Gago, parang magkakasakit yata ako. Ganito talaga siguro yung pakiramdam kapag alam mong start na ng pasok bukas eh. Mapapamura ka nalang talaga sa katamaran, parang nung isang araw natutulog lang ako. Tapos pagkamulat ko kinabukasan may pasok na, Pota! Aga kong nagising, 7:00 am pa lang tirik na yung mata ko, 9:00 am kasi ang schedule ko. Buti nalang same sched kami ni Gab, at least may kasabay ako, makakalibre pa ng sakay sa kotse nya. "Gab, tara na! Ang tagal mo nalang maligo dyan. Anong kababalaghan na naman ginagawa mo!" sigaw ko, tapos kinakatok katok ko pa ng malakas yung pinto ng cr. Eh pano, ang tagal maligo, tangina isang oras na yata sa cr. "f**k you! Maghintay ka dyan, mauna ka na kung gusto mo!" sagot nito. Hanggat magkasama kami ni Gab, hindi matatapos tong bardagulan

