Sakit at awa sa sarili ang nararamdaman niya sa sandaling iyon. Hindi niya inaasahan na sa paglipas ng panahon ay para na silang estranghero ni Ela, pati na rin ang mga anak niya ay tila mas malapit na kay Adrian na pinsan niya. Maaga siyang nagising, sa katunayan ay araw araw naman siyang ganito. Daily routine niya ang pangangabayo at paglilibot sa niyugan alas cinco pa lamang ng umaga. Pagkatapos niyang bigyan ng oras ang niyugan ay magpapakain na naman siya ng kan'yang mga alagang mga hayop. Umaga pa lamang ay pawis na siya at isa 'yun sa mga dahilan kung bakit fit ang pangangatawan niya bukod sa pagwoworkout. His routine keeps him healthy at the same time nakakalimutan rin niya ang lahat ng mga negatibong enerhiya na bumabalot sa kan' ya. Nang matapos niyang pakainin ang mga alagang

