HINDI MAPIGILAN ni Karina ang kaniyang hagulgol na iyak habang nasa biyahe sila ni Vernon pabalik sa abandonadong building kung nasaan si Chantal. Parang nagkapira-piraso at nadurog ng pino ang puso ni Karina sa mga binitawan niyang salita kay ToV. Alam niya at nakita niyang nasaktan niya ito, gusto niyang bawiin lahat ng mga sinabi niya pero alam niyang huli na ang lahat. Napakasakit para sa kaniya na sabihin kay ToV na mas mahalaga ang pangarap noya kaysa dito na isa namang malaking kasinungalingan dahil simula ng mahalin niya si ToV ay ito na ang naging pangarap niya. Piping hiling ni Karina sa mga oras na 'yun na panaginip nalang ang lahat, pero alam niyang ang hiling niya ay hindi mangyayari dahil totoong nasaktan niya si ToV gamit ang mga salitang binitawan niya dito. "He looks so p

