“Ah, yes. Tita Alice, I’d like you to meet my boyfriend, Yvo. Yvo, this is my Tita Alice.” pakilala niya sa dalawa.
“Hello ma’am. It’s my pleasure to meet such a pretty woman like you.” Yvo planted a soft kiss at the back of Aunt Alice’s hand. Narinig niya ang mahinang pagsinghap ng kanyang tita. Nagblush din ito.
“Oh my. It’s nice to meet you too, gentleman.” pigil ang kilig na anang tita niya.
Hindi napigilang tumaas ng isang kilay niya. Napatingin siya sa nakangising si Yvo. He surely knows his way to get through a woman’s heart. Napangiti siya. Mukhang wala naman pala siyang dapat na ipag-alala. “Shall we go?” aniya.
“Sure. Come in, hijo. They will be thrilled to meet you.” masiglang yakag ng tita niya.
Pasimple niyang siniko si Yvo. “Grabe, pinakilig mo ang tita kong may malaking galit sa mga lalaki. Ikaw ah, napaghahalatang babaero.” bulong niya.
“Epekto lang iyon ng charms ko. Huwag ka ng magselos, sa’yong sa’yo tong kagwapuhan ko.” he grinned.
“Yabang.” napahagikgik siya.
“So, you’re finally here.” sabay pa silang napaigtad ni Yvo nang marinig nila ang malalim na boses ng kanyang daddy. Napatuwid sila ng tayo at mabilis na napalingon sa nagsalita. “Bilisan ninyo. Hindi pinaghihintay ang pagkain.” nauna na itong pumasok.
Nagkibit-balikat ang Tita Alice niya bago sumunod sa kuya nito, her father. Kinakabahang sumunod sila ni Yvo. Napanganga siya sa nadatnan sa loob. All the while, she thought that she would see all of the Mysterio’s inside their house. Nagtatakang napatingin siya sa kanyang tita.
“Napadaan lang ako. May kinuha ako sa daddy mo.” paliwanag nito. Tila ba nabasa nito ang nasa isip niya. “Which was a good thing, dahil nakilala ko ang napakasimpatiko mong boyfriend.”
“Akala ko ba aalis ka na?” sikmat ng daddy niya.
“Oo nga. Paalis naman na talaga ako kuya. Inihatid ko lang sila papasok.”
“Now you can go.” muwestra ng daddy niya sa pinto. Umismid ang tita niya bago nagpaalam at umalis. Matapos umalis ng tita niya ay bumaling naman sa kanila ang matalim na titig ng ama. It was her first time to see her father look like that. Ni minsan ay hindi nito hinarap ng ganon si Rico. Iba naman kasi ang sitwasyon noon. Niligawan siya ni Rico ng halos isang taon bago sila officially naging mag-on.
“Err…dad, s-si Yvo nga pala. Boyfriend ko po.” alanganing pakilala niya.
“It’s a pleasure to meet you sir. By the way, I am Yvo Mondragaon.” magalang na pakilala nito sa kanyang ama. Hindi nito pinansin ang malamig na pagtrato ng ama sa binata. Iniabot nito ang kamay sa harap ng kanyang ama.
Ngani-nganing hawakan na niya ang kamay ni Yvo at ibaba iyon. Ayaw niyang mapahiya si Yvo. Ito na nga ang tumutulong, ito pa ang mahihirapan? Unfair naman iyon.
Her father stared coldly at Yvo’s hand. Nakaramdam siya ng tension sa pagitan ng dalawa. Should her father not accept Yvo’s hand, tiyak niyang mapapahiya si Yvo. Pigil ang hiningang inantay niya ang susunod na gagawin ng ama.
“I am Ramon Mysterio, Lira’s father.” inabot nito ang kamay ni Yvo. The two of them shook hand politely. Nakahinga siya ng maluwag. “We’ll have to talk later.”
“Ah…where’s mom?” mabilis niyang salo sa usapan.
“Have a seat. Inaayos na ni Lina ang hapag.” anitong tinutukoy ang kanyang ina. “I’ll go check on her.” anitong iniwan sila sa gitna ng sala.
“Kinakabahan ka ba?” mahinang tanong niya kay Yvo.
“Nope.”
“Weh?”
“Okay. Kinakabahan ako, konti lang.”
“Kasi naman si daddy e. Ewan ko ba kung ano’ng nakain nun.”
“It’s okay. I think I can handle him.”
“S-sure? Pasensya ka na talaga ha?” bumalik ang guilt niya.
“Hayaan mo na. Isipin ko na lang na practice ito kapag namanhikan na ako sa babaeng pakakasalan ko in the future.” he joked.
But to her, it was a joke that she could never laugh at. Hindi naman kasi iyon nakakatawa, bagkus ay nakakasakit sa puso niya. Why did she have to feel hurt anyway? Wala naman dapat siyang pakialam diba? Ano ngayon kung may balak itong mamanhikan sa babaeng pakakasalan nito in the future, gaya ng sabi nito? She shouldn’t care, not a bit!
“G-good. Hindi ko na kailangang maguilty.” she faked a laugh.
“Silly, there’s nothing to be guilty about.” niyakap siya nito at hinalikan sa noo. Iyon ang eksenang naabutan ng kanyang mga magulang. At base sa reaksiyon ng mga ito, mukhang hindi nila inaasahan ang naabutang eksena. Uh-oh. By the looks of it, mukhang masasabon sila ni Yvo.
Tumikhim ang kanyang daddy. Napahawi naman ng buhok ang kanyang mommy. Mabilis siyang kumalas mula sa pagkakayakap ni Yvo at tumuwid ng upo. “Ah…m-mommy, s-si Yvo nga pala. B-boyfriend ko po.” kandautal-utal na aniya ng makabawi mula sa pagkabigla.
“Nice to meet you, ma’am.” magalang na bati ni Yvo matapos tumayo. Iniabot nito ang kamay sa mommy niya. At gaya ng ginawa nito sa tita niya ay hinalikan rin nito ang kamay ng kanyang mommy. Narinig niya ang mahinang pagsinghap ng mommy niya. Pagkunwa’y napangiti ito.
“Nice to meet you too, young man. Anyway, lunch is ready.” anunsiyo nito.
“Lina.” mahina ngunit madiing tawag ng daddy niya sa kanyang mommy. Napaigtad ang mommy niya at biglang napaayos ng tayo. Bumalik ang pagiging pormal ng mukha nito. “Let’s go.” mariing utos ng kanyang ama.
Nagtatakang nagkatinginan sila ni Yvo. Pagkunwa’y tahimik silang sumunod sa mga magulang. Kahit paano’y gumaan ang pakiramdam niya. She knew her mommy too well. Base sa kinang ng mga mata nito kanina, sigurado siyang nagustuhan nito si Yvo. She was also like that when she met Rico. And about her father, as always, hindi niya mabasa ang reaction nito.
“So, what do you do for a living?”
Pareho silang natigilan ni Yvo sa pagsubo sa adobong baboy nang biglang magsalita ang daddy niya. Nakaramdam siya ng pagkailang. In her family, sanay silang nagkwe-kwentuhan habang kumakain. Habang sa iba ay kabastusan raw iyon. Iyon ang problema niya, hindi niya alam ang nakasanayan ni Yvo. Wala siyang nagawa kundi ang hintayin ang magiging reaction nito.
Yvo gently put the spoon down and turned to her father. “Businessman po ako.” magalang nitong sagot. He smiled at her, as if he knew what’s making her feel anxious. She thankfully smiled back.
“What kind of business do you handle?” interesadong tanong ng mommy niya.
“I’m into…” napatigil ito sa pagsagot. She knew too well why he hesitated to answer. Nakaramdam siya ng simpatiya rito. Nagtatatakang napatitig ang mga magulang niya rito. “I…”
“What kind of business?” ulit ng daddy niya.
“Hotels sir. I manage our own family business.” tipid nitong sagot.
“The Mondragon Hotels?” bulalas ng mommy niya.
“Yes ma’am.”
Nagkatinginan ang mga magulang niya. Alam niya ang tinginang iyon—shocked. Marahil ay hindi inaasahan ng mga ito na ganoon kabigatin ang boyfriend niya. “You’re the youngest among the Mondragons?”
“Yes sir. Dalawa lang po kaming magkapatid.”
“Why did you choose my daughter then?” prankang tanong ng daddy niya.
It was Yvo’s turn to feel shocked. Mukhang hindi nito inaasahan ang tanong na iyon. Her mom suddenly looked serious. Is there something wrong with Yvo being a billionaire’s son? She wondered.
“Maraming mas mayayaman at mas magagandang babae kesa sa anak ko.” her mom just answered her question.
Oo nga naman. Sa dinami-rami ng pwede nitong maging girlfriend, siya pa na hindi kasali sa mundong ginagalawan nito. Hindi siya mahirap, pero hindi rin siya nabibilang sa elite society na kinabibilangan nito. Pilit man niyang iniignora ang sakit na nadarama niya ay hindi niya iyon napigilan. Now, it’s her turn to feel insecure.
“I didn’t choose her.” bumaling ito sa kanya at ginagap ang nanginginig na kamay niya. “My heart did.”
Sabay na napangiti ang mga magulang niya. Matapos niyon ay masiglang interview na ang pumuno sa harap ng hapag nila. Hindi niya alam kung ano ang nagpabago sa mood ng mga magulang o kung ano ang naging dahilan kung bakit mukhang nagustuhan nila si Yvo. Pero sa ngayon, hindi iyon ang dapat na iniisip niya.
Why was she so happy when she heard him say those meaningful words?