"Sigurado ka na bang law ang kukunin mo Zach?" Tanong ni Gab, habang kumakain kami ng lunch. Chismoso talaga 'tong taong to, lahat na kwinestiyon eh. Binibigyan nya pa ako ng mga doubts! "Enrolled na nga ako diba? At saka, anong klaseng tanong yan, Gab. Tanga ka! Matagal ko nang pangarap 'to diba? Mula bat pa tayo, hanggang sa sabay tayong nagpatuli at lumaki, alam mong maging lawyer na ang gusto ko." sagot ko sa kanya, habang naniningkit yung mga mata ko. "Kahit kelan talaga, ang dami mong sinasabi! Pati ba naman yung sabay tayong nagpatuli sinama mo sa usapan." pagtaas nung kilay ni Gab, tapos hinampas ba naman ako ng kutsara sa noo. "Chismoso ka kasi, eh sa gusto kong mag-abogado eh!" sambit ko, sabay binato ko sa kanya yung buto ng manok na kinakain ko. "Dugyot mo talaga kahit k

