TRISHA RIVERO Tahimik at ang lalim ng kan'yang iniisip sa oras na iyon. Sinisipa niya ang isang walang laman na lata ng sardinas naglalakad at napapamurang mag-isa. Umalis siya sa ospital nang wala sa oras dahil wala na siyang pambayad. Pagdating niya sa bahay nila sa squater ay sobrang stress siya dahil siya na naman takbuhan ng problema at reklamo. Buntis pa nga siya't walang katapusang problema na naman ang kinakaharap niya. Mabuti na lamang ay nakita niya ang kotse kanina ni Van at nakita kung saan ito pumasok. Nakadelihensya tuloy siya para sa pambili ng kanilang makakain.Actually, papunta sana siya sa bahay kanina ng tiyahin niya upang manghiram ng pera pero nang makita si Van ay nagkaroon siya bigla ng pag-asa. Pumara siya ng jeep upang makauwi na sa bahay nila sa squatter. N

