bc

Ang huwarang halige ng tahanan

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
family
badgirl
drama
no-couple
lighthearted
serious
lies
rejected
school
discipline
like
intro-logo
Blurb

Tungkol sa isang anak na babae na hindi makuntento sa kung anong meron siya at palaging kinakahiya ang kanyang magulang. At walang pagmamahal sa ama at kapatid. Pero darating ang araw na mag sisisi sya sa lahat. At muling mag susumikap para sa kanyang kapatid.

chap-preview
Free preview
Week X : Ang Maluhong Anak
May isang Batang babae na ang pangalan ay Ellaine lahat ng gustuhin nya ay nabibili at nakukuha nya lahat ng hilingin nya sa kanyang ama kahit na sya ang panganay sa kanilang dalawang mag kapatid. Malayo ang loob ni Ellaine sa kanyang naka babatang kapatid dahil palagi nya itong sinisisi sa pagkamatay ng kanyang ina dahil namatay ang kanyang ina nung isilang ang kanyang nakababatang babae. Gusto nyang palagi syang lamang sa lahat ng bagay sa kanyang kapatid. Palagi nya rin itong inuutusan sa mga gawaing bahay. At kahit na palagi syang kinakausap ng kanyang ama tungkol sa kanyang pag-uugali hindi siya nakakikinig kahit nakukuha naman niya ang kanyang gusto. Isang araw naalalani ng tatay ni Ellaine na si Mang Ernesto na malapit na ang pasukan sa School. Naisip niya na bilhan ng uniform si Ellaine sa malapit na Mall sa kanilang lugar. At umuwi si mang Ernesto na galing sa Mall at daladala niya ang mga pinamili na para kay Ellaine. At Saka bumalik si Mang Ernesto sa pinag tatrabahuan niyang kumpanya na kung saan sya ay nag dedeliver ng mga parcel tulad ng mga Gadget. Para masurpresa si Ellaine sa iniwan nya sa bahay na mga binili niyang mga gamit para sa pagpasok ni Ellaine sa school. At pag gising ni Ellaine nakita niya ang isang eco bag na may mga laman na damit. At tila di niya ito nagustuhan kaya ginising niya ang kaniyang nakababatang kapatid na si Liane. At tinanong niya ito kung kaninong mga damit iyon. Pero di alam ng kaniyang kapatid kung para kanino iyon at biglang dumating si Mang Ernesto at sinabi niyang para kay Ellaine ang kaniyang mga pinamili. Ngunit di nagustuhan ni Ellaine ang binili ni Mang Ernesto para sa kaniya. Sinabi ni Ellaine sa kaniyang Ama na hindi ganon ang klaseng Uniform ang gusto niya dahil ang gusto niya ay katulad sa kaniyang kababata na si Erlyn . Dahil ang Uniform nito ay binili sa isang Sikat na Mall na nasa kabilang Bayan pa. Ngunit yun lang ang kayang bilhin ng pera ni Mang Ernesto dahil sapat lang ang kanyang sinasahod at ipon niya ang ibinili niya ng uniforme ni Ellaine. Dahil sa kagustuhan ni Ellaine na yon ang bilhin sa kaniya ng kanyang ama. Sinabi ng kaniyang ama na ibabalik nalamang niya iyon sa kanyang pinagbilihan at pipilitin niyang mabili ang gustong uniforme ni Ellaine. At kinausap naman ni Mang Ernesto ang kanyang Bunsong anak para pagpasensyahan ang kanyang ate na si Ellaine . Nangako rin naman si Mang Ernesto na pag tungtong ni Liane sa ganong Idad ibibili din niya si Liane ng mga Damit. At kinabukasan maagang gumising Si Mang Ernesto. Para maagang pumasok sa trabaho kahut di pa siya kumakain ng Umagahan. At nag simula na si Mang Ernesto sa kanyang trabaho. At sinabi na niya na mag Oovertime siya sa trabaho. Nagpatuloy si Mang Ernesto sa pag tatrabaho kahit sa isang bigasan nagtrabaho siya. Hanggang isang araw napaka lakas ng ulan habang nag dedeliver siya ng bigas sa isang village nakita ni Ellaine na nadulas ang kaniyang ama habang buhat ang isang sakong bigas. Pero di niya ito pinansin kahit na pinag tatawanan na ito ng kaniyang mga kaibigan patuloy parin sila sa paglalakad. At nakita siya ni Mang Ernesto na nag lalakad at tinawag ni Mang Ernesto si Ellaine. Ngunit di pinansi ni Ellaine si Mang Ernesto. At Paguwi ng bahay nagalit si Ellaine sa kanyang ama dahil kinahihiya ni Ellaine ang kanyang ama. Pero di nakapagsalita si Mang Ernesto at napaluha nalang ito. At napaiyak ang bunso anak na babae ni Mang Ernesto at sabay Yakap kay Mang Ernesto. At sinabi ni Mang Ernesto na ayos lang. At binili parin ni Mang Ernesto ang gustong uniform ni Ellaine. At nung nakita ni Ellaine ang Uniform ni Mang Ernesto natuwa