Maaga silang naghanda para sa araw na ito dahil family day sa school ng kambal. At siyempre, sasama sila ni Van para sumuporta sa mga anak nila. May family shirt sila na iisa lamang ang kulay at may personalized design pa iyon. Nagluto rin siya ng pansit at fried chicken na siyang dadalhin niya sa school dahil at ipapamahagi niya rin sa mga iba pang mga kaklase ng kambal. Nakakakaba nga dahil first time nilang magsamang apat sa school. Maaga namang dumating si Van at kagaya niya ay may dala rin itong mga pagkain. Ayon sa guro ng mga bata ay bring and share silang lahat pagdating sa foods. Masaya naman ang kambal habang bumibiyahe silang magkakasama. Ganito ba talaga ang impact sa kambal? Si Mang Kanor ang nagmamaneho. Ang iba pang mga tauhan nila ay nasa ibang sasakyan. Pagdating sa sch

