Ang sobrang cake na dala nila at pansit ay binalot niya para sa dalawang bata na sina Leego at Mega. Tuwang tuwa naman ang dalawang bata nang matanggap ang mga pagkain na galing sa kan'ya. Hindi niya inaasahan na yayakapin siya ng mga bata. Sa simpleng paraan na iyon ay tila isang malaking bagay para sa dalawa. Naiiyak siya, napakalambing at napakabait ng dalawang bata para balewalain lamang ng mga magulang. Napapailing siya, marami ang hindi nagkakaanak samantalang 'yung mga binibiyayaan ng anak ay hindi pinapahalagahan ang bigay sa kanila ng Diyos. "Uuwi na kayo? Sumama na kayo sa amin."sambit ni Van sa dalawang bata. " Sige po, maraming salamat po sa inyo. Napakabait niyo po. Sana po, katulad niyo rin po sina nanay at uncle. " wika ni Leego kay Van. Nagkatinginan sila ni Van." Don't

