“Say ahhh.”
“Sipain kita diyan e. Ako lang ang kumakain. Buka ang bibig, say ahhh…” iniumang ni Lira ang hawak na fishball sa nakapinid na bibig ni Yvo. “Ano ba, sabing buka ang bibig e.”
“A-are you sure it’s safe to eat here?” pabulong na anito.
Wala siyang ibang naging sagot sa tanong nito kundi ang mataginting niyang tawa. “Adik lang? Ano’ng tingin mo rito sa fishball, lason? Come on, safe ito.”
“I shouldn’t have let you choose the place to eat.” iiling-iling na reklamo nito. “Just this one, okay? T-titikman ko lang.” alanganing ibinuka nito ang bibig.
“Say ahhhh…” sumubo ito, marahan at walang reaction habang ngumunguya. Hindi niya tuloy malaman kung nagustuhan ba nito ang fishball o hindi. “Hmmm, what do you say? M-masarap ba?” nakangiwing tanong niya.
Hindi ito nagsalita. He swallowed the food and stared at the stick she was holding. Masama ang tingin nito sa fishball na hawak niya! Uh-oh. Mukhang hindi pumasa sa pang-maharlikang taste buds nito ang lasa ng fishball na isinawsaw sa thick sweet sauce.
“Ahhh…” parang batang iniumang nito ang nakabukang bibig palapit sa kanya.
“God! Akala ko magwawala ka na dahil sa lasa ng fishball.” natatawang sinubuan niya ulit ang binata. “Masarap diba? Noong college pa ako, madalas kami rito ni Vivian. Dito kami madalas magmeryenda. Tapos, dito namin inaabangan si Rico noon. Kapag dumaan siya, inililibre ko si Vivian ng softdrinks. Tapos…” biglang nanikip ang dibdib niya sa naalala.
“L-lira.”
“Ano ba itong naaalala ko? Panira ng moment.” natatawang pinunasan niya ang luhang namuo sa gilid ng kanyang mga mata. “Lika na nga doon. Tikman naman natin iyong tokneneng.”
Tahimik na sumunod sa kanya si Yvo. Inaya niya itong maupo sa isa sa mga bench na naroon sa park. Ibinaba niya ang maliit na plastic cup na kinalalagyan ng fishball at tokneneng na binili nila. Tahimik siyang kumain habang si Yvo at matamang nakatitig lang sa kanya.
“Alam mo ba’ng sa park kami nagkakilala ni Rico?”
He looked away. “Talaga?”
“Yeah. Graduating na kami ni Vivian noon, when we saw him sitting here. Mag-isa lang siya noon e. Tapos mukhang ang lungkot lungkot niya. Tuwing hapon, pagkatapos ng klase namin ni Vivian, lagi namin siyang inaabangang dumaan rito habang kumakain ng fishball.”
“Memorable pala sa’yo itong park na ito?”
“Yeah. Dito nabuo ang…” she trailed off. “Change topic na nga.” she faked a laugh.
“Do you still love him?”
Natigilan siya sa tanong ni Yvo. Hindi agad siya nakasagot. Mahal pa nga ba niya si Rico? It’s been over two weeks now, since she broke up with him. Sino ba’ng niloloko niya? Matagal na ring nanlamig sa kanya si Rico bago pa man sila tuluyang naghiwalay. Kaya ba nagiging madali para sa kanya ang kalimutan ito?
Hindi kagaya dati na halos minu-minuto niyang iniiyakan sina Rico at Vivian. Was it because of Yvo? Maybe yes, maybe not. Hindi siya sigurado. Basta ang sigurado lang niya ay unti-unting nawawala ang sakit na dulot ni Rico sa puso niya. Naghanda siya ng isang matamis na ngiti kay Yvo, para lamang pala mapawi nang makita niyang tumayo ang binata.
“Let’s go?”
“H-hindi pa tayo tapos kumain.”
“Busog pa ako. You can eat that inside the car.”
Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod rito. His change in mood made her feel uneasy. May nasabi kaya siyang hindi nito nagustuhan? O baka naman nauumay na ito sa pinagdalhan niyang lugar? Afterall, hindi ito gaya niya na isang normal na tao. Lumaki ito sa marangyang buhay. Not in a place like she grew up with.
Hindi pa man siya nakakasakay ng kotse nito ay bigla ng tumunog ang kanyang telepono. Dahil dalawang kamay ang gamit niya sa paghawak ng plastic cups ng fishball at tokneneng ay tinawag niya si Yvo at ipinahawak ang mga iyon rito. “Sandali lang naman e. May tawag ako oh.” paliwanag niya nang makita ang paniningkit ng mga mata nito. Obviously, hindi ito sanay ng inuutusan. Napangisi siya.
“Just make it quick. Kapag lalake iyan, itatapon ko ang mga ito.”
“Grabe naman itong boyfriend ko, seloso.” tukso niya. “Sige na, bibilisan ko.” natatawang aniya.
Hindi niya alam kung bakit pero kinikilig siya sa pagiging overprotective nito. First time niyang kiligin ng ganon. Hindi naman kasi overprotective si Rico sa kanya noon. Come to think of it. Habang tumatagal na nakakasama niya si Rico, biglang lumalabo ang mga dahilan kung bakit nga ba siya nainlove sa dating kasintahan. Quit it Lira! What’s with the comparison?
“Siguraduhin mo.”
“Hello?” matawa-tawang sinagot niya ang tawag. Yvo’s face looked adorable while holding those plastic cups. Lumilinga-linga pa kasi ito sa palagid na para bang ayaw nitong may makakita ritong may hawak na ganoon.
“What’s with that funny hello, honey?”
Nangunot ang noo niya nang makilala ang boses sa kabilang linya. Inilayo niya ang telepono sa tenga at tinignan ang hawak na telepono. Nanlaki ang mga mata niya nang mabasa sa screen ang pangalang nakarehistro roon. “D-daddy!” bulalas niya.
“Tumawag ako sa Picture Perfect, pero ang sabi ni Lexus ay nakipagdate ka raw.”
Napangiwi siya sa nag-aakusang tono ng ama. “Y-yeah. I am with my boyfriend right now.”
“Hand him the phone.”
“Dad?!”
“I said hand him the phone, now!”
“But dad—”
“Hindi kita pinakialaman kay Rico noon, but look what’s happened to you. You nearly ruined your life! Pero sa pagkakataong ito, I’ll make sure that, that boyfriend of yours will not be someone like Rico. Hand him the phone or I’ll get my ass off out of here and drag you back home.” banta nito.
Mabilis pa sa alas-kwatrong iniabot niya ang telepono sa nagtatakang si Yvo. Kilala niya ang ama. Mabait ito at malambing sa kanya, sa katunayan ay spoiled siya rito. But whenever her father says enough, it really is enough. Nakangiwing inabot niya ang telepono kay Yvo.
“What?” takang tanong nito.
“That’s my dad. He hates people that make him wait. Answer it, quick.” bulong niya habang kinukuha ang mga plastic cups sa kamay nito. He just shrugged, tila ba hindi ito natatakot sa daddy niya.
“Hello. Yes sir. I will. Yes sir.” sunud-sunod ang pagtangong ginawa ni Yvo matapos sagutin ang tawag. She wondered, ano naman kaya ang iniye-yes yes nito sa daddy niya?
“I’ll be there sir. First thing in the morning, I’ll be at your doorstep.” pagkatapos niyo’y inabot ni Yvo ang telepono sa kanya.
“What the hell did my father tell you?”
“He wants me to come over to your place tomorrow. I mean, to your parents’ house.”
“Whaaaaaaaaat?!!”
***
“I’m sorry.” nakayukong ani Lira.
“What are you sorry for?” takang tanong ni Yvo sa kanya.
“I didn’t know we’d come to this. Really. Nakakahiya lang na nadadamay ka pa sa kadramahan ng pamilya ko. This isn’t part of the bargain. Hassle pa tuloy sa’yo.” she said coyly.
“Come on. What’s a day or two? Wala namang mawawala sa akin. Besides, I am more than willing to help you. We are helping each other, right?”
She has to admit, she was really touched by his words. Naging napaka-vocal nito sa pagsasabi na nais siya nitong tulungan. Truth be told, she’s found a friend in him. Funny, pero hindi ang physical na nangyari sa kanila noong gabing iyon ang tumatak sa isip niya. It was the kinship that grew between them when they spent that night together.
“Don’t worry, kapag ikaw naman ang nangailangan ng tulong, I will never hesitate to help you.” she sweetly smiled at him.
“I barely ask for anybody’s help, you know.” he returned the sweet smile.
“Ang ganda pala ng relationship natin ano? Who would have thought, we’d be like this?”
“Bakit, ano ba’ng relasyon natin?” he curiously asked.
For some reasons, hindi siya naoffend sa paraan ng pagtatanong nito. It gave her the feeling that he didn’t mean to do so. “Our relationship is the best because we can act like lovers but also like best friends. Ang cute lang ‘no?”
“I didn’t know such relationship exists, but I must admit, it feels good.”
“I didn’t know either. Ano ba ito, gumagawa ako ng sarili kong definition ng relasyon.” natawa siya. “B-by the way, t-thank you.” she whispered.
“Kanina, sorry, ngayon naman thank you?”
“Wala, naumpisahan ko na rin naman ang magdrama, tatapusin ko na.” she chuckled. “Gusto ko lang mag-thank you sa’yo. Thank you for coming into my life…and for saving me.”
Hindi ito sumagot pero gumalaw ang isang kamay nito at inabot ang sa kanya. He gently squeezed her hand and smiled at her. Mayama’y ibinalik nito paningin sa kalsada, hindi pa rin binibitiwan ang isang kamay niya. Kasalukuyan silang nasa daan patungo sa bahay ng mga magulang. Sabay sila ng binata dahil sinundo na siya nito sa condo niya.
“B-baka mabangga tayo.”
“Kiss muna.”
“Loko!” she instantly blushed. Natatawang binitiwan nito ang kamay niya. A defeaning silence came afterwards. Pagkunwa’y tumikhim siya. She thought it would be better if she’d give him a little briefing about her family.
“Okay, ganito kasi iyon.” she started. Bagamat hindi lumingon si Yvo ay batid niyang nakikinig ito sa kanya. Saglit siyang napatigil sa pagsasalita, unsure if a briefing would be necessary for him.
“Go on, I am listening.” he urged. Nang mapansin nitong nag-aalangan siya ay lumingon ito at ngumiti sa gawi niya. “It’s okay. I think I might need a little briefing.”
“Uhmm, how do I start it? My parents were never nosy about how I live my life. They always let me do everything I wanted to do. Alam kasi nila na I always live by the rules. I grew up in a very conservative family. My mother’s family was religious, very religious. May tito akong pari, may tita akong madre, and most of my family from the mother side were very active in the church, my mom’s one of them.”
“While on my father’s side, they were all law conscious citizens. My father is a lawyer himself. My grandfather was a judge while I have three cousins who are also lawyers. Uso sa amin ang curphew noon. Bahay, eskwelahan lang ang routine ko noon. So you see, lumaki ako sa tamang landas.” biro niya. She saw him smile while shaking his head. “At least, that’s the way it was. Until they learned what happened between me and Rico. Since that day, I’ve been everybody’s baby.” she pouted.
“Mukhang strict ang pamilya mo.” komento nito.
“Yeah.” she nodded. “Kaya, pasensya ka na kung anuman ang maabutan mo sa bahay mamaya. I just hope that my parents didn’t invite the whole clan.”
“Don’t worry. There has never been a single thing that I couldn’t handle.”
“Yabang. Eh ikaw, kamusta ang pamilya mo?” nang hindi ito nakasagot ay bigla siyang nakaramdam ng hiya. She might have gone too overboard to ask him personal questions like that. Feeling close lang teh? Napakagat-labi siya at bahagyang napayuko. Magso-sorry na lang siya ng bigla itong magsalita. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib.
“Just a normal one, I guess.” nagkibit-balikat ito.
“How can a billionaire’s son say that? What is normal to you, anyway?”
“My parents are just like yours. They let me do my own thing. Ang kaibahan lang, they never set rules for us. We set our own rules. Well, lagi rin naman silang busy. So, whatever we do won’t be a big fuss to them. My mom was a former ramp mode who now runs her own clothing line. My dad takes care of the companies my grandfather left for him to manage. And, my brother, Ivan, has his own company. You still remember the things I told you about him, right?” his voice slowly drifted.
Paano niya makakalimutan ang kuya Ivan nito, na halos magdamag nitong ikinuwento sa kanya ng gabing iyon? He’s got a lot of insecurities with his brother. Puring-puri nito ang kapatid. Mula sa grades sa school, sa mga babaeng nakarelasyon, sa tipo ng damit, sa sports, lahat iyon, iniisip nitong nakakalamang rito ang kapatid. It was another side of Yvo she has seen during that night. The helpless man, but nonetheless, just a human being, Yvo.
“Basta, brace yourself. Ako ang baby sa pamilya namin, baka pahirapan ka nila. We’re finally here.” kinakabahang aniya.
“Let’s go.” naunang umibis ng sasakyan si Yvo. Umikot ito sa sasakyan at pinagbuksan siya ng pintuan. Hindi na naman niya napigilan ang sariling ikumpara ito kay Rico. Stop it Lira!
“Senyasan mo ako ‘pag hindi mo na kaya. Iuuwi kita agad.” biro niya.
“Silly. I’ll make them like me, more than they ever liked Rico.” puno ng kumbiksiyong anito. She gasped. Nabitin tuloy ang kamay niya sa pagkawit sa matipunong braso nito. He smiled boyishly. Napailing siya.
“Tara na nga!”
“You’re, almost a minute late.” bungad ng Tita Alice niya na nasa tapat lang pala ng gate nila. Ni hindi sila nito binigyan ng chance para mapindot ang doorbell.
Uh-oh. Just as she thought. Naroon nga ang buong pamilya niya! Pambungad pa talaga ang tita niyang ipinaglihi sa kasungitan. Humigpit ang kapit niya kay Yvo. She forged a trembling smile as she turned to her aunt. “Oh, hi Tita Alice! How are you?” she gave her aunt a peck on the cheek.
“Is that him?” Aunt Alice asked in an icy tone. Matalim ang tinging ipinukol nito sa boyfriend niya. Wow, Lira, kung maka-boyfriend ka naman diyan!