"Mga anak, hintayin n'yo muna si Tito Ashton ninyo ah? Papunta na raw siya rito!" aniya sa mga anak niya. Hapon na at oras na para sunduin ang mga ito ni Ashton. "Its okay po dadi. When are we going to visit you again?" ani Zen. "Hmmm, sa sunday ulit? But don't worry dahil bukas palagi ko na kayong makakasama sa school." wika niya sa mga ito. "Really wow? That's nice!" pumapalakpak na sambit ni Zan. "Hello, mga kids ako nga pala ang tita Mercy ninyo at may bilo-bilo akong dala para sa inyo. Subukan niyo na muna 'to!" wika ni Mercy na kumekendeng pa ang balakang nito papasok sa veranda ng kubo. Inilapag nito ang umuusok na bilo-bilo sa maliit na mesa sa harapan ng mga anak niya. " Kain na kayo mga kiddos baka makqkalimutan ninyo kung sino ang mommy ninyo kapag natikman niyo ito, pramis