ito at hidi manlang nag pasalamat sa kanyang ama. At na pasabi siya na ayos lang basta masya ang kanyang anak. At maagang natulog si Ellaine dahil bukas na ang pasukan sa School. At gumising siya ng maaga para maisuot agad ang kaniya uniform . Maaga naring gumising ang kanyang ama para pumasok sa trabaho. Naisipan ni Mang Ernesto na ihatid muna si Ellaine sa School at pumayag naman ito. Ngunit nung malapit na sila sa School nag pababaagad ito. At nag taka si Mang Ernesto kung bakit nag pababa agad dito. Dahil medjo malayo pa ang School sa binabaan niya. Dahil nakita ni Ellaine ang Kanyang mga kaibigan na magaganda ang sasakyan na kotse ngunit siya ay scooter lamang naisip din niya na baka pag tawanan siya ng mga eto. At hindi muna umalis si Mang Ernesto hinintay niya ito na makapasok sa school. At nag tanong ang isa sa mga kaibigan ni Ellaine kung tatay niya si mang Ernesto dahil nakatingin pa ito kay Ellaine ngunit itinanggi nito na tatay niya si mang Ernesto. Nagpaalam si Ellaine na lalapitan niya si Mang Ernesto. At sinabihan niya ito na umalis na at wag na siyang susunduin. At pumasok na nga si Mang Ernesto sa trabaho. Kahit na masama ang pakiramdam ni mang Ernesto. Pumasok parin ito sa trabaho. At ng maideliver na ni mang Ernesto ang mga Parcel na idedeliver nya. Umuwi ito habang pauwi siya nakita niya ang isang magandang bestida sa palengke at binili niya ito para naman sa kanyang Bunsong anak na babae. At nang makarating siya sa bahay pinasukat agad ni Mang Ernesto kay Liane ang damit na binili niya. At sobra nagustuhan ni Liane ang damit na binigay sa kanya ng kanyang ama. Agad naman nag pasalamat si Liane sa kanyang ama. At dumating si Ellaine sa bahay at sinabi nya sa kanyang ama na gusto niya ng cellphone na touchscreen. Sabay pasok sa kanyang silid. At sabay naman na kumain si mang ernesto at ang kanyang bunsong anak na babae. Dahil ayaw sumabay sa kanila ni Ellaine na kumain. At kinabukasan tulad ng araw araw na ginagawa ni Mang Ernesto. Hinabilin ni mang ernesto ang kanyang bunsong anak na babae sa kanilang kamag anak na kanilang kapit bahay lang. At siya ay pumasok na sa trabaho. Nag overtime ulit si Mang Ernesto sa kaniyang trabaho. Para may maipambili siya ng gusto ng kaniyang anak na babae na si Ellaine. Kahit na minsan lang mabilihan si Liane. At nung araw na yun paguwi ni Ellaine galing school agad na itong natulog dahil kumain na ito sa labas kasama ang kaniyang mga kaibigan. At habang si Mang Ernesto ay nag tatrabaho parin para sa kanyang cellphone na hinihiling. Pumunta si Mang Ernesto sa isang Mall para bilihin ang gustong cellphone ni Ellaine. At nang makauwi na sya sa bahay nilagay niya ang cellphone sa lamesa at nag iwan ito ng sulat na ang naka lagay. "Anak parasaiyo ito at kahit hindi ka naging mabuting anak sakin kahit na palaging mainit ang ulo mo sa kapatid mo at kahit kinakahiya mo ko. Para sayo ito. Nagmamahal tatay" At natulog na si Mang Ernesto sa tabi ng kaniyang bunsong anak na babae. At kinabukasan paggising ni Ellaine nakita niya ang Cellphone sa lamesa at binasa niya ang sulat na nakalagay dito. At napaluha siya sa maikling sulat ng kaniyang ama. Niisip ni Ellaine na puntahan ang kanyang ama at humingi ng Pasasalamat at pasensya . Ngunit pag punta niya sa kwarto ng kanyang ama at naka babatang babaeng kapatid. Nakita niya na naiyak ang kaniyang batang kapatid na babae. At sinabi ni Liane na wala na ang kanilang ama dahil patay na ito. At sinabi ni Liane na namatay ang kanilang ama dahil sa sobrang pagod sa trabaho dahil umaga hanggang gabe. Umaraw umulan nag tatrabaho ito para sa mga gusto ni Ellaine. Dun lamang napaisip si Ellaine at umiyak ng umiyak sa tabi ng kanyang ama. At humngi rin siya ng tawad sa kanyang nakakabatang kapatid na babae. At nasa huli ang pag sisisi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.0K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
80.1K
bc

❣️I heart you Major Del Fierro❣️

read
3.1K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.2K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Daddy Granpa

read
296.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook