"Zach, gusto mong sumama?" Ito agad ang naging bungad sakin ni Gab, kagigising ko pa lang, nagyayaya na kaagad gumala. "Saan ba?" pagtatanong ko habang humihikab pa, at tinatamad bumangon sa higaan. Wala kasi kaming schedule ng pasok, kaya kung makapag-aya si Gab, wagas. "To the coffee shop, tatambay lang tayo. We're going to meet someone." sambit sakin ni Gab, namimilit na samahan ko sya. "Nako, insan. Baka ma-op lang ako, wag na. Matutulog nalang ako buong araw." pangtanggi ko sa kanya, sabay takip ng unan sa mukha ko. "Treat ko, ako nang bahala sayo. Sumama kana!" saad nya habang hinampas hampas nya ako nung unan. "Ayoko, tangina ka. Inaantok pa ako." pagmamatigas ko, tinamad kasi talaga ako. Tapos mag rereview pa ako about torts and damages, sakit pa ng katawan ko. "Libre ko n

