Isang linggo na siyang naghahanap ng mauupahang apartment pero hindi pa rin siya nakakahanap ng matitirhan na sapat sa budget niya. Sa perang hawak niya ngayon ay kailangan niyang magtipid para makakaraos siya hanggang sa makahanap siya ng trabaho. Ang ibang apartment kahit hindi pa kagandahan ay nagpapabayad pa ng dalawang buwan na deposito at isang buwang advance payment sa renta. Sa katiting na perang hawak niya ngayon ay isang buwan lamang ang kaya niyang bayaran. Sa ngayon ay nagtitiis na lang muna siya sa pagbabayad sa isang pipitsugin na motel. "Sir, may isang bakanteng kwarto pa po rito. Dalawang libo po kada buwan. May isang kama at cr na sa loob." sambit ng babaeng pinagtanungan niya. May nakita siyang tarpaulin sa kalsada kanina at naisipan niyang mag-inquire sa loob. May li

