NANG MAKATANGGAP nang tawag sina Paxton sa ina ni ToV tungkol sa ginagawang biglang pagkulong ng kanilang kaibigan sa kwarto nito ay agad silang tumakbo papunta sa bahay ng mga magulang ni ToV. Hindi nila alam kung anong nangyari sa kaibigan nila na hindi naman naipaliwanag ng mabuti ng ina nito, iisang van lang ang dala nila at tanging si YoRi, Tad, Demon at LAY lang ang hindi nila kasama dahil bumalik na si Demon sa pagiging cartier nito, si LAY ay bumalik na ng Greece kasama si Athena, si YoRi naman ay biglang nagkaroon ng emergency sa restaurant nito dahil may nagtangkang sunugin ang La Cuisine Russiano kaya hindi ito nakasama sa kanila, at si Tad naman ay problema ding natanggap dahil sa may isa na namang surgeon ang natagpuang patay sa mismong opisina nito sa Han Hospital na hinahawa

