"Malapit na UAAP, Zach ah? What's your plan, wanna join sa basketball team namin?" sambit sakin ni Gab, dine-demonyo akong sumali sa team nila. Lumalamon ako sa kusina, hotdog lover talaga ako eh, lalo na pag tender juicy. Kasali kasi si Gab sa basketball team ng University namin. Every year lumalaban sila sa UAAP, to represent Wardian Scorpions. Sumali na kasi ako sa varsity ng men's volleyball. Malapit na naman ang patayang training. Nagdadalawang isip pa nga ako baka maka-apekto 'to sa pag-aaral ko eh, pero sabagay, nakuha ko rin naman ang scholarship na 'to dahil din sa pagiging athletic ko bukod sa talinong taglay ko. "Alam mo, bro. Kahit sobrang galing ko sa basketball, at alam kong ako magpapanalo sa Howard, 'di na ko makakasali sa team nyo. Wardian Scorpions Volleyball player n

