. Mahinahon pero puno ng emosyon at pawang katotohanan. Alam kong alam at ramdam din 'yun ni Pierce, dahil natahimik siya at unti-unting lumuwang ang pagkakapulot ng braso niya sa bewang ko. Poor Pierce... sigurado akong napipilitan lang din siya na gawin ang mga bagay na 'to dahil sa kasunduan niya sa pamilya ko. Sa paraan nang pananalita niya, ay panigurado naman ako na hindi mahirap si Pierce. Siguradong mayaman siya, kaya nakakapagtaka rin na hinayaan niyang gamitin lang siya ng ama ko. HININTAY ko na magsalita siya ulit. But he didn't. Hindi siya nagsalita, sa halip ay bigla na lang siya tumayo habang buhat-buhat pa rin ako. Napasinghap na lang ako habang nanlalaki ang mga mata at nakakapit sa leeg at batok niya. Paharap sa kaniya ang pagkakabuhat niya sa akin. Ang magkabilang binti ko ay hawak-hawak ng magkabilang nga kamay niya. Nakabukaka ako at nakaharap sa kaniya, sakto lang ang taas ko at kapantay ng ulo ko ang dibdib niya dahil matangkad siya. "Hold tight..." bulong niya. Hindi na ako nagsalita pa—hindi ko rin alam kung bakit. Wala na akong lakas para makipagtalo pa sa kaniya dahil alam kong hindi niya rin naman ako papakinggan. Hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin at nagsimulang humingi na lang ng tawad sa Diyos dahil alam kong mali itong ginagawa namin. "You know what..? Please stop throwing your incredibly attractive body at me..." "Hindi ko 'yan ginawa, aksidente ang nangyari. Tinutulungan lang kita kanina." Agad na sagot ko. Paakyat na kami ngayon sa grand staircase ng mansion. Kaya naman napapad*ing ako tuwing tumatama ang matigas na bagay sa gitnang parte ng katawan ko. Ano ba kasi 'yon? Sinturon niya ba ang tumatama? Masakit na hindi ko alam sa pakiramdam, pero nahihiya akong sabihin dahil feeling ko iba ang maiisip niya. "Yeah, sure. I'll let it slide this time. Pero sa susunod na may mangyaring gan'to—asahan mong ubos na ang pasensya ko, Scarlett. At wala ka nang magagawa kapag gumalaw na ako—you won't be able to stop me." Maawtoridad na saad niya kaya nakaramdam ako ng kakaibang takot sa katawan ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niyang mangyayari sa susunod? Wala namang ibang nangyari kanina kundi ang aksidenteng pagkatumba ko sa kaniya. Ano ba ang dahilan kung bakit mauubos na ang pasensya niya at mukhang papatayin na ako sa susunod? Sinabi niya pang kakainin niya ako—hindi kaya cannibal talaga ang lalaking 'to?! Napabuntong-hininga na lang ako't nanahimik na. Pinapakiramdaman ko lang ang pagakyat namin at hindi ko maiwasang mapad*ing dahil sa patuloy pa rin na pagtama nang kung ano sa maselang bahagi ng katawan ko. Parang may tumutusok—hindi ko alam kung ano. Mahaba-haba pa ang hagdan at nilalagnat si Pierce, baka hindi niya na kayanin pa't maihulog niya ako kaya naman nagsalita ako. "Ibaba mo na ako, may lagnat ka at hindi maganda ang ginagawa mo ngayon." "Don't worry. Nagpapa-pawis lang ako. Isipin mo na lang na tinutulungan mo ako." See? Hindi siya makikinig sa akin. Mas matigas pa ang ulo niya kesa sa mga batang binabantayan ko sa House Of Hope. Mukhang mas mae-stress pa ako sa kaniya. Nanaig na naman ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Mas malakas pa ang tunog nang malakas na ulan na nanggagaling sa labas. Kailan ba titila ang ulan na 'to? Hapon na, pero mas lumakas pa yata ang ulan. Ilang hakbang pa nag ginawa ni Pierce nang sa wakas ay makarating na kami sa second floor ng bahay. "Ibaba mo na ako, hindi ako lumpo." Pero hindi niya na naman ko pinansin. Naglakad lang siya na parang walang naririnig. Diyos ko... hindi ko na alam kung paano ko papakisamahan at makakausap ng maayos ang lalaking 'to. Isang araw pa lang ang nakalilipas pero sukong-suko na ako sa kaniya. Ang tunog lang nang yabag ng mga paa niya at malakas na ulan sa labas ang naririnig nang maglakad siya sa hallway habang buhat-buhat pa rin ako. Nilampasan namin ang ibang mga kwarto, maging ang kwarto niya. Dumiretso siya sa kwarto na pinagdalhan niya sa akin, pagkatapos ay inilapag ako paupo sa malambot na kama. Nakahinga na ako ng maluwag nang ilapag niya ako 'ron. Habang siya naman ay nakangiti ang labi na nakatingin sa akin nang tumayo siya. "That's a payment." "Payment?" Tumango siya. "Kabayaran sa paghila mo sa katawan ko mula salas, hanggang dining room. It's a good tactic you got there, by the way." Napangiwi ako dahil sa sinabi niya. Pinanuod ko lang ang malapad niyang likod na makalayo sa pwesto ko. "Alam niya ang tactic na ginamit ko—wait! Ibig sabihin ba 'non ay gising siya?!" Hindi makapaniwalang napabuga na naman ako ng malakas na hangin. "Diyos ko! Acting lang ba ang lahat? Gising na siya simula pa kanina?!" Pinahirapan niya lang ako! Para akong naiiyak sa inis o pagod—hindi ko na alam. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ang ginawa ko na lang ay lumuhod ako sa sahig, pinagsaklob ang mga palad ko't nagdasal dahil isa ito sa mga gawin na talagang nagpapakalma sa akin. — "Ano 'yan?" Napalingon ako sa taong nagsalita mula sa likod ko. Hindi ko alam kung anong oras na, pero alam kong malapit nang lumubog ang araw kaya minabuti ko nang magluto na agad ng hapunan namin. Wala pa ring kuryente. Nakakagulat na wala man lang generator ang mansion na 'to dahil napaka-laki pa naman. "Adobo." Maikling sagot ko bago pinagpatuloy ang paghiwa ng mga ingredients na kailanganin ko para sa pagluluto nito. "Wala bang generator 'tong mansion? Ang laki pa naman." saad ko nang hindi siya tinitignan at naka-focus lang sa ginagawa ako. Nakita ko lang ang paglakad niya papunta sa gilid ko sa peripheral vision ko. Namalayan at napansin ko na lang na tumutulong na siya sa paghahanda ng mga ingredients na gagamitin. "Meron naman..." sagot niya kaya napahinto ako sa paghiwa ng sibuyas at hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya. "Seryoso? Bakit hindi mo binubuksan para naman hindi tayo mahirapan mamayang gabi." Hindi niya man lang ako binalingan ng tingin, pero nakangisi siya nang sumagot sa tanong ko. "I would prefer not to do that, as it would lead to us sleeping in different rooms." Laglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. "Diyos ko—" Hindi ko na tinuloy pa ang susunod kong sasabihin. Ganoon din naman, alam kong wala ring effect at magsasayang lang ako ng laway ko. KATAHIMIKAN na naman ang namayani sa pagitan namin sa loob ng kusina. Ako ang nagluto at nagbantay ng niluluto. Habang siya naman ay nakaupo lang 'don sa dining room pagkatapos niya tumulong na mag-handa ng mga ingredients. Tinatapunan ko naman siya ng mga pasikretong tingin habang nakasandal ako sa hamba ng pintuan ng kusina at naghihintay na kumulo ang nilulutong adobo. Makisig ang katawan ni Pierce. Matangkad siya, at halatang hindi Pilipino. Pero marunong siyang magtagalog—maybe half Filipino siya? Unlike me na lumaki lang dito kaya marunong magtagalog. His face card are insane. Matangos ang ilong, malalim ang dimples, at ang mahaba niyang buhok ay bumabagay talaga sa kaniya. Idagdag pa na pale green ang kulay ng mata niya kaya napakalakas ng charisma niya. Halos ka-level niya na ang mga sikat na celebrity or Hollywood actors. But his attitude? Ewan ko lang, malayo sa taong masasabi mo na mabait at maaasahan. Pero siguro naman nasasabi ko pa lang 'to ngayon dahil kakakilala pa lang naman namin? Baka hinuhusgahan ko naman siya agad dahil lang sa pinapakita niya sa akin ngayon? Hindi ko na namalayan na grabe na pala ang pagtitig ko sa kaniya habang nagiisip ako. Nabalik na lang ako sa huwisyo nang pumitik siya sa mismong harap ng mukha ko gamit ang hinlalaki at hintuturong daliri ng kanang kamay niya. Napaigtad pa ako dahil sa ginawa niya. "A-Ano?!" Kunwari ay naiinis kong tanong sa kaniya. "You’ve been staring at me—clearly, you’ve realized just how handsome I am." Natawa naman ako sa sinabi niya. "Grabe talaga ang kahanginan ng mga tao ngayon 'no?" Pasensya na po Lord, kailangan kong sabayan ang ugali ng lalaking 'to nang naka-survive naman ako dito. Tumingin na ako sa ibang direksyon, magsasalita pa sana ako pero naamoy ko ang nasusunog na amoy ng adobo kaya naman nanlaki ang mga mata ko. "Hala! Ikaw kasi!" Paninisi ko sa kaniya pagkatapos ay mabilis na tumakbo palapit sa lutuan. Agad na pinatay ko ang lutuan atsaka chineck kung pwede pa bang makain ang adobo. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ko na ayos pa, at nag-konti lang ang sabaw. "Naging kasalanan ko pa na pogi ako't napatitig ka ng halos limang minuto sa akin." Oh God?! Limang minuto? Gan'yan ba katagal ang pagtitig ko sa kaniya kanina? Unti-unti akong pumihit paharap sa kaniya habang naka-crossed arm. Napaatras pa ako dahil sa sobrang lapit ng katawan niya sa akin. Nakatingala ako sa kaniya habang nakababa naman ang tingin niya sa akin. Ayan na naman ng mukha niya kung saan nakangiti siya, pero hindi ang mga mata niya. Parang may kakaibang madilim na ekspresyon na nakakatakot tignan at malaman kung ano. "Lumayo ka naman konti, hindi ako makahinga." Kunwari ay pagdadahilan ko. "Hmm? Really? O baka mas nasasarapan ka sa akin?" Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Hindi makapaniwala sa mga salitang lumabas sa bibig niya. "Pwede bang bawas-bawasan mo naman ang mga salitang bastos at bulgar na lumalabas sa bibig mo? Hindi ko kayang sikmurain na makarinig ng mga gan'yang klaseng salita, Pierce." Mahina at maikli siyang tumawa. "Ako 'rin... hindi ko na kayang magpigil pa—Your beauty is simply too captivating to resist, Scarlett."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD