Kabanata 06: Helping Is Trouble!

1737 Words
SCARLETT'S POINT OF VIEW "One... two... threeEEE! Hahh!" Mabilis ang bawat paghinga na pinapakawalan ko ngayon. Halos lagutan na nga ako ng hininga dahil sa pagod. Para na akong naiiyak dahil sa ginagawa ko. At halos sampung minuto ko nang ginagawa 'to! Lord, nakakapagod! Ayaw ko mang magreklamo pero ito na lang siguro ang way para i-express ko ang nararamdaman ko ngayon. Bagsak ang katawan ko sa malamig na sahig. Basang-basa na rin ang suot kong damit at nanginginig na ang binti ko dahil sa sobrang pagod. Sa tabi ko naman ay si Pierce na wala pa ring malay, hindi ko na alam ang gagawin ko dahil see see see see hilahin ng mabilis. "Hah! Nakakapagod..." Sabi ko habang bumubuga ng malalakas na hangin. Bumaling ako kay Pierce na kasalukuyang tulog na tulog. Mariin na napapikit na lang ako at napaisip kung tama na ang ginagawa ko. Siguro naman walang mali sa ginagawa ko diba? Tinutulungan ko lang naman siya. This is an act of kindness, at sigurado akong hindi ito titignan ng Diyos bilang isang kasalanan. Muli akong tumayo, sa pagkakataong ito ay nagunat-unat muna ako't inayos ang long sleeve na suot ko. Tinupi ko ang manggas dahil nasa naman na, at para hindi ako masyadong mahirapan. Tumingin naman ako sa kung saan ko siya gustong dalhin. Konting-konti na lang ay makakapasok na kami! Gusto ko kasi siyang dalhin 'don sa dining room dahil andon lahat ng emergency kit. Mas madali kung andon na siya para hindi na masyadong malayo pa ang lalakarin ko, o hindi pabalik-balik. Hinawakan ko na ulit ang dulo ng tela, umangat na ng konti ang ulo ni Pierce dahil sa ginawa ko. Nilanghap ko na ang lahat ng hangin na kaya kong langhapin. Isa... dalawa... tatlo! Malakas kong hinatak ang tela at halos patakbo na hatak-hatak 'yon kasama ang katawan niya papasok sa dining room. Natumba pa ako dahil sa sobrang lakas ang hawak ko, napunit kasi ang tela na hinahawakan ko sa bandang dulo—buti na lang ay nakapasok na kami sa dining room. Kaya lang, sobrang sakit naman ng pang-upo ko dahil malakas ang pagka-bagsak ko. Sandali muna akong nagpahinga at nakaupo lang sa sahig. Nang maka-recover na ulit ng konti ang lakas ko ay tumayo naman ako ta lumapit na sa emergency kit. May mga nakita akong gamot na pwede niyang inumin. Pero walang pwedeng gamitin na pang-lagay sa noo niya para bumaba ang lagnat niya kaya naman mukhang ako na mismo mo ang gagawa, pero bago 'yon—kailangan ko munang kumuha ng mga damit niya para mabihisan siya dahil basang-basa siya. HINDI na ako nagsayang ng oras pa at umakyat na ako sa grand staircase nang mansion. Kapos pa ang hininga ko nang sa wakas ay makaayat na ako sa taas. "Ngayon... kailangan ko namang isa-isahin..." Nakakaiyak na! Pero kaya ko 'to, kailangan kong gawin 'to dahil pagtulong naman ito sa lalaking 'yon. Inisa-isa ko pa ang limang pinto na hindi naka-lock. Tapos ko na ang pang-apat na pinto—ang kwarto na pinagdalhan sa akin. At ang pang-lima naman ay ang sigurado ako na kwarto niya na. Binuksan ko na ang pinto, hindi naman ako nabigo dahil sigurado akong kwarto niya na talaga ito. Punong-puno na naman kasi ng mga laptops, computer at iba pa. Sinantabi ko na muna ang lahat at minabuti nang hanapin ang cabinet kung na saan ang mga damit niya. Agad ko nang hinila ang t-shirt, short at kung ano pang pwede kong hilahin. Kumuha din ako ng tela na pwede kong gamitin para ilagay sa noo niya mamaya. Pagkatapos kong kunin ang mga kailangan ko ay agad na akong tumakbo palabas ng pinto at pabalik sa dining room. Gan'on pa rin ang posisyon ng katawan niya, katulad kanina nang iwan ko siya dito. Mukhang wala pa rin siyang malay at hindi pa rin nagigising. Ginupit ko na muna ang tela at minabuting basain na ng tubig para mailagay ko na agad sa noo niya. Nag handa din ako ng plagana na may lamang tubig para ipahid sa katawan niya mamaya. Nang handa na ang lahat ng kailangan ay lumuhod na ako sa tapat ng katawan nito ara asikasuhin na ito. Kinakabahan pa ako dahil ito ang unang beses na magaalaga ako ng lalaki na mukhang halos ka-edad ko lang! Puro bata ba naman kasi ang inaasikaso ko sa nagdaang halos anim na taon na andon ako sa bahay ampunan. Nilagyan ko na agas ng basang tela ang noo niya para masipsip na ang init na nanggagaling sa katawan niya. Kaya lang... "S-Saan ba ako totoong magsisimula?" Para na akong nahihilo kakaisip kung ano bang una kong gagawin. Nahihirapan akong huminga dahil sa mga naiisip kong hindi maganda. Bumaba ang tingin ko sa mismong mukha ni Pierce. Walang malay, pawis na pawis na, at mukhang malalim ang bawat paghinga niya dahil sa init na nararamdaman ng katawan niya ngayon. Sunod ko namang tinignan ang katawan niya. Basang-basa pa rin dahil sa ulan. Kaya siguradong kailangan kong hubarin at bihisan siya ng damit dahil kung hindi ay baka mas lalong lalala ang lagnat niya. Napahilamos na lamang ako sa sarili kong mukha. Alam na alam ko na ang una at dapat kong gawin! Sadyang hindi ko lang alam kung tama pa bang gawin 'yon nang isang soon-to-be Madre na tulad ko. Tama pa ba na tumulong ako pero sa ganitong paraan? "Ihh! Lord, kung hindi ko gagawin 'to—baka mapano pa ang lalaking 'to." Naiiyak na 'ko! Ito ang unang beses na nahirapan akong mag-desisyon! Bahala na, mas malaking kasalanan naman ang pumatay ng tao—kaya mas mabuti pang tulungan ko na ang lalaking 'to. Pigil ang hininga ko nang simulan ko nang hubarin ang itaas niyang damit. Nahirapan pa ako dahil nakahiga siya, pero nagawan ko naman ng paraan kaya ngayon ay wala na siyang suot na pang-itaas na damit. Halos ipikit ko pa ang mga mata ko nang punasan ko ang katawan niya. Ayaw kong tignan ang katawan ng lalaking 'to! Kaya naman kinakapa-kapa ko na lang. Pinupunasan ko ngayon ang bandang dibdib niya. Naramdaman ko kasi ang matigas na umbok ng dibdib niya ngayon. Sunod naman ay ang bansang tiyan niya. Napalunok pa ako nang maramdaman kong halos walo ang matigas na nakaumbok. Ito ba ang tinatawag nilang abs? Ito ba ang madalas tignan at kabaliwan ng mga babae ngayon? Sunod naman ay ang braso niya. Nahawakan ko ang biceps niya, pero wala na sa akin 'yon dahil ang intensyon ko lang naman ay tulungan siya. Nang sa wakas ay napunasan ko na ang buong itaas niyang katawan, ay sinunod ko naman ko nang isuot ang sakit niya na kinuha ko pa sa kwarto niya. Nahirapan ako sa posisyon ko ngayon kaya naman hindi ko halos masuot sa kaniya ang damit. Napabuga ako ng malakas na hangin bago humanap ng mas madaling posisyon para masuot ko sa kaniya ang damit niya. Nakapatong ako ngayon sa ibabaw niya, pero hindi naman sumasagi ang katawan ko sa kaniya. Nakaluhod lang ako sa itaas niya para mas madali kong masuot ang damit dahil na-kapantay ako sa kaniya. NAPASOK ko na ang damit sa ulo niya, ang kailangan ko na lang gawin ay ipasok naman ang mga braso niya. Makapigil hininga ang ginagawa ko ngayon dahil siguradong kapag may biglang pumasok at makita kami sa gan'tong posisyon—baka maging kasalanan sa paningin nila ang ginagawa ko. Baka akalain nilang pinapatay ko ang lalaking 'to. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang mahirapan akong ipasok ang kaliwang braso niya. "Nako! Bakit ang hirap? Pumasok ka na 'oh!" Reklamo ko pa habang pilit na inilulusot 'yon sa butas. Tagaktak na ang pawis sa noo ko at sobrang lakas ng pag-kabog ng dibdib ko dahil sa nangyayari ngayon. Napapunas pa ako sa noo ko dahil ramdam ko nang natutuluan ng pawis ko ang katawan niya. Isang subok pa nang paglusot ng braso niya sa butas ay wakas, nagawa ko na 'din! "Hoo! Thank you Lord!" Usal ko bago pinunasan na naman ang noo kong pinapawisan. Nakangiti na ako. Ngiting-ngiti dahil sa wakas ay natapos ko na siyang bihisan. Hinila ko na lang pababa nag tela o damit nang maayos na ang pagkaka-suot 'non sa kaniya. Tumayo na ako at hahakbang na paalis sa pagkakaibabaw sa kaniya, kaya lang basa ang sahig o tiles na tinatapakan ko kaya hindi inaasahang nadulas ako't bumagsak naman ang katawan ko sa mismong ibabaw niya. "Hala!" Sigaw ko nang matumba ako't napapikit pa ako dahil akala ko ay lalagapak ang mukha ko sa marble na sahig. Pero mabuti na lang ay hindi, buhay pa ako at hindi nabagok ang ulo. Bumuga ako ng hangin as a sign of relief. Pero napaigtad naman ang katawan ko nang maramdaman kong may biglang gumalaw sa dibdib ko. Nanlalaki ang mga mata ko nang narealize ang posisyon ko ngayon. Nakadapa ako at ang dibdib ko ay sumakto na naman sa mukha ni Pierce. "Oh my God!" Malakas na sigaw ko at akmang babangon na nang bigla na lang pumulupot mag dalawang braso niya sa bewang ko kaya nasigaw ko ang pangalan niya. "Pierce!" Malakas at natatakot na sigaw ko. Unti-unti siyang bumangon at walang hirap na ibinangon din ang katawan ko. Napapikit pa ako dahil sa takot na baka hindi niya kayanin at bumagsak kami pareho, pero hindi naman. "Augh!" Mahina kong d*ing nang lumapat ang gitnang parte ng katawan ko sa matigas na kung ano. Napamulat ako't agad na tinutulak siya—pero masyadong mahigit ang pagkakayakap niya sa akin kaya naman halos mamutla na ang mukha ko dahil alam kong wala siyang balak na pakawalan ako—sa paraan pa lang ng pagtitig niya sa akin ngayon ay alam ko na. "P-Pierce, please—bitawan mo ako." Pakiusap ko sa kaniya gamit ang boses na nauutal dahil sa sobrang kaba na nararamdaman. Mahina siyang natawa. Nahulog pa ang tela na kanina ay pinatong ko sa noo niya. "Holy fvck..." Basag ang boses niya, marahil dahil nilalagnat siya ngayon. "Inaakit mo ba ako?" "Hindi!" Malakas na sigaw ko at pinilit na kumawala sa kaniya pero wala pa ring effect. Napakalakas niya! Unti-unti siyang yumuko hanggang sa halos magdikit na ang tungki ng ilong naming dalawa. Nanlalaki na lamang ang mga mata ko dahil sa gulat sa ginawa niya. "Could it be that... you wanted me to eat you, after all?" Diyos ko! Hindi ko po ginustong mangyari 'to!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD